Kahulugan Ng Wika, Antas, Katangian, At Kahalagahan

KAHULUGAN NG WIKA – Ating tatalakayin sa artikulong ito kung ano ang gamit o tungkulin ng wika kabilang ang kahulugan, antas, uri, katangian, at kahalagahan nito nasa ibaba ang paliwanag. Halina’t sabay-sabay tayong matuto at mag-aral.

Isa ito sa mga aralin sa Filipino na ating kailangang malaman at matutunan bilang isang mag-aaral at mamayang Pilipino dahil bahagi ito ng ating kultura at katauhan bilang isang Pilipino.

Kahulugan Ng Wika, Antas, Katangian, Kahalagahan, At teorya
Kahulugan Ng Wika, Antas, Katangian, Kahalagahan, At teorya

Simulan na nating pag-aralan ang kahulugan, at kahalagahan ng wika. Basahin lamang ng mabuti ang mga mahahalagang impomasyong inyung mababasa sa ibaba. Sapagkat makatutulong ito sa inyung aralin sa Filipino at paglinang ng inyung kaalaman sa ating sariling wika.

Ano ang kahulugan ng Wika?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon o na ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa araw-araw. Ang wika ay nagbabago sa isang partikular na lugar.

Dagdag pa rito, ito ay isang kalipunan ng mga signo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang gustong iparating ng kaisipan.

Narito ang iba pang kahulugan ng wika na kailangan ninyung malaman.

A. Ang wika ang ginagamit sa pagpapaabot ng mga kaisipan at damdamin maaring pagsasalita o pagsusulat.

B. Ang wika ang nagbubuklod sa isang lipunan na may iisang kultura sapagkat, hindi matatawag na isang lipunan ang pangkat ng mga tao kapag hindi magkatulad ng wika.

C. Sabi ni Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo, upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

D. Ang wika ay sumasalamin sa lahi.

E. Ayon kay Archibald Hill, ang wika raw ang pangungahing pinaka elaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.

Dalawang kategorya ng Antas ng Wika

Pormal – ito ay tumutukoy sa mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

Narito ang mga uri nito:

  • Pambansa
  • Pampanitikan

Impormal – ito ay tumutukoy sa mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating ginagamit sa pakikipag-usap o anumang anyo ng pakikipag-usap.

Narito ang mga uri nito:

  • Balbal na salita
  • Lalawiganin
  • Kolokyal

Mga Antas ng Wika

Ang antas ng wika ay tumutukoy sa kung anong uri ng pamumuhay o kung nasaang antas ng lipunan nabibilang ang isang taong gumagamit ng mga salita o wika.

Ang mga sumusunod ay mga antas ng wika at ang kanilang depinisyon at halimbawa.

1. Pampanitikan 

Ang pampanitikan ay ginagamit ng mga ng mga manunulat sa pangkatha ng dula at iba pang likhang pampanitikan. Ito ay ang pinakamayamang antas ng wika, wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Samakatwid, ang mga salitang ito ay kadalasang malalalim, talinhaga, masining at makulay. Upang magbigay buhay sa mga akda ng mga manunulat, makata, tagapag-ulat, at mga mamamayahag.

Halimbawa:

  1. Ilaw ng tahanan
  2. Haligi ng tahanan
  3. Balat sibuyas
  4. Mabulalak ang dila
  5. Kabiyak

2. Pambansa

Ang pambansa ay ang wikang ginagamit ng buong bansa, sa mga babasahin, paaralan, pamahalaan, sirkulasypong pangmadla at iba pang sentro ng kalakalan o sibilisasyon. Ito ay tumutukoy sa wikang Filipino.

Halimbawa:

  • Ama
  • Ina
  • Aklat
  • Pulis
  • Anak

Narito ang ilang halimbawa ng bansa at ang wikang kanilang ginagamit.

  • Japan – Nihongo, Ryukyuan, Okinawan 
  • Turkey – Turkish
  • China – Standard Mandarin | Putonghua
  • Germany – German, Frisian
  • The Netherlands – Dutch, Papiamento, Yiddish, Frisian

3. Pabalbal o Balbal na salita

Ang pabalbal o balbal na salita at tinatawag din na salitang kalye ay ang pinakamababang antas ng pakikipagkomunikasyon at uri ng wika. Ang wikang ito ay ginagamit ng mga taong kalye.

Dagdag pa rito, ito ay maaring nabuo sa pamamagitan ng pagbalik-tad ng mga salitang  kolokyal/pambansa.

Halimbawa:

Balbal na salitaKahulugan
TsismisUsap-usapan
OlatsTalo
ErpatAma
PuritaMahirap
SyotaKasintahan

4. Panlalawigan o lalawiganin

Ang panlalawigan o lalawiganin ay tumutukoy sa salita o grupo ng salita o dayalik na ginagamit sa isang lalawigan lamang. Ito ay makilala sa ibat-ibang tono at pananalita.

Halimbawa:

CebuanoTagalogHiligaynon
LakawLakadLakat
Kwarta o salapiPeraKwarta
SininaDamitBayo
Bugas o humayBigas o kaninBugas o kan-on
BayotBading o BaklaAgi

Narito ang ilang lugar sa Pilipinas aty ang wikang kanilang ginagamit.

  • Cebu – Cebuano
  • Manila – Tagalog
  • Negros – Hiligaynon
  • Bicol – Bicolano
  • Samar – Waray

5. Kolokyal

Ang kolokyal ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit natin sa pang araw-araw na salita ngunit ito may kagaspangan at may pagkabulgar.

Halimbawa:

NaroonNaron
Hindi ba?Diba?
IpinangakoPinangako
DalawampuDalwampu
KauntiKonti

Mga Katangian ng Wika

Ang mga sumusunod ay mga katangiang wika.

1. Ang wika ay malikhain.

Ang wika ay malikhain, sapagkat ang anumang wika ay may kakayahang na makabuo ng walang katapusang bilang ng pangungusap.

2. Ang wika ay komunikasyon.

Sa simula palang alam na natin na ang wika ay komunikasyon, sapagkat ginagamit ang wika sa pakikipagtalastasan. Ang wika ay kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao. Sa paraang ito, kanilang naipapahayag ang kanilang mga saloobin, damdamin, kaisipan ng isang tao.

3. Ang wika ay binubuo ng makahulugang tunog.

Ang wika ay makahulugang tunog, sapagkat binubuo ito ng mga magkakasunod-sunod na tunog upang makalikha o makabuo ng isang buong salita.

4. Ang wika ay masistemang balangkas.

Ang wika ay masistemang balangkas, sapagkat nakaayos ang mga tunog nito sa sistematikong pamamaraan upang makabuo ng makabuluhang pangungusap, parirala, at salita.

5. Ang wika ay nakabatay sa kultura.

Simula noon hanggang sa ngayon, ang wika ay nakabatay sa kultura, sapagkat taglay ng wika ang kulturang pinagmulan katulad ng panitikan, paniniwala, kaugalian, karunungan, at sining.

6. Ang wika ay arbitraryo simbolo ng mga tunog.

Ang wika ay arbitraryo simbolo ng mga tunog, sapagkat ang mga salita ay nakatuon sa mga salitang simbolo at nakapaloob dito ang tinatawag na dualismo.

7. Ang wika ay pantao.

Ginagamit ito ng tao sa pakikipag-usap o pakikipagkomunikasyon sa ibang tao. Ang wika ay literal na pantao, sapagkat pag-aari ng mga tao ang wika. Marahil ang tao mismo ang lumikha at gumagamit ng wika.

8. Ang wika ay natatangi.

Ang wika ay natatangi, sapagkat ang bawat wika ay may kaibahan at ang bawat wika ay mayroong sariling sistemang sinusunod tulad ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan.

9. Ang wika ay ginagamit sa pang-araw-araw.

Ang wika ay ginagamit sa pang-araw-araw, sapagkat ito ay isang instrumento sa komunikasyon sa ibang tao sa pang-araw-araw na pamumuhay.

10. Ang wika ay dinamiko.

Panghuli, ang wika ay dinamiko, sapagkat ito ay patuloy na nagbabago marahil sa mabilis na pagbabago ng pamumuhay ng mga tao dulot ng agham at teknolohiya.

Mga Kahalagahan ng Wika

Ang mga sumusunod ay ang mga kahalagahan ng wika.

1. Ang wika ay mahalaga sapagkat ito ang ating ginagamit sa pakikipagkomunikasyon upang maipahayag ang ating kaisipan.

2. Ang wika ay ginagamit ng tao sa partikular na lugar at ang nagiging tulay ng pagkakaisa at pagkakaunawaan na magiging daan sa pagbubuklod ng mga tao tungo sa isang mapayapang lipunan. Tayo ay nagkakaintindihan at nagkakaunawaan sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

3. Ito ang dahilan kung nagbubuklod ang bawat tao hindi lamang dito sa ating bansa (Pilipinas), maging sa mga ibang bansa rin.

4. Nagkakaroon ng mabilis at madaling komunikasyon sa pamamaguitan ng wika.

5. Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat naipapahayag natin ang ating mga sariling opinyon o idea sa mga bagay na makakatulong upang guminhawa ang ating komunidad.

Mga Teorya ng Wika

Narito ang mga teorya ng wika na kailangan ninyung malaman.

1. Teoryang Biblikal

Tinatawag din itong teoryang pan relihiyon, umiikot ang teoryang ito sa kwento ng Tore ng Babel na ma babasa sa Genesis 11:1- 9 na nagsasabi na sa simula’y iisa lamang ang wika at iisang mga salita.

2. Teoryang Ding-dong

Batay naman sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa pagsunod ng mga sinaunang tao sa mga tunog na kanilang naririnig sa kalikasan.

Halimbawa:

  1. langitngit ng mga kawayan.
  2. Tunog ng hangin.
  3. Paghampas o ragasa ng tubig.
  4. kiskisan ng mga dahon atbp.

Kung kaya ang salitang “boom” ay naiuugnay sa pagsabog, “splash” ay paghampas ng tubig, at ang “whoosh” ay sa tunog ng hangin.

3. Teoryang Bow-wow

Ang teoryang ito ay bumabatay sa mga tunog na nilikha ng mga hayop kagaya na lamang ng aso.

4. Teoryang Pooh-pooh

Ang teoryang ito ay nagmula raw sa mga wika at tunog na lumalabas sa mga bibig ng mga sinaunang tao. Sa tuwing nakakaramdam ang mga ito ng masidhing damdamin o emosyon, kagaya ng labis na tuwa, galit, sakit, kalungkutan, atbp.

5. Teoryang Ta-ta

Ang teoryang ito ay batay sa mga kumpas at galaw ng kamay na ginagawa ng mga tao na ginaya ng dila hanggang sa nakalikha ng tunog at natutong magsalita. Ito raw ang pinakamalapit na basehan ng wika.

6. Teoryang Yoo He Yo

Sa teoryang ito, ang wika raw ay nanggaling sa mga tunog na puwersang pisikal.

Katulad na lamang ng karate – (yah!, heyyah!) at pagbubuhat ng mabigat – (urgh! uhmmm!), at maraming pang iba.

7. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay

Sa teoryang ito pinaniniwalaan na sa mga tunog na galing sa ritwal ng mga sinaunang tao ang naging daan upang matutong magsalita ang mga tao.

8. Teoryang Sing-song

Sa teoryang ito ang wika raw ay nanggaling sa musika.

9. Teoryang Mama

Ang teoryang ito ang unang sinabi ng sanggol dahil hindi niya masabi ang salitang mother.

10 .Teoryang Babble Lucky

Ang teoryang ito ay nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao.

Konklusyon

Iyan lamang ang kabuuan ng ating talakayan tungkol sa kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng wika. Amin ding inilakip ang mga antas, katangian, at mga teorya ng wika. Inyu ring natunghayan ang gamit o tungkulin ng wika kahulugan at iba pang paliwanag.

Upang magkaroon kayo ng ibat-ibang kaalaman tungkol sa ating wika. Sana ay marami kayong natutunan sa ating talakayan ngayong araw. Sinisigurado namin na kayo ay aming mabigyan ng kasagutan sa bawat tanong ukol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.

Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyung pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Kahulugan Ng Wika, Antas, Katangian, Kahalagahan, At teorya,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment