Halimbawa Ng Reaksyong Papel At Kahulugan

REAKSYONG PAPEL – Sa araling ito, inyung malalaman kung ano ang reaksyon papel at ang halimbawa nito? Isa ito sa palaging kinakailangan isumite ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang binasa o napanood.

Mahalagang alamin muna natin ang kahulugan at halimbawa ng reaksyon papel upang mayroong kang ideya kung paano mo ito sisimulang gawin. Para sa karagdagang impormasyon, tunghayan ninyu sa ibaba ang kasagutan sa inyung mga katanungan.

Halimbawa Ng Reaksyong Papel At Kahulugan
Halimbawa Ng Reaksyong Papel At Kahulugan

Sa pagkakataong ito, atin ng alamin ang kahulugan at halimbawa ng reaksyon papel. Ang paksang ito ay makakatutulong sa paglinang ng inyung kaalaman. Narito rin ang mga gabay kung paano gumawa ng reaksyon papel.

Ano ang Reaksyong Papel?

Ang reaksyong papel o tinatawag na “reaction paper” sa wikang Ingles.

Ang reaksyon papel o reaksyong papel ay tumutukoy sa isang sulatin na naglalaman ng mga personal na reaksyon o kaisipan tungkol sa partikular na paksa. Ito ay madalas na nangyayari pagkatapos manood ng isang pelikula o magbasa ng isang kwento.

Dito makikita ang mga saloobin, opinyon, at mungkahi o suhestyon batay sa paksang pinanood o binasa. Ang layunin nito ay upang maipahayag ng isang manunulat ang kanyang masusing pag-obserba patungkol sa paksang tinatalakay.

Reaksyong Papel Halimbawa

Ang sumusunod ay halimbawa ng reaksyong papel tungkol sa wikang filipino.

Ayon sa mga nabasa ko patungkol sa gamit ng wika sa social media, nalaman ko na sa simpleng pagpost lang sa mga social media sites na ang gamit mo ay wikang Filipino, napapahalagahan mo ang sariling atin.

Tulad ng mga nakikita ko sa aking news feed sa facebook, mayroong mga page na nagtataguyod o prino-promote  ang ating wika. At karamihan sa mga nag-like ng page na yun ay mga kano. hindi ba nakakabilib? na pati mga tao sa ibang bansa ay nagugustuhan ang ating wika.

At isa pa, marami din na taga ibang bansa ang marunog mag salita ng Filipino at kanilang mother tongue. hindi ba nakakamangha? Na ang hindi masyadong kilalang wika ay tinatangkilik hindi lang ang mga Pilipino, pati rin ng mga kano.

Kaya sa panahon ngayon na lumalawak o napapalaganap na ang wikang ingles sa iba’t ibang bansa, nabibigyang importansya parin natin ang wikang Filipino.

Ang wikang Filipino ay hindi lang basta salita. Bagkus, ito lang ang ating nag-iisang kayamanan. kayamanan na walang sino man ang makaka-agaw at makaka-angkin.

Kaya dapat nating ipreserba ang ating wika. Lagi natin ito pahalagahan at palaganapin. dahil ito ang ating tulay para mas mapalawig ang ating kultura.

-paolo801blog

Paano gumawa ng Reaksyong Papel

Bago kang magsimula sa pagsusulat ng iyong reaksyong papel may ilang bagay ka na kailangang tandaan. May tatlong bahagi ang reaksyong papel ito ay ang: introduksyon, katawan, at konklusyon. Narito ang gabay kung paano gumawa ng reaksyong papel.

Introduksyon 

Ang introduksiyon ang pupukaw sa interest ng mga mambabasa. Ito ay may tatlo hanggang apat na pangungusap. Kaya kailangan mong simulan ang iyong introduksyon sa isang masining at nakakatuwang paraan.

Dito mo kailangang ilagay ang buod ng pangunahing bahagi ng iyong binasa o napanood. Sa maikling salita, ibuod mo kung ano ang pinag-uusapan, at kailangan mo ring ilahad kung bakit nangyari o nasabi ito ng may-akda.

Katawan

Ang katawan ay naglalaman ng sariling kaisipan tungkol sa iyong napanood at nabasa. Siguraduhing maayos ang pagkakasunod-sunod ng iyong opinyon.

Dito ay kailangan mong ilagay kung ano ang masasabi mo o kung ano ang iyong mga saloobin tungkol sa iyong nabasa o napanood. Ilalagay mo rin dito kung sang-ayon kaba o hindi sa ginawa ng may-akda o sa mga nangyari sa palabas.

At, kailangan mo ng mga sumusuportang detalye upang mabigyang katwiran ang iyong saloobin kung bakit ka sumang-ayon at bakit hindi. Maari kang gumamit ng “mula sa aking obserbasyon” at sa “aking palagay,” upang maipahayag ang iyong opinyon.

Konklusyon

Ang konklusyon ay naglalaman ng maikling buod batay sa iyong isinasaad sa introduksyon at sa katawan. Ito ay maikli lamang subalit naglalaman ito ng mga importanteng impormasyon at ideya.

Tapusin ang iyong reaksyong papel sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang impormasyon na binanggit o ng buod ng iyong pangunahing puntos.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Halimbawa Ng Reaksyong Papel At Kahulugan,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment