NOLI ME TANGERE KABANATA 12 (Buod) – Sa artikulong ito, ay ating kilalanin ang mga tauhan sa ikalabindalawang kabanata ng nobelang Noli Me Tangere, sa pamamagitan ng pagbasa ng buod nito. Nawa’y ito ay inyong basahin ng maigi upang inyong makuha ang mensahe na taglay ng kabanatang ito.
Ngayon ay atin ng simulan ang pagbasa ng ikalabindalawang kabanata ng Noli Me Tangere.

Buod ng Kabanata 12 Noli Me Tangere: Ang Araw ng mga Patay
Sa bayan ng San Diego, ang kanilang sementeryo ay nasa isang malawak na palayan at mayroong bakod na kawayan at lumang pader na halatang walang nangangalaga. Ang lugar na ito ay kilala na ng mga tao na tuwing tag-araw ay maalikabok at tuwing tag-ulan naman ay maputik.
Makikita sa gitna ng sementeryo ang isang malaking krus. Mayroong nakatungtong na bato rito at sulat na INRI. Sa kabuuan, ang sementeryong ito ay masukal.
Sa kabilang banda naman ng sementeryo ay mayroong dalawang tao na naghuhukay upang mapaglilibingan malapit sa isang pader na halos masira na. Ang naghuhukay ay ang dati at bagong sepulturero, ang bago naman ay padura-dura sapagkat ito ay nandidiri sa kanyang ginagawa at panay hithit ng sigarilyo.
Sinabi ng bagong sepulturero na sila ay lumipat ng pwesto sapagkat sariwa pa ang bangkay na kanilang hinuhukay. Sinagot lamang siya ng kanyang kasama na siya ay napakasela. Bigla na lamang bumuhos ang napakalas na ulan na mas nagpakilabot sa kanya at mas lalo lamang siya nandiri.
Dahil sa malakas na ulan ay minarapat na lamang niya na itapon ang katawan ng bangkay sa lawa. Sapagkat ito ay inutos ng isang malaki at makapangyarihan na prayle na si Padre Garrote.
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere Kabanata 12
Ang bagong Supulterero – Siya ang nagrereklamo sa kanyang ginagawa na paghuhukay sapagkat siya ay nandidiri at padura-dura.
Isang matandang lalaki – Isang pandak na matanda na siyang naghahanap sa bungo ng kanyang asawa.
Datihang Supulterero – Katulong ng bagong supulterero at ang natatawa sa kanyang kasama sapagkat ito ay halatang nandidiri at natatakot sa ginagawa.
Kabanata 12 Tagpuan
Ang tagpuan sa ikalabindalawang kabanata ng Noli Me Tangere ay sa “Todos Los Santos.” Ito ay ang sementeryo ng San Diego na nakapwesto sa isang malawak na palayan at mayroong bakod na kawayan at lumang pader na halos masira na.
Noli Me Tangere Kabanata 12 Aral
Sa kabanatang ito, ating makikita ang aral na nagpapatungkol sa malaking kapangyarihan na taglay ng mga prayle sa bayan ng San Diego. Makikita natin na kaya nilang mag-utos ng kahit ano dahil sa malaking kapangyarihan na taglay nila sa lipunan at sa mga tao.
Konklusyon
Sa pangkalahatan, ang kabanatang ito ay tungkol sa dalawang sepulturero na nasa kalagitnaan ng kanilang paghuhukay sa sementeryo sa bayan ng San Diego. Ating makikita rito ang paglalarawan sa sementeryo na kung saan ito ay napabayaan na at walang tagapangalaga.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere
- Noli Me Tangere Kabanata 11
- Noli Me Tangere Kabanata 13
- Noli Me Tangere Kabanata 14
- Noli Me Tangere Kabanata 15
- Noli Me Tangere Kabanata 16
We are proud Pinoy!