Kabanata 19 Noli Me Tangere (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 19 – Sa artikulong ito, ay ating basahin ang buod ng ikalabinsiyam na kabanata ng nobelang Noli Me Tangere na ginawa ng ating pambansang bayani. Nawa’y sa inyong patuloy na pagbasa ng artikulong ito ay inyong makuha ang tinataglay na aral ng kabanata na ito.

Noli Me Tangere Kabanata 19 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 19 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 19 Buod: Mga Karanasan ng Isang Guro

Dumaan man ang napakalakas na bagyo sa bayan ng San Diego ay hindi pa rin nabagabag ang lawa rito. Sa tabi ng lawa ay makikita ang binatang si Ibarra kasama ang isang binata na guro. Isinasaad at itinuturo nito sa binata kung saang parte nga ba ng lawa itinapon ang bangkay ng inosente niyang ama.

Ayon pa sa binatang guro ay kasama ang Tenyente na si Gueverra noong itinapon ang bangkay ng kaniyang ama.

Mataas ang pagtingin ng binatang guro sa kaniyang ama, sapagkat ito ang tumulong o tumustos sa kaniyang mga pangangailangan sa pagtuturo noong bagong salta pa lamang siya sa bayan.

Sa kanilang patuloy na pag-uusap ay isiniwalat ng guro ang malaking problema na kaniyang hinaharap tungkol sa kakulangan ng pundo o pera.

Isa rin sa kaniyang mga nabanggit ay ang kakulangan ng mga silid-paaralan. Ginaganap na lamang ang mga klase sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Ngunit ang mga bata ay sanay na magbasa ng malakas kung kaya’t ang mga ito ay nakakatikim ng sigaw at mura.

Nabanggit din ng guro na ang mga bata ay madali lamang na natutunan ang wikang kastila dahil mayroon siyang ginawa na pagbabago. Ngunit ang bagay na ito ay nilait lamang ni Padre Damaso sapagkat ang wikang kastila ay hindi raw nababagay sa tulad niya na isang mangmang.

Sobra na lamang ang pangingialam ng kura sa guro lalo na ng ito ay tumigil sa paggamit ng pamalo sa kaniyang klase. Ngunit kalaunan ay wala pa rin itong nagawa at sumunod na lamang. Dahil sa ito ay labag sa kaniyang kalooban, ang guro ay nagkasakit.

Pagbalik niya ay kakarampot na lamang ang kaniyang mga estudyante. Ngunit ang guro ay masaya pa rin at nabuhayan ng loob sapagkat mayroon ng bagong kura. Isinalin ng masipag na guro ang mga wikang kastila na aklat sa wikang tagalog alang-alang sa kaniyang mga mag-aaral.

Dahil sa mga narinig ay nangako ang binatang si Ibarra na tutulungan niya ang munting guro sa pamamagitan ng pulong sa tribunal na kaniyang dadaluhan.

Mga Tauhan ng Kabanata 19

Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa. Dagdag pa riyan, siya ay nobyo ni Maria Clara.

Don Rafael Ibarra – Si Don Rafael Ibarra ang ama ni Crisostomo. Siya ang pinakamayamang tao sa San Diego at siya rin ang pinakamabait at mapagbigay sa lahat. Sa gayon ay natapakan niya ang mga daliri ng mga piling tao na pagkatapos ay nakipagsabwatan upang sirain siya.

Maestro Ciruela – Isang guro na hindi marunong magbasa ngunit nakapagtayo ng isang paaralan at nagturo sa kaniyang mga estudyante ng pagbabasa.

Padre Damaso – Siya ay ang totoong ama ni Maria Clara. Siya rin ang dahilan kung bakit napalayo si Maria Clara at Ibarra sa isa’t-isa. Ito ay dahil hindi siya sang-ayon sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

Tinyente Guevarra – Isang matanda na mayroong mataas na ranggo sa guwardiya sibil. Siya ay matalik na kaibigan ni Don Rafael at nangakong protektahan si Ibarra noong ito ay umuwi sa Pilipinas.

Kabanata 19 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito ay ipinapakita sa atin ang mga sakripisyo na ginagawa ng mga guro para lamang sa kanilang mga estudyante. Tulad na lamang sa binatang guro sa kabanata, ginawa niya ang lahat upang makapagturo ng maayos, kahit na siya ay nakakatangggap ng samo’t-saring suliranin lalo na noong siya ay huminto sa paggamit ng pamalo sa kaniyang pagtuturo.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay tungkol sa mga suliranin na hinaharap ng binatang guro. Makikita natin sa kabanatang ito na kaniyang isinaad sa binatang si Ibarra ang mga bagay na ito tulad na lamang ng kakulangan ng pundo at kakulangan ng mga silid-paaralan.

Sa kabanatang ito rin ay ating malalaman na ang binata ay isa sa mga nakasaksi sa pagtapon sa kaniyang ama sa lawa.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment