NOLI ME TANGERE KABANATA 14 – Sa artikulong ito, ay ating basahin ang buod ng ikalabing-apat na kabanata ng Noli Me Tangere na ginawa ni Dr. Jose Rizal. Naway sa inyong pagbasa ay inyong makuha ang aral na taglay ng kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 14 Buod (Tasyo: Baliw o Pilosopo?)
Si Pilosopo Tasyo ay laging laman ng lansangan, palabuy-laboy, at siya ay dating si Don Anastacio. Nang araw din na iyon ay pumunta si Tasyo sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng namatay niyang asawa.
Siya ay anak ng isang mayaman ngunit sa mata ng mga tao sa bayan siya ay isang mangmang. At dahil sa kanyang taglay na katalinuhan ay ipinatigil siya ng kanyang ina sa pag-aaral, sapagkat inakala nito na kapag siya ay nagtamo ng mas mataas na kaalam ay baka makalimutan na niya ang Diyos.
Isa pa sa mga dahilan ng kanyang pagtigil sa pag-aral ay nais ng kanyang ina na siya ay maging isang prayle…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong buod ng kabanata.
Mga Tauhan ng Kabanata 14
Don Anastacio o Tasyo – Siya ay isang matandang iskolar na naninirahan sa San Diego. Naisip bilang isang baliw dahil sa kanyang hindi karaniwan na mga ideya. Gayunpaman, siya ay naging isang tagapayo para sa ilang mga indibidwal sa bayan.
Ang Alkalde – Ang taong nakasalubong ni Tasyo sa kanyang pagpapalaboy-laboy at ang taong nagtanong kung bakit gusto niya ang paparating na bagyo.
Dalawang batang lalaki na magkapatid – Ang dalawang bata na si Basilio at Crispin na nakita ni Tasyo noong siya ay pumunta sa simbahan pagkatapos niyang makausap ang alkalde.
Ang magtetrenta-anyos na kaibigang nangangastila – Siya ang natanaw ni Tasyo sa bintana na nagbabasa ng isang libro na may pamagat na “Tinitiis ng mga Banal na Kaluluwa sa Purgatoryo.”
Don Filipo Lino – Ang deputy mayor ng San Diego. Si Don Filipo ay inilarawan bilang “halos liberal” at kumakatawan sa impormal na partido ng mas bata, mas bukas-isip na henerasyon. Tulad ng kanyang mga tagasunod, nagalit siya sa ideya na ang bayan ay dapat gumastos ng malaking halaga.
Donya Teodora Vina – Asawa ni Don Filipo na siyang nagtanong kay Tasyo kung siya nga ba ay nagpamisa para sa pumanaw niyang asawa.
Kabanata 14 Tagpuan
Lansangan ng San Diego – ang lugar kung saan nagpapalabuy-laboy si Pilosopo Tasyo at ang lugar kung saan nakausap ni Tasyo ang alkalde.
Sa Simbahan – ang pinuntahan ni Tasyo pagkatapos niya makausap ang alkalde. At dito niya nakausap ang dalawang batang lalaki.
Kabanata 14 Noli Me Tangere Aral
Sa kabanatang ito ay ating makukuha ang aral na tayong lahat ay magkakaiba at matuto tayong tanggapin ito. Tulad na lamang ng nangyari kay Tasyo, siya ay itinuring na parang wala sa kanyang sarili sapagkat hindi siya naiintindihan ng iba.
Ngunit para naman sa mga nakakaintindi sa kanya, siya ay isang matalinong tao. Kaya’t wag nating husgahan ang ating kapwa dahil lamang na sila ay mayroong pagkakaiba kaysa sa atin.
Konklusyon
Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay nagpapatungkol kay Pilosopo Tasyo. Makikita natin sa kabanatang ito na siya ay parang itinuturing na baliw. Iyon ay dahil hindi pangkaraniwan ang kanyang mga sinasabing salita.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 13
- Noli Me Tangere Kabanata 15
- Noli Me Tangere Kabanata 16
- Noli Me Tangere Kabanata 17
- Noli Me Tangere Kabanata 18
We are proud Pinoy!