Kabanata 16 Noli Me Tangere (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 16 – Sa artikulong ito, ay ating basahin ang buod ng ikalabing-anim na kabanata ng nobelang Noli Me Tangere. Nawa’y inyong maintindihan ang mga aral na tinataglay ng kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 16 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 16 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 16 Buod: Si Sisa

Ang mga mamayan ng San Diego ay mahimbing na natutulog matapos makapag alay ng isang dasal para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit sa labas ng bayan, may isang maliit na dampa. Iyon ay ang bahay ng gising pa na si Sisa. Isang oras muna ang aabutin bago maabot ang kanyang bahay mula sa bayan.

Ang babaeng si Sisa ay kapuspalad sa buhay sa kadahilanang siya ay nakapangasawa ng lalaking sugarol at mabisyo. Ang kanyang asawa ay maraming bisyo tulad ng pag-iinom at pagsusugal. Dahil rito ay naipagbili ni Sisa ang kanyang mga alahas noong siya ay dalaga pa upang may makain lamang.

Si Sisa ay isang martyr na asawa. Kahit na nakakatanggap siya ng pananakit mula sa kanyang asawa, ay bathala pa rin ang tingin nito dito at anghel naman ang kanyang mga anak.

Nang gabing hindi pinauwi ng maaga si Basilio at pinarusahan naman si Crispin ay naghahanda si Sisa ng pagkain para sa kanilang dalawa. Tuyong tawilis na may kasamang tawilis kay Crispin at tapang baboy-damo at hita ng patong bundok naman kay Basilio na hiningi pa ni Sisa kay Piliosopo Tasyo.

Tama nga ang sinabi ni Pilisopo Tasyo sa dalawang bata sa simbahan na sila ay ipinaghanda ng kanilang ina ng isang hapunan na pang kura.

Ngunit sa kasamaang palad, ito ay hindi natikman ng magkapatid dahil dumating ang asawa ni Sisa. Agad nitong nilantakan ang mga niluto ni Sisa para sa kaniyang mga anak. Itinanong pa ng kanyang asawa kung nasaan nga ba ang dalawa niyang anak na si Basilio at Crispin.

Nang ito ay matapos kumain, umalis na ito bitbit ang isang manok na pang-sabong, at nagbilin pa ito na siya ay tirhan ng pera mula sa sahod ng dalawang bata.

Umiyak na lamang si Sisa sa nangyari. Iniisip niya kung paano na lamang ang kanyang dalawang anak. Hindi man lang ng mga ito natikman ang kanyang niluto, dahil inubos na ito ng kanyang walang puso na asawa.

Luhaan ang mga mata ni Sisa na nagsaing muli at inihaw ang mga natirang tuyo para sa kanyang mga anak. Iniisip niya na dadating ang kanyang mga anak na gutom. Umawit ang babaeng si Sisa upang maaliw ang kanyang sarili.

Nagkaroon ng isang malungkot na pangitain si Sisa dahil sa dilim na bumabalot sa kapaligiran kung kaya’t siya ay nagdasal sa Mahal na Birhen. Ngunit siya ay nagulantang sa malakas na tawag ni Basilio mula sa kanilang bahay.

Mga Tauhan ng Kabanata 16

Sisa – Ang babaeng nakatira sa San Diego at ina nina Basilio at Crispin. Matapos mawala ang dalawa niyang anak, nabaliw si Sisa, naglibot-libot sa bayan habang hinahanap sila.

Pedro – Ang mabisyong asawa ni sisa na pinabayaan na lamang ang dalawang anak nito.

Crispin – Siya ay isang batang lalaki na nakatira sa San Diego at isa sa mga sakristan ng simbahan. Matapos akusahan ng pagnanakaw sa kaban ng simbahan, pinarusahan si Crispin ng punong sakristan at Padre Salvi.

Basilio – Isang batang lalaki na nakatira sa San Diego at ang nakatatandang kapatid ni Crispin. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang ina at pagkawala ng kanyang kapatid, tumakas si Basilio sa bayan at dinala ni Kapitan Tiago.

Pilosospo Tasyo – Matandang iskolar na naninirahan sa San Diego. Naisip bilang isang baliw dahil sa kanyang hindi karaniwan na mga ideya. Gayunpaman, siya ay naging isang tagapayo para sa ilang mga indibidwal sa bayan.

Kabanata 16 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito ay ating makukuha ang aral patungkol sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang pamilya, lalo na kaniyang mga anak.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, sa kabanatang ito ay ating makikita kung gaano kamahal ni Sisa ang kanyang mga anak. Atin ring makikita sa kabanatang ito ang pagiging martyr na asawa ni Sisa mula sa kanyang asawa na si Pedro.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment