Kabanata 17 Noli Me Tangere (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 17 (Buod) – Sa artikulong ito, ating alamin ang aral na nais ipahiwatig ng ikalabimpitong kabanata sa nobelang ginawa ni Rizal na Noli Me Tangere. Nawa’y sa inyong pagbasa ay inyo itong maintindihan.

Noli Me Tangere Kabanata 17 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 17 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 17 Buod: Si Basilio

Ang inang si Sisa ay nagimbal ng kanyang makita ang anak niyang si Basilio na sugatan ang ulo. Dumadaloy ang dugo nito sa kanyang ulo. Sinabi ni Basilio sa kaniyang ina ang nangyari kung bakit siya nagkaroon ng sugat sa ulo.

Isinaad nito na siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahinto ngunit siya’y kumaripas ng takbo sa takot na baka siya ay parusahan. Dahil sa kanyang pagtakbo ay binaril siya ng mga ito at nadaplisan ang kanyang ulo. Sinabi rin nito na naiwan niya ang kaniyang kapatid na si Crispin sa kumbento.

Sa sinabi ni Basilio ay agad na nagtanong si Sisa kung bakit nga ba naiwan si Crispin. Ipinaliwanag naman ni Basilio na ang kaniyang kapatid ay napagbintangan ng pagnanakaw ng dalawang onsa…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong buod ng nobela.

Mga Tauhan ng Kabanata 17

Basilio – Isang batang lalaki na nakatira sa San Diego at ang nakatatandang kapatid ni Crispin. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang ina at pagkawala ng kanyang kapatid, tumakas si Basilio sa bayan at dinala ni Kapitan Tiago.

Sisa – Ang babaeng nakatira sa San Diego at ina nina Basilio at Crispin. Matapos mawala ang dalawa niyang anak, nabaliw si Sisa, naglibot-libot sa bayan habang hinahanap sila.

Crispin – Siya ay isang batang lalaki na nakatira sa San Diego at isa sa mga sakristan ng simbahan. Matapos akusahan ng pagnanakaw sa kaban ng simbahan, pinarusahan si Crispin ng punong sakristan at Padre Salvi.

Pablo – Ang taong nagkaroon ng malubhang sakit dahil sa ipinarusa sa kanya sa kulungan.

Mga sundalo – Ang nagpaputok ng baril sa batang si Basilio na nagdulot ng sugat sa kaniyang ulo.

Aral sa Kabanata 17 ng Noli Me Tangere

Sa kabanatang ito ay ating makukuha ang aral tungkol sa sobrang pagmamahal ng batang si Basilio sa kaniyang ina at kapatid.

Makikita natin na labis ang kaniyang pagmamahal sa ina at kapatid dahil sa mga napakarami nitong plano para sa kanilang tatlo. Kahit na kapos sa buhay ay marami siyang pangarap upang umunlad ang kanilang pamumuhay.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay tungkol sa pagmamahal ni Basilio kay Sisa at Crispin. Makikita natin sa kabanatang ito ang pagsabi ni Basilio na mas magiging mabuti ang kanilang buhay kapag silang tatlo lamang at wala ang kanilang ama.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment