Kabanata 20 Noli Me Tangere (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 20 – Ating basahin ang buod ng ikalawampung kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere na ginawa pa ni Dr. Jose Rizal. Nawa’y inyong makuha o maintindihan ang itinatagong aral na makikita sa kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 20 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 20 (Buod at Aral)

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 20: Ang Pagpupulong sa Tribunal

Dumating ang binatang si Ibarra at ang guro sa bulwagan ng tribunal. Nang sila ay makarating, nagsisimula na ang pagpupulong na pinagtitipunan ng mga makapangyarihang tao sa lipunan.

Sa pagpupulong ay mayroong dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Sa kabila ay makikita ang mga conserbador na kinabibilangan ng mga matatanda. Sa kabila naman ay makikita ang pangkat ng mga liberal na kinabibilangan ng mga kabataan na pinamumunuan ni Don Filipo.

Sa pagpupulong ay kanilang pinagtalunan ang tungkol sa pagdaraos ng pista sa bayan ng San Diego.

Ang kanilang pagpupulong ay parang wala sa direksyon sapagkat kahit saan-saan na lamang ito napupunta. Si Don Felipo ay nagmungkahi na magtayo ng isang tanghalan sa liwasang bayan upang magtanghal ng mga komedya sa loob ng pitong araw o isang linggo.

Ngunit dahil sa napakalaking gagastusin sa iminungkahi na ideya ni Don Filipo, siya ay binatikos kung kaya’t binawi niya na lamang ito.

Pagkatapos ni Don Filipo ay sumunod naman ay ang Kabesa, siya ang puno ng mga matatanda sa pagpupulong. Minungkahi niya na tipirin lamang ang pistang gaganapin at walang paputok na gaganapin at ang mga magtatanghal ng komedya ay mula sa sariling bayan ng San Diego.

Ngunit sa huli ang ideyang ito ay nawalang saysay lamang sapagkat ang kura ay nakapagpasya na tungkol sa napapalapit na pista. Ang nais ng kura na pagdaraos sa papalapit na pista ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa tondo.

Ang binatang si Ibarra ay nagpaalam sa guro sapagkat siya ay pupunta pa sa ulumbayan ng lalawigan.

Mga Tauhan ng Kabanata 20

Ang partido Conservador – Ang samahan na binubuo ng mga matatanda.

Liberal – Ito ay ang kinabibilangan ng mga kabataan sa bayan ng San Diego.

Kapitan Basilio – Isang mayaman na kapitan sa bayan ng San Diego. Siya ay ang asawa ni Kapitan Tika at karibal ng namatay na si Don Rafael Ibarra.

Don Filipo – Ang deputy mayor ng San Diego. Si Don Filipo ay inilarawan bilang “halos liberal” at kumakatawan sa impormal na partido ng mas bata, mas bukas-isip na henerasyon.

Kapitan Valentin – Siya ang tumutol sa iminumungkahi ng Tenyente Mayor.

Gobernadorsilyo – Siya ay isa sa mga kaaway ng ama ni Ibarra na si Don Rafael Ibarra.

Kabanata 20 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito ay ating makukuha ang aral tungkol sa pagbibigay ng pantay na opurtunidad sa bawat tao upang ilahad ang kanilang ideya. Tulad na lamang sa kabanatang ito ay ating makikita ang pagpapalitan ng mga ideya sa pagpupulong ginagawa sa bulwagan ng tribunal.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay tungkol sa pagpupulong ng mga makakapangyarihan sa bayan ng San Diego. Makikita natin sa kabanatang ito na sila ay nagtatalo kung paano idadaos ang nalalapit na pista. Ngunit sa huli ang kanilang pagtatalo ay nauwi sa wala sapagkat ang nais pa rin ng kura ang masusunod.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment