Kabanata 11 Noli Me Tangere (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 11 (Buod) – Sa artikulong ito, ating tunghayan ang ikalabing-isang kabanata sa nobelang Noli Me Tangere. Naway sa inyong patuloy na pagbasa ay inyong maintindihan ang tinataglay na mensahe o aral ng kabanatang ito.

Noli Me Tangere Kabanata 11 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 11 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 11 Buod: Ang mga Makapangyarihan

Bagamat Don Rafael ang tawag sa ama ng binatang si Crisostomo Ibarra ay hindi pa rin ito kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Kahit na ganoon, siya ay iginagalang sa bayan ng mga tao at ng mga tao mayroong utang sa kanya.

Ngunit, kahit na gaano pa siya kabait ay wala pa ring tumulong sa kanya noong siya ay inakusahan. Kahit na masalapi si Kapitan Tiyago at ipinagluluto ng masasarap na pagkain, siya pa rin ay tinatawag na Sakristan Tiyago kapag siya ay nakatalikod.

Ang kapitan naman sa bayan ay hindi kabilang sa mga taong tinatawag na casique o makapangyarihan. Sapagkat ang kanyang pwesto ay nabili lamang niya sa halagang p5,000 na naging dahilan upang siya’y madalas na sabunin at pagalitan ng Alkade Mayor.

Ang bayan ng San Diego ay maihahalintulad sa bansang Roma at Italya dahil sa mahigpit na pag-aagawan ng kapangyarihan sa gobyerno. Ito ay sina Padre Salvi isang payat na batang pransiskano na pumalit sa prayle na si Padre Damaso.

Ngunit kapag ito ay ihahambing sa kay Padre Damaso, si Padre Salvi ay mabait at maingat sa kanyang tungkulin bilang isang prayle. Si Padre Salvi ay nakapangasawa ng isang pilipina na mahilig maglagay ng kolorete sa mukha, siya ay si Donya Consolascion. Ang alperes naman ay ang puno ng mga guwardiya sibil.

Kahit na mayroong hidwaan ang alperes at si Padre Salvi ay mabuti pa rin ang pakikitungo ng mga ito sa isa’t-isa tuwing sila ay magkaharap. Kapag hindi naman sila magkaharap, sila ay gumagawa ng kani-kanilang paraan upang makapaghiganti sa isa’t-isa.

Ang totoong makapangyarihan sa bayan ng San Diego ay ang alperes at si Padre Salvi. Sila ay tinatawag na mga casique.

Mga Tauhan ng Kabanata 11

Alperes – Napangasawa ni Donya Victorina at isang makapangyarihan na opisyal.

Crisostomo Ibarra – Siya ay isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral sa Europa.

Kapitan Tiyago – Siya ay isang maimpluwensyang negosyante sa San Diego at ang ama ni Maria Clara. Ipinagkasal ang kanyang anak na si Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. At ito ay nagsumikap na sundin ang mga prayle.

Don Rafael – Si Don Rafael Ibarra ang ama ni Crisostomo. Siya ang pinakamayamang tao sa San Diego at siya rin ang pinakamabait at mapagbigay sa lahat. Sa gayon ay natapakan niya ang mga daliri ng mga piling tao na pagkatapos ay nakipagsabwatan upang sirain siya.

Padre Bernardo Salvi – Siya ang kura ng bayan ng San Diego at ang kahalili ni Padre Damaso. Palibhasa’y may pakikipagtunggali sa alferez ng bayan, sa kalaunan ay inayos niya ang pagbagsak ni Crisostomo Ibarra, na minamanipula ang mga taong-bayan sa proseso.

Kabanata 11 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito, ating makukuha ang aral na nagpapatungkol sa kapangyarihan ng mga taong nasa gobyerno. Ating makikita sa kabanatang ito na gagawin ng ibang tao ang lahat makakuha lamang ng posisyon sa gobyerno upang itaguyod ang korapsyon.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ating makikita sa kabanatang ito kung sino ang mga tunay na taong nangingibabaw sa bayan ng San Diego. Atin ring makikita sa kabanatang ito ang mahigpit na labanan sa kapangyarihan at lakas sa bayan ng San Diego at gagawin ang lahat upang makakuha lamang ng posisyon sa gobyerno.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment