Kabanata 10 Noli Me Tangere (Buod at Aral)

NOLI ME TANGERE KABANATA 10 – Sa artikulong ito, ating basahin ang buod ng ikasampung kabanata ng nobelang ginawa ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Naway sa inyong pagbabasa ng artikulong ito ay inyong makuha ang mensaheng nakatago sa kabanatang ito.

Ngayon ay atin ng simulan ang pagbabasa ng ikasampung kabanata ng Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere Kabanata 10 (Buod at Aral)
Noli Me Tangere Kabanata 10 (Buod at Aral)

Noli Me Tangere Kabanata 10 Buod: Bayan ng San Diego

Sa Pilipinas, ang San Diego ay isang karaniwang bayan na nasa baybayin ng isang lawa at mayroong malawak na mga palayan at bukirin.

Halos lahat ng nakatira sa bayang ito ay pagsasaka ang hanap-buhay. Sila’y hindi nakapag-aral kung kaya’t dahil sa kanilang kamangmangan ay naipagbibili ng mga Tsino ang kanilang mga agrikulturang produkto sa napakamurang halaga.

Kagaya ng ibang bayan sa bansa ng Pilipinas, ang bayan ng San Diego ay mayroon ring alamat. Ayon sa alamat na ito ay mayroon umanong isang matandang kastila na dumating sa bayan.

Ang matanda ay matatas magsalita ng Tagalog at binili niya ang buong gubat. Dahil sa kanyang yaman na taglay, ipinambayad niya ang mga damit, alahas, at salapi. Ngunit kalaunan, ang matanda ay bigla na lamang nawala.

Isang umaga, habang nagpapastol ng mga kalabaw, sila’y nakaamoy ng isang nakakasulasok na amoy. Ito ay kanilang sinundan at kanilang nakita ang katawan ng matandang lalaki na nakabitin sa puno ng balete.

Dahil sa pagkamatay ng matanda, ito ay mas nagdulot ng katatakutan sa mga tao. At dahil rito ay sinunog nila ang ilang mga gamit na nagmula sa matanda tulad ng damit at ang mga hiyas naman ay itinapon nila sa ilog.

Makalipas ang ilang taon, mayroong isang batang mistisong kastila na dumating at nagpakilala na siya ay anak ng namatay na matanda. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Kalaunan, siya ay nakapangasawa ng isang babae na taga-Maynila at sila ay nagkaroon ng lalaking anak na pinangalanang Don Rafael.

Si Don Rafael ay isang mabait na tao sa mga mamamayan. Naging dahilan ito upang siya ay kagiliwan ng mga tao. Pinaunlad niya ang lugar at ito ay naging isang bayan.

Ang bayan ay nagkaroon ng isang kurang Indito. Ngunit ng ito ay namatay, pinalitan ito ni Padre Damaso na naging kura sa parehong bayan.

Mga Tauhan ng Kabanata 10

Mga binata – Ito ang mga nagsabi na nakarinig daw sila ng mga ungol o daing sa lugar na kung saan nakita ang katawan ng matanda.

Isang Matandang Kastila – Isang mayamang matanda na dumating sa bayan ng San Diego noong ito ay isa pa lamang gubat. Ngunit isang araw ay nakita na lamang itong nakabitin sa puno ng balete.

Isang Pastol – Ang nakakita sa katawan ng matandang lalaki na nakabitin sa puno ng balete.

Don Saturnino – Anak ng isang mistisong lalaki. Ito ay pumunta sa bayan ng San Diego upang hanapin ang kanyang amahin. Siya ay nag-asawa sa bayan ng San Diego at ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay si Don Rafael.

Don Rafael Ibarra – Anak ni Don Saturnino at ama naman ng binatang si Crisostomo Ibarra.

Kabanata 10 Noli Me Tangere Aral

Sa kabanatang ito, ating makukuha ang aral na nagpapakita na kapag ikaw ay nagpupursige sa buhay ay malayo ang iyong mararating. Tulad na lamang ng lolo at ama ni Don Rafael. Dahil sa kanilang pagpupursige ay napaunlad nila ang bayan ng San Diego mula sa pagiging nayon nito.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ating makikita sa kabanatang ito ang mga bagay na tungkol sa bayan ng San Diego. Ating makikita sa kabanatang ito kung paano mula sa pagiging gubat ay naging isang maunlad na bayan ang San Diego. Makikita rin natin na ang lolo at ama ni Ibarra ang mga kauna-unahang tao na nagpaunlad sa bayang ito.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kabanatang ito para sa mga mambabasa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan o mga kapamilya.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Kabanata ng Noli Me Tangere

We are proud Pinoy!

Leave a Comment