NOLI ME TANGERE KABANATA 21 (Buod) – Sa artikulong ito, ay ating kilalanin ang mga tauhan sa ikalampu’t isa na kabanata ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang Kasaysayan ni Sisa.” Nawa’y sa inyong patuloy na pagbasa ay inyong makuha ang tinataglay na mensahe ng kabanatang ito.
Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ika-labing isang kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 21 Buod: Ang Kasaysayan ni Sisa
Gulong-gulo ang isipan ni Sisa na tumatakbo pauwi sa kanilang bahay. Siya ay sobrang nabagabag sa sinabi sa kaniya ng kawaksi ng kura sa kumbento ukol sa kaniyang mga anak.Parang mawawala si Sisa sa kaniyang katinuan kakaisip kung paano nga ba niya maililigtas ang kanyang mga anak sa kamay ng mga sibil. Mas lalong tumindi ang kaba at pag-aalala sa kaniyang puso ng makita niya ang dalawang guwardiya sibil na paalis ng kaniyang bahay.
Nakasalubong ni Sisa ang dalawang guwardiya sibil mula sa kaniyang bahay. Siya ay pilit na tinatanong at pinapaamin kung nasaan ang dalawang onsa na ninakaw ng kaniyang mga anak.Pilit na nagmakaawa si Sisa sa mga guwardiya sibil ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga ito at kinaladkad papunta sa kuwartel.
Si Sisa ay halos matunaw sapagkat ng sila ay dumating sa bayan ay tiyempong kakatapos lang din ng misa. Ang hitsura ni Sisa ay parang wala sa kaniyang sarili sapagkat gusot-gusot ang mga damit nito at magulo ang buhok.
Sa paglipas ng panahon sa kuwartel ay pinalaya ng Alperes si Sisa dahil sa awa niya rito. Hinang-hina na umuwi si Sisa sapagkat mga dalawang oras rin siyang nasa isang sulok lamang.
Nang siya ay makarating sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang mga anak. Naghanap ito sa bawat sulok ng kanilang bahay, ngunit hindi nito nakita ang mga anak.Ang nakita na lamang ni Sisa ay ang pilas na damit ni Basilio na mayroong bahid ng dugo. Ang kaniyang nakita ay nagbigay sa kaniya ng matinding nerbiyos at kaisipan kung ano ang nangyari sa kaniyang anak.
Si Sisa ay nagtungo sa lansangan na pasigaw-sigaw na hinahanap ang kaniyang mga anak. Ang pagkakabalisa ay unti-unti ng lumalamon sa kaniyang sarili.Hanggang kinabukasan ay palaboy-laboy na lamang si Sisa sa lansangan. Ang mga tao na kaniyang nakakasalubong ay nahihintakutan sa kaniya.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 21
Ang mga sumusunod ay ang mga tauhan na nabanggit sa ika-labing isang kabanata sa nobelang Noli Me Tangere.
Sisa – Ang babaeng nakatira sa San Diego at ina nina Basilio at Crispin. Matapos mawala ang kanyang dalawang anak, siya ay nabaliw, naglibot-libot sa bayan habang hinahanap ang mga ito.
Crispin – Siya ay isang batang lalaki na nakatira sa San Diego at isa sa mga sakristan ng simbahan. Matapos akusahan ng pagnanakaw sa kaban ng simbahan, pinarusahan si Crispin ng punong sakristan at Padre Salvi.
Basilio – Isang batang lalaki na nakatira sa San Diego at ang nakatatandang kapatid ni Crispin. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang ina at pagkawala ng kanyang kapatid, tumakas si Basilio sa bayan at dinala ni Kapitan Tiago.
Alperes – Pinuno ng guwardiya sibil na asawa ni Donya Consolacion at kaaway ng kura.
Dalawang Guwardiya Sibil – Sila ang dalawang guwardiya na pumunta sa dampa ni Sisa. Sila ang pilit na nagpapaamin kay Sisa kung nasaan ang pera na ninakaw umano ng dalawang bata at binigay sa kaniya.
Mahahalagang Pangyayari sa Kabanata 21
Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari sa ika-labing isa na kabanata ng Noli Me Tangere.
- Umuwi ang inang si Sisa na mabigat ang damdamin sa kakaisip kung ano ang maaaring mangyari sa kaniyang mga anak na sina Crispin at Basilio.
- Si Sisa ay parang mawawala na sa kaniyang sarili sa kakaisip kung paano niya sasagipin ang mga anak sa paratang ng kura sa mga ito.
- Ang pagtanong ng dalawang guwardiya sibil kay Sisa kung saan niya tinago ang dalawang onsa na ninakaw ng kaniyang mga anak. Ngunit wala siyang maisagot rito kaya’t siya ay kinaladkad papunta sa kuwartel ng bayan.
- Hindi na halos masikmura ni Sisa ang hiya na kaniyang nararamdaman sapagkat marami ang nakasaksi sa pagkaladkad sa kaniya.
- Ang pagpapalaya kay Sisa ng Alperes dahil ito ay naawa sapagkat kaniyang nakita na si Sisa ay halos takasan na ng bait.
- Hinang-hina na umuwi si Sisa sa kanilang bahay at agad nitong hinanap ang kaniyang mga anak sa bawat sulok ng kanilang bahay.
- Ang pagkakita ni Sisa sa pilas na damit ni Basilio na duguan. Ito ay nagdulot ng nerbiyos at pag-aalala kay Sisa kaya’t siya ay pumunta sa lansangan at pasigaw-sigaw na hinanap ang kaniyang mga anak.
- Ang tuluyang pagkawala sa sarili ni Sisa hanggang siya ay nagpalaboy-laboy na lamang sa lansangan.
Kabanata 21 Tagpuan
Ang tagpuan na nabanggit sa kabanatang ito ay sa kuwartel sa bayan. Ang lugar na kung saan kinaladkad si Sisa ng mga guwardiya sibil na pumunta sa kanilang bahay noong siya ay walang maisagot kung nasaan ang dalawang onsa na ninakaw ng kaniyang mga anak.
Kabanata 21 Noli Me Tangere Aral
Sa kabanatang ito ay ating makukuha ang aral patungkol sa pagmamahal ng isang ina. Ipinapakita sa kabanatang ito na ang pagmamahal ng isang ina ay walang katumbas.
Halimbawa na lamang sa labis-labis ang pag-aalala ng inang si Sisa sa kaniyang mga anak na sina Crispin at Basilio. Makikita rin natin dito na labis ang paghahanap ni Sisa sa mga ito hanggang sa nasiraan na lamang siya ng bait.
Konklusyon
Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay tungkol sa paghihinagpis ng inang si Sisa ukol sa pagkawala ng kaniyang mga anak. Makikita natin sa kabanatang ito ang pagkawala sa katinuan ni Sisa dahil sa hindi niya mahanap ang kaniyang mga anak.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 20
- Noli Me Tangere Kabanata 22
- Noli Me Tangere Kabanata 23
- Noli Me Tangere Kabanata 24
- Noli Me Tangere Kabanata 25
We are proud Pinoy!