Kabanata 15 Noli Me Tangere (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 15 – Sa artikulong ito, ay ating basahin at talakayin ang ikalabinlimang kabanata ng sikat na nobelang Noli Me Tangere na ginawa ni Dr. Jose Rizal. Naway sa patuloy ninyong pagbasa ng artikulong ito ay inyong makuha ang tinataglay na aral ng kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 15 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 15 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 15 Buod: Ang mga Sakristan

Binabatak ng dalawang bata na sakristan ang kampana sa simbahan. Sila ang dalawang bata na nakausap ni Pilospo Tasyo ng ito ay magpunta sa simbahan. Ang dalawa ay sinabihan ni Tasyo na umuwi na sapagkat naghihintay na sa kanila ang kanilang ina.

Ang batang si Crispin ay nagbigay ng kanyang saloobin sa kanyang kapatid na si Basilio. Sinabi nito na kung kasama lamang sana nila ang kanilang ina na si Sisa ay hindi siya mapagbibintangan na isang magnanakaw.

Kung alam lamang sana ng kanilang ina na siya ay pinapalo ay tiyak na hindi iyon papayag, dagdag pa niya. Sa pagtatrabaho ay dalawang piso lamang ang kanilang sweldo at siya ay minultahan pa ng dalawang beses sa kumbento.

Humingi ng pakiusap ang batang si Crispin sa kura na babayaran na lamang ng kanyang kapatid ang ibinibintang sa kanya. Ngunit ang sasahurin ng kanyang kapatid na si Basilio ay hindi pa rin sapat.

At dahil sa pangyayaring ito ay sinabi na lamang ni Crispin na sana ay ginawa niya na lamang. Para mayroong mga bagong damit ang kanyang ina at kapatid kahit na patayin man siya ng palo ng kura.

Sobra naman ang pag-aalala ng batang si Basilio dahil kapag nalaman nito na pinagbibintangan si Crispin ay tiyak na magagalit iyon. Habang nag-uusap ang magkapatid ay biglang dumating ang sakristan mayor.

Sinabi nito na minumultahan niya si Basilio dahil hindi tama ang pagtunog nito sa kampana. At sinabihan naman nito si Crispin na ito ay hindi makakauwi kapag hindi niya nilalabas ang dalawang onsa na kanyang kinuha.

Tinangka pa ng batang si Basilio na mangatwiran pero ito ay hindi inintindi ng sakristan at sinabi na maari lamang siya umuwi sa eksaktong ika-10 ng gabi.

Balak pa sana makiusap ng batang si Basilio dahil pagpatak ng ika-9 ng gabi ay hindi pwede maglakad sa labas. Ngunit bigla na lamang kinaladkad ang kanyang kapatid na si Crispin pababa. Dinig na dinig ng batang si Basilio ang bawat daing at iyak ng kanyang kapatid na si Crispin. Pumasok sa isip ng batang si Basilio na siya ay mag-aararo na lamang sa bukid.

Ito ay hindi na natiis ni Basilio kaya’t ito ay gumawa ng paraan upang tumakas gamit ang lubid mula sa kampanaryo at dumausdos pababa.

Mga Tauhan ng Kabanata 15

Crispin – Siya ay isang batang lalaki na nakatira sa San Diego at isa sa mga sakristan ng simbahan. Matapos akusahan ng pagnanakaw sa kaban ng simbahan, pinarusahan si Crispin ng punong sakristan at Padre Salvi.

Basilio – Isang batang lalaki na nakatira sa San Diego at ang nakatatandang kapatid ni Crispin. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang ina at pagkawala ng kanyang kapatid, tumakas si Basilio sa bayan at dinala ni Kapitan Tiago.

Pilosopo Tasyo – Matandang iskolar na naninirahan sa San Diego. Naisip bilang isang baliw dahil sa kanyang hindi karaniwan na mga ideya. Gayunpaman, siya ay naging isang tagapayo para sa ilang mga indibidwal sa bayan.

Sisa – Ang babaeng nakatira sa San Diego at ina nina Basilio at Crispin. Matapos mawala ang dalawa niyang anak, nabaliw si Sisa, naglibot-libot sa bayan habang hinahanap sila.

Sakristan Mayor – Siya ang nagbigay ng parusa sa dalawang batang sakristan na nagdulot ng maraming pasa sa katawan ni Crispin at si Basilio naman ay umiiyak habang pauwi ng mabilis.

Pedro – Ang mabisyong asawa ni sisa na pinabayaan na lamang ang dalawang anak nito.

Kabanata 15 Mahahalagang Pangyayari

Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari sa ikalabinlimang kabanata ng Noli Me Tangere.

  • Ang pagkasaksi ni Pilosopo Tasyo sa dalawang magkapatid na sakristan. Kanyang nasaksihan na bakas sa mukha ng mga ito ang pagod at gutom.
  • Pagpapalitan ng dalawang magkapatid ng kanilang saloobin habang iniinda nila ang pangungulila sa kanilang ina at sa sakit na dulot ng parusa mula sa kura.
  • Ang paghingi ng batang si Crispin ng pakiusap na bayaran na lamang ng kanyang kapatid na si Basilio ang perang ibinibintang sa kanya.
  • Pagkasabik ng batang si Crispin na umuwi ngunit iyon ay hindi nangyari sapagkat hindi nabayaran ng kanyang kapatid ang dalawang onsa. At ang kanyang kapatid naman ay hindi pinayagan na umuwi ng maaga.
  • Ang pagkaladkad ng kura sa batang si Crispin pababa at ang mga masasakit na daing at iyak nito na dinig na dinig ni Basilio.
  • Ang pagtakas ng batang si Basilio upang humingi ng tulong para sa kanyang kapatid.

Kabanata 15 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito, ating makukuha ang iba’t-ibang uri ng aral. Isa na rito na ang pagbibintang sa kapwa ay isang maling gawain. Tulad na lamang ng nangyari sa batang si Crispin, siya ay inosente at napagbintangan lamang. Ang pagbibintang na iyon ay nauwi sa isang trahedya ng pananakit mula sa kura.

Kaya’t sa ating buhay wag tayong basta-basta na lamang tumuro sa isang tao. Lalo na kapag alam natin na tayo ay walang sapat na ebidensya sapagkat maari lamang ito magdulot sa kanila ng kapamahakan.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay tungkol sa kahirapang iniinda ng dalawang magkapatid sa loob ng kumbento. Makikita natin rito ang pagod at gutom na kanilang dinanas sa loob. At ang pagbibintang ng pagnanakaw sa inosenteng bata na si Crispin.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment