NOLI ME TANGERE KABANATA 8 – Ating basahin ang buod ng ikawalong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere na ginawa ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal. Nawa’y sa inyong pagbasa ay inyong maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig na mensahe o aral ng kabanatang ito.
Ngayon ay atin ng simulan ang pagbasa ng buod ng ikawalong kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 8 Buod: Ang mga Alaala
Isang magandang araw ay binabagtas ni Ibarra ang daan sa kahabaan ng Maynila sakay ng kalesa. Sa kanyang pagbabyahe ay nakatanaw ito sa labas, at ang mga magagandang tanawin ay nakakapagpabalik sa kanya ng mga alaala mula sa nakaraan.
Sa kanyang paglalakbay, ay kanyang napuna na ang kanyang namamasdan sa paligid ay kagaya pa rin ng dati. Mga taong abala sa kanilang mga ginagawa at mga kalesa at karumatang na walang humpay sa pagbyahe ng pabalik-balik.
Mapa pilipino, europeo, o intsik man ay pare-parehong abala sa pangangalakal at may kanya-kanyang gawain. Mayroon ring mga babaeng nagtitinda ng prutas at gulay at mga lalakeng kargador.
Ang puno ng talisay sa bayan ng San Gabriel ay wala pa ring pinagbago, ngunit ang Escolta naman ay pumangit imbes na gumanda at umunlad.
Si Padre Damaso ay kabilang sa mga pasahero na nagmamadaling ihatid ng mga karwahe kasama ang iba pang mga kawani sa tanggapan at mga pari. Nakita naman ni Kapitan Tinong ang prayle na si Padre Damaso kung kaya’t ito ay kanyang binati.
Ang binatang si Ibarra ay napadako sa kalye ng Arroceros, at kanyang bigla na lamang naalala na minsan siya ay nahilo rito dahil sa napakasamang amoy. Napadaan si Ibarra sa Hardin ng Botaniko na nagpaalala sa kanya ng hardin sa Europa.
Para kay Ibarra, ang lungsod ng Maynila ay wala pa ring pinagbago. Bagkus wala rin itong pag-unlad sa ekonomiya at ang mga gusali nito ay nilulumot lamang ng panahon.
Dahil sa mga bagay na ito, sumagi sa isip ni Ibarra ang mga sinabi ng kanyang guro na pari.
Una, ay ang matatamo lamang ang karunungan kapag ito ay hinahangad ng puso. Pangalawa, ang salitang karunungan ay dapat lamang isalin at linangin sa mga susunod na henerasyon upang mas lalo itong maintindihan. Pang huli, ay dapat lamang na magkaroon ng pakinabang.
Katulad na lamang ng pananakop ng mga kastila sa bansa upang nakawin ang kayamanan ng bansa. Kaya karapat-dapat lamang na ibigay nila ang karunungan at edukasyon.
Mga Tauhan ng Kabanata 8
➤ Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.
➤ Padre Damaso – Siya ay isang Pari na totoong ama ni Maria Clara. Siya rin ang dahilan na napalayo si Maria Clara at Ibarra sa isa’t-isa, sapagkat siya ay hindi sang-ayon sa pag-iisang dibdib ng dalawa.
➤ Kapitan Tinong – Siya ay kaibigan ni Kapitan Tiago. Tulad ni Tiago, sariling imahe lang ang iniintindi ni Tinong. Nang tila napahiya ang pamilya ni Tiago dahil sa pakikisama nito kay Ibarra, mabilis niyang tinalikuran ang kaibigan.
Kabanata 8 Tagpuan
Ang kabanatang ito ay naganap sa lungsod ng Maynila na pinuntahan ng binatang si Ibarra. Kasama sa kanyang napuntahan ay ang San Gabriel, Escolta, Arroceros, Hardin Botaniko, at ang Bagumbayan.
Kabanata 8 Mahahalagang Pangyayari
Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari na nangyari sa ikawalong kabanata ng Noli Me Tangere.
- Ang pagkaalala ni Ibarra sa kanyang paglalakbay sa dayuhang bansa matapos niyang makita ang halo-halong Europeo, Intsik, at Pilipino. Dahil dito ay nagbalik sa kanya ang alaala noong siya ay nasa Europa pa.
- Pagkakita ni Ibarra sa iba’t-ibang uri ng tao na sakay ng mga kalesa. Ang mga ito ay mayroong kanya-kanyang ekspresyon, merong masaya, malungkot, at nakasimangot.
- Ang pagdaan ni Ibarra sa Bagumbayan at Botanical Garden na nagpaalala sa kanya ng hardin sa bansang Europa.
Kabanata 8 Noli Me Tangere Aral
Sa kabanatang ito ay ating makukuha ang aral na “hindi pwedeng gawin na dahilan ang kahirapan sa pagkamit ng ating mga pangarap. Bagkus dapat ay gawin natin itong inspirasyon upang tayo ay mas magpursige upang maabot ang ating mga pangarap.”
Konklusyon
Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay tungkol sa paglilibot ni Ibarra sa lungsod ng Maynila. Makikita rito na sa paglilibot ni Ibarra, siya ay napadaku sa San Gabriel, Escolta, Arroceros, Hardin Botaniko, at Bagumbayan.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 7
- Noli Me Tangere Kabanata 9
- Noli Me Tangere Kabanata 10
- Noli Me Tangere Kabanata 11
- Noli Me Tangere Kabanata 12
We are proud Pinoy!