NOLI ME TANGERE KABANATA 7 – Sa artikulong ito, ating basahin ang buod ng ikapitong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Nawa’y sa inyong pagbasa ng artikulong ito ay inyong makuha kung ano ang ipinapahiwatig na mensahe o aral ng kabanatang ito.
Ngayon ay atin ng simulan ang pagbasa ng buod ng ikapitong kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 7 Buod: Ligawan sa Asotea
Isang deboto sa simbahan ang tiya ni Maria Clara na si Tiya Isabel. Ito ay nagsisimba tuwing umaga kasama ang kanyang pamangkin na si Maria Clara. Isang araw, ng sila ay nagsimba, nagmadaling umuwi si Maria Clara ng matapos ang misa kaya nagalit sa kanya ang kanyang Tiya Isabel.
Sa balkonahe ng bahay nina Maria Clara ay makikita na ito ay alumpihit at hindi mapakali sa paghihintay sa kanyang nobyo na si Ibarra. Sapagkat halos pitong taon din naman ang lumipas at ngayon na lamang muli sila magkikita at makakapag-usap.
Nang dumating si Ibarra ay ginugol nilang dalawa ang lahat ng kanilang oras sa pag-uusap tungkol sa kanilang mga nakaraan. Ikinuwento ni Maria Clara ang kanyang buhay sa Beaterio at ikinuwento naman ni Ibarra ang kanyang pag-aaral sa bansa ng Europa.
Sa kanilang pag-uusap ay isinumbat naman ng dalaga kay ibarra ang pag-aral nito sa Europa ng ilang taon. Ngunit agad din naman na ipinaliwanag ng binata na ito ay para sa kanyang ikabubuti at para na rin sa hinaharap ng kanilang bayan.
Naputol lamang ang kanilang pag-uusap ng dali-daling umalis ang binata ng maalala nito ang kanyang yumaong magulang. Agad itong nagpaalam at umuwi upang makahabol sa papalapit na undas.
Mga Tauhan ng Kabanata 7
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan sa ikapitong kabanata ng Noli Me Tangere na ginawa ni Dr. Jose Rizal.
➤ Tiya Isabel – Siya ay pinsan ni Kapitan Tiyago na nagpalaki kay Maria Clara at itinuring ito bilang isang tunay na anak.
➤ Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa. Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.
➤ Kapitan Tiyago – Siya ay isang maimpluwensyang negosyante sa San Diego at ama ni Maria Clara. Ipinagkasal ang kanyang anak na si Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Dagdag pa riyan, siya ay nagsumikap na sundin ang mga prayle.
➤ Maria Clara – Siya ay kilala bilang anak ni Kapitan Tiyago, subalit ang tunay nitong ama ay si Padre Damaso. Siya ay kasintahan ni Crisostomo Ibarra.
Kabanata 7 Tagpuan
➤ Asotea – Balkonahe sa bahay ni Kapitan Tiyago na kung saan nag-usap ang magkasintahan na sina Maria Clara at Ibarra tungkol sa kanilang mga nakaraan noong sila ay mga musmos pa lamang.
Mga mahahalagang pangyayari sa Kabanata 7
Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari na nangyari sa ikapitong kabanata ng Noli Me Tangere.
- Ang pagmamadali ni Maria Clara na umuwi sa kanilang bahay pagkatapos ng misa.
- Hindi mapakali si Maria Clara habang sila ay nasa agahan na para bang siya ay may hinihintay.
- Ang pag-utos ni Kapitan Tiyago sa kaniyang anak na si Maria Clara upang magbakasyon.
- Pagtungo ni Ibarra at Maria Clara sa asotea ng bahay ni Kapitan Tiyago upang pag-usapan ang kanilang mga nakaraan noong sila ay mga musmos pa lamang.
- Ang pagpapalitan ng magkasintahan na sina Ibarra at Maria Clara ng mga mahahalagang bagay tungkol sa kanilang alaala.
- Pagkaalala ni Ibarra tungkol sa kanyang yumaong magulang na kailangan niyang dalawin ang puntod ng ama sa bayan.
- Paghatid ni Kapitan Tiyago kay Ibarra at pagpapaalam nito na sila’y tutungo sa bayan ng San Diego sa nalalapit na kapistahan.
Kabanata 7 Noli Me Tangere Aral
Sa ikapitong kabanata na ito ay ating makukuha ang aral tungkol sa katapatan ng tunay na pag-ibig. Makikita natin sa kabanatang ito ang labis na katapatan ni Maria Clara sa kanyang kasintahan na si Ibarra.
Ating makikita na kahit silang dalawa ay nagkalayo ng ilang taon ay hindi pa rin nagbago ang kanilang pagtingin at pagmamahal para sa isa’t-isa. Ni isa sa kanilang dalawa ay walang may nagtaksil, kahit na marami silang oportunidad na gawin ito sa ilang taon na sila ay nagkawalay.
Hindi nila ito ginawa sa isat-isa sapagkat ang pangalan lamang ng isa’t-isa ang sinisigaw ng kanilang puso. Ni minsan ay hindi sila sila gumawa ng bagay na makakasira sa tiwala ng isa’t-isa.
Dito ay atin ring makikita ang pagpapasakit ng mga Pilipino upang makapag-aral lamang sa ibang bansa para magkaroon ng magandang kinabukasan. Kaya kung ikaw ay pinapaaral ng iyong magulang, ika’y mag-aral ng mabuti sapagkat ang nais lamang nila ay ang mapabuti ka.
Kaya’t bilang mga pilipino, ating isapuso ang mga aral na ito, sapagkat ang mga ito ay maaring makatulong sa ating araw-araw na pamumuhay.
Konklusyon
Sa kabanatang ito, ipinakita ang unang pagkikita at pagsasama ng magkasintahan na si Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Ating makikita sa kabanatang ito ang ginawang pag-uusap ng dalawa sa asotea ng bahay ni Kapitan Tiyago.
Kanila ring napag-usapan ang kanilang mga sariling pinagdaan sa mga taong nagdaan na silang dalawa ay hindi magkasama.
Dito rin ay ating makikita ang pagsumbat ni Maria Clara kay Ibarra tungkol sa pag-aaral nito sa Europa ng ilang taon. Ngunit agad din naman na nagpaliwanag si Ibarra na iyon ay isang mahalagang bagay at para rin iyon sa bayan.
Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay nakasentro sa pag-iibigan nina Maria Clara at Ibarra. Pinapakita rito ang kanilang wagas na pag-ibig at katapatan sa isa’t-isa.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 6
- Noli Me Tangere Kabanata 8
- Noli Me Tangere Kabanata 9
- Noli Me Tangere Kabanata 10
- Noli Me Tangere Kabanata 11
We are proud Pinoy!