Kwentong Bayan Halimbawa at Kahulugan

KWENTONG BAYAN – Sa araling ito ay ipinapahayag ang kahulugan ng kwentong bayan at mga halimbawa nito. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan kayo ng angkop na paliwanag tungkol sa mga kwentong bayan at nang matuklasan ang tunay na kahulugan nito.

Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa at kategorya ng mga kwnetong bayan sa Pilipinas.

Mga Kwentong Bayan Halimbawa at Kahulugan
Mga Kwentong Bayan Halimbawa at Kahulugan

Ano ang kahulugan ng Kwentong Bayan?

Ang kwentong bayan ay sumisimbolo sa mga tradisyong Pilipino na nagbibigay aral sa mga taga basa at taga kinig.

Sa bawat nilalaman ng mga kwentong bayan ay patungkol sa mga alamat at kulturang nakasanayan tulad ng mga pinaniniwalaang diyos at espiritu. Ang mga kwentong ito ay naglalarawan sa mga pananampalataya at kaugalian o surilanin nga lipunan na nagmula sa kathang-isip noong unang panahon.

Mga Kategorya at Halimbawa ng Kwentong Bayan:

Time needed: 3 minutes.

Narito ang lista ng Kategorya o uri ng Kwentong Bayan.

  1. Alamat

    Ang alamat ay isang kategorya ng kwentong bayan na nagpapahayag sa malikhaing kathang-isip ng mga Pilipino na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan. Ang alamat ay naglalaman ng mga kwento ng pinagmulan ng mga bagay, halaman, hayop at iba pa sa mundo.

    Mga Halimbawa ng Alamat:
    Ang Alamat ng Tandang, Alamat ng Pinya, Ang Alamat ng Ampalaya, Alamat ng Sampaguita, Ang Alamat ng Lansones, Alamat ng Mangga at marami pang iba.

  2. Mitolohiya

    Mitolohiya o “myth” sa Ingles ay pinaniniwalaang mga kwento sa unang panahon bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Ang mga nilalaman ng mga mitolohiyang ito ay kwento tungkol sa mga pinaniniwalaan diyos at dyosa ng mga sinaunang Pilipino. Kasama din sa mga mitolohiyang Pilipino ang mga nilalang na may kapangyarihan at may kakaibang katangian.

    Mga Halimbawa ng Mitolohiyang Pilipino:

    –       Aswang
    –       Diwata
    –       Duwende
    –       Engkanto
    –       Malakas at Maganda
    –       Mambabarang
    –       Mananggal
    –       Mankukulam
    –       Mariang Makiling
    –       Nuno sa Punso

  3. Parabula

    Ang salitang parabula o “parable” sa Ingles ay paghahambing. Ito ay mga kwento na makalupang pagsulat ngunit may makalangit na kahulugan. Ang mga nilalaman ng mga parabola ay nagmula sa sulat ng Diyo na pumupuna sa mga masamang katangian ng tao. Ito ay hindi lamang kwento ngunit nagbibigay aral din at maatagpuan sa bibliya na nakakapagturo ng mga magagandang asal at ispiritwal.

    Mga Halimbawa ng mga Parabula:
    –     
    Ang Pinakamaliit na Bato
    –       Ang Alibughang Anak
    –       Parabula ng Sampung Dalaga
    –       Ang Mabuting Samaritano
    –       Parabula ng Nawawalang Tupa
    –       Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
    –       Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
    –       Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

  4. Pabula

    Ang Pabula o “fable” sa salitang Ingles ay mga kwento na hayop ang gumaganap na karakter ngunit kumikilos o nagsasalita tulad nga tao. Ang mga kwentong pabula ay naglalaman ng mga aral para sa mga mambabasa.

    Mga Halimbawa ng mga Pabula:
    – Ang Aso at ang Uwak
    – Si Langgam at si Tipaklong
    – Ang kambing at ang Lobo
    – Si Matsing at ang Pagong
    – Ang Daga at ang Leon
    – Ang Kalabaw at Ang Kabayo

Mga Halimbawa Ng Kwentong Bayan Sa Pilipinas

Alamat ng Pinya (Version 1)

Noong unang panahon sa isang malayong nayon ay may naninirahang mag-ina, sina Aling Marya at ang kaisa-isa niyang anak na si Pina.

Palibhasa nag-iisang anak, si Pina ay hindi pinapagawa ng ina at sa halip siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Ang katwiran ni Aling Marya ay, “maliit at bata pa naman si Pina, matuto rin iyan”. Kaya ang nakasanayang gawin lang ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog.

Ang anak ay lumaki sa layaw dahil na rin sa inang si Aling Marya. Noong dalagita na si Pina ay gusto na sana ni Aling Marya na turuan ang anak ng mga gawaing bahay, ngunit naging ugali na ni Pina ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa’y ina kaya matiisin.

Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa. Hanggang isang araw si Aling Marya ay nagkasakit ng malubha at palagi na lang nakahiga. IPAGPATULOY ANG PAGBABASA>>

Si Mariang Makiling

Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao.  Kahit na sila ay may hiwaga, nagsasalita sila at umiibig, namimili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. 

Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa dalawang ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay.  Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao… IPAGPATULOY ANG PAGBABASA>>

Parabula Ng Sampung Dalaga

Ito ay tungkol sa sampung dalaga na ikakasal at kailangan nilang maghanda para sa paparating na mapapangasawa nila. Nang dumating ang kanilang mapapangasawa ay ang limang dalaga lamang ang nakahanda at ang iba ay hindi.

Ang kwentong ito ay pangaral sa atin na kailangan huwag pabayaan ang ating mga obligasyon sa ating Panginoon. Hindi lamang ito para sa pangaral ngunit ito rin ay paalala sa atin na maging handa sa maaring dumating na mga pangyayari sa ating buhay.

Ang Daga at Ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin.

Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. IPAGPATULOY ANG PAGBABASA>>

Si Pagong at Si Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.

“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.

“Ang mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain,” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning,” sabi ni Pagong.

“Kahit na, ako muna ang kakain,” pagmamatigas ni Matsing.

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain,” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito,” masayang sabi ni Pagong.

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin,” sabi ni Matsing. “Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito. Kung gusto mo hatiin na lang natin. IPAGPATULOY ANG PAGBABASA>>

Konklusyon

At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Talaga nga namang mayaman ang ating kultura sa mga kwentong kapupulutan din natin ng aral na magagamit natin sa buhay. Sana ay nakatulong ang araling kwentong bayan ay nakatulong sa inyu.

Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko ay maaring ma i-download ang PDF tungkol sa Kwentong Bayan Halimbawa at Kahulugan.

Pagtatanong

Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topikong kwentong bayan, maari po ninyong itala sa komento.

Karagdagang Topiko at Aralin:

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment