Kabanata 5 Noli Me Tangere (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 5 – Sa artikulong ito, ay ating basahin ang buod ng kabanata 5 ng sikat na nobela ni Dr. Jose Rizal na kanyang pinamagatang Noli Me Tangere. Sa inyong pagbasa ng artikulo na ito, nawa’y inyong maintindihan ang nilalaman ng kabanatang ito.

Ngayon ay atin ng simulan ang pagbasa ng Kabanata 5 na pinamagatang “Ang Liwanag Sa Gabing Madilim.

Noli Me Tangere Kabanata 5 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 5 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 5 Buod: Ang Liwanag sa Gabing Madilim

Ang binatang si Crisostomo Ibarra ay sakay ng kanyang kalesa at bumaba sa Fonda de Lala. Ito ay ang kanyang parating tinutuluyan tuwing siya ay nasa lungsod ng Maynila. Hindi mapakaling pumasok ang binatang si Ibarra sa kanyang silid sapagkat hindi nito lubos maisip ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang ama.

Tumingin si Ibarra sa bintana ng kanyang silid at natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Ito ay ang bahay ni Kapitan Tiyago.

Mula sa kanyang kinaroroonang silid ay rinig pa rin ni Ibarra ang mga tunog ng kubyertos at orkestra. Nakatayo lamang si Ibarra sa bintana ng kanyang silid at patuloy na pinanood ang mga nagtatanghal.

Habang nanonood ay napansin naman ni Ibarra ang ilang mga binibini na suot ang kanilang mga mamahaling alahas tulad ng ginto at diyamante. Nakikita niya na ang ilan sa mga ito ay pawang mga anghel na nag-aalay ng bulaklak.

Halo-halo ang mga tao na nasa umpukan, mayroong Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle. Ngunit kahit na maraming mga magagandang binibini sa umpukan ay ang dalagang si Maria Clara ang nakakuha ng kanyang atensyon.

Ito ay nabighani sa kagandahang taglay ng dalaga na naging dahilan upang hindi niya maialis ang kanyang atensyon dito. Ngunit nabahala naman si Ibarra ng kanyang makita ang mga binatang Pransiskano sa umpukan.

Ang prayle na si Padre Sibyla ay abala sa pakikkipag-usap sa mga kababaihan na nasa umpukan at si Donya Victorina naman ay abala sa pag-aayos sa buhok ng dalagang si Maria Clara.

Si Ibarra ay madaling nakatulog sapagkat siya ay napagod sa buong maghapon dulot ng matagal na byahe papuntang Maynila at kakaisip sa dinanas ng kanyang amahin na si Don Rafael. At ang prayle naman na si Padre Salvi ay di maialis ang dalagang si Maria Clara sa kanyang isipan.

Mga Tauhan Ng Kabanata 5

Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.

Maria Clara – Siya ay ang magandang binibini na nakakuha ng atensyon ni Ibarra. Dagdag pa riyan, siya ay totoong anak ni Padre Damaso.

Kapitan Tyago – Siya ay isang maimpluwensyang negosyante sa San Diego at ang ama ni Maria Clara. Ipinagkasal ang kanyang anak na si Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. At ito ay nagsumikap na sundin ang mga prayle.

Donya Victorina – Siya ay asawa ni Don Tiburcio. Siya ang babaeng nagpanggap na isang meztisa o isang Kastila na ipinanganak sa Pilipinas at laging nangangarap na makahanap ng asawang Espanyol.

Padre Salvi – Siya ang kura ng bayan ng San Diego at ang kahalili ni Padre Damaso. Palibhasa’y may pakikipagtunggali sa alferez ng bayan, sa kalaunan ay inayos niya ang pagbagsak ni Crisostomo Ibarra, na minamanipula ang mga taong-bayan sa proseso.

Kabanata 5 Tagpuan

Ang kabanatang ito ay naganap sa Fonda de Lala. Makikita ang Fonda de Lala sa lungsod ng Maynila. Ito ay ang bahay panuluyan na tinutuluyan ni Ibarra tuwing siya ay nasa lungsod.

Mula sa bintana ng kanyang silid ay tanaw niya ang isang umpukan na ginaganap sa kabilang bahagi ng ilog. Ito ay ang bahay ni Kapitan Tiyago na kung saan kanyang unang nasilayan si Maria Clara na kinagigiliwan ng lahat.

Kabanata 5 Mahahalagang Pangyayari

Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanata 5 ng Noli Me Tangere.

  • Ang pagdating ni Ibarra sa maynila, pagtuloy niya sa Donda de Lala, at ang kanyang labis na pag-iisip tungkol sa kalunos-lunos na sinapit ng kanyang amahin na si Don Rafael.
  • Pagkakaroon ng isang maligalig at masinag na umpukan sa bahay ni Kapitan Tiyago na dinaluhan ng magagandang binibini na suot ang kanilang mamahaling alahas na diyamante at ginto.
  • Ang pagkakabighani ng lahat sa kagandahan ng dalagang si Maria Clara lalo na ang mga umpukan ng Pilipino, Kastila, Militar, Intsik at Pari. Lahat ay naaaliw sa kanyang kagandahan maliban sa isang Pransiskano na payat.
  • Ang magiliw na pakikipag-usap ni Padre Sibyla sa mga dilag na nasa umpukan at ang matiyagang pag-aayos ni Donya Victorina sa buhok ng dalagang si Maria Clara.

Kabanata 5 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito, ating makukuha ang isang aral na nagpapahiwatig na kahit gaano man kahirap ang ating pinagdadaanan sa buhay ay mayroon pa ring ilaw o pag-asa na dadating sa atin. Tulad na lamang ng dinaramdam ni Ibarra na parang siya ay piangsakluban ng langit at lupa dahil sa hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang ama.

Sa kanyang pagdaramdam, nakakita siya ng liwanag na nagmula sa bahay ni Kapitan Tiyago na naging dahilan upang masilayan niya ng unang beses ang babaeng kanyang mamahalin at magiging kasintahan na si Maria Clara.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ating makikita sa kabanatang ito ang pagdating ni Ibarra sa lungsod ng maynila. Ang kanyang pagtuloy sa bahay panuluyan na Fonda de Lala at ang labis niyang pagdaramdam tungkol sa sinapit ng kanyang ama kahit na ito ay isang inosenteng tao.

Makikita rin natin sa kabanatang ito ang unang beses na nasilayan ni Ibarra ang mukha ni Maria Clara.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan ang mga leksyon o aral na tinataglay ng kabanatang ito at kung ano ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanatang ito.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment