Halimbawa Ng Pang-uri Sa Pangungusap (Example)

HALIMBAWA NG PANG-URI – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang kahulugan, mga halimbawa (example) ng pang-uri sa pangungusap. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga kahulugan at halimbawa ng pang uri hanggang sa ngayon.

Sadyang napakalawak at mayaman ang wikang Filipino. Maraming pamantayan sa paggamit nito kaya dapat na pagtuunana natin ng pansin ang mga ito upang mas gumaling tayo sa paggamit ng ating wika.

Halimbawa Ng Pang-uri - Mga Halimbawa Ng Pang-uri Sa Pangungusap
Halimbawa Ng Pang-uri

Ano Ang Pang-uri?

Ang PANG-URI o adjective sa Ingles ay naglalarawan o tumutukoy sa salitang nagbibigay turing o deskripsyon sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay nagbibigay linaw sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar kilos, oras, pangyayari at iba pa. Isang bahagi ng pananalita ang pang-uri o part of speech. Mayroon itong uri, kaantasan, gamit at kailanan ng pang-uri.

Ang pang-uri ay may tatlong uri, ito ay ang pang-uring panlarawan, pang-uring pantangi, at pang-uring pamilang. Ang lahat ng mga ito ay may layuning bigyan ng pagkakakilanlan ang mga pangngalan at panghalip.

Kung nagtataka ka kung ano ang pangngalan at panghalip, ang pangngalan ay ang tawag sa salita o bahagi ng salita na tumutukoy sa tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Ang panghalip naman ay tumutukoy sa mga salitang pamalit o panghalili sa pangngalan.

HALIMBAWA NG PANG-URI

Narito ang mga halimbawa ng pang-uri.

  • Matangkad
  • Maganda
  • Gabi-gabi
  • Mangitim-ngitim
  • Sinungaling
  • Matipuno
  • Malutong
  • Masipag
  • Payat
  • Bilog
  • Tatlong dosena
  • Makukulit
  • Kapwa nakawiwili
  • Maputi
  • Agaw-pansin
  • Sirang-plaka
  • Kamangha-mangha
  • Init
  • Taba
  • Sobrang lambot
  • Makunat
  • Asul
  • Mamula-mula
  • Anim
  • Tatlumpu
  • Bente porsentong
  • Kupas
  • Magsinglaki
  • Di-hamak na mas magara
  • Pinakamalakas
  • Di-masyadong marami
  • Kaakit-akit
  • Araw-araw
  • Magkasingtamis
  • Dami-daming
  • Kapwa matalino
  • Sandaan
  • Limang dosena
  • Limampu
  • balat-sibuyas
  • Gabi-gabi
  • Puti-puti
  • Hinog
  • Tunay na makulay
  • Lalong pumapangit
  • Dadalawa
  • Isa-isa
  • Kalahati
  • Tatlong libung piso
  • Matamis

Time needed: 3 minutes.

Narito naman ang mga halimbawa ng pang-uri sa pangungusap batay sa kung ano ang pang-uri.

  1. Si Paul ay matangkad at yan ang isang anyo na gusto ko sa isang lalaki.

  2. Maganda ang sapatos ni Andrea, galing daw iyon sa ibang bansa na ipinadala ng papa niyang ofw.

  3. Gabi-gabi lumalabas ang mga alitaptap at nagbibigay ito ng kulay sa paligid.

  4. Mangitim-ngitim ang leeg ng bata, siguro hindi masyadong nalinis yan nung masligo siya.

  5. Masyadong sinungaling ang mga chismusa sa amin, palaging nag-iimbento ng mga kung anu-ano pero hindi naman totoo.

  6. Ang manggang binigay sa akin ni ate ay malutong kaya naubos ko kaagad.

  7. Matipuno ang katawan ni Lito kaya maraming ang nahuhumaling kanya pati na ang mga kaklase ko.

  8. Si Delia ay masipag na anak ni Mang Dan, kaya palagi niya itong binibilhan ng mga pasalubong mul sa bayan.

  9. Payat ang katawan ng bata, siguro kung siya sa mga bitamina dahil hindi naman siya kumakain ng mga gulay.

  10. Bilog ang mundo, balang araw, ang makakamit ko rin ang mga pangarap ko, makikita niyo.

  11. Tatlong dosena ng itlog ang inutang ko sa palengke.

  12. Ang mga kaklase ko ay makukulit kaya palagi na lang kaming pinapagalitan ng titser namin.

  13. Kapwa nakawiwili ang mga alagang aso nina Jane at Sandra.

  14. Si Linda ay maputi dahil gumagamit siya ng mga produktong nabibili sa mga mamahaling tindahan ng mga pampagandang produkto.

  15. Agaw-pansin ang damit na suot ni Lyka, kaya naman nagpabili din ako ng bagong damit ky mama.

  16. Ang mama ko talaga, parang sirang-plaka, paulit-ulit.

  17. Kamangha-mangha ang sagot ni JR sa tanong kung ano ang pang-uri.

  18. Ang init ng panahon ngayon, gusto ko pa naman sanang magtanim ng mga bulaklak sa bakuran namin.

  19. Ang taba mo na ngayon Gelli kaya hindi na magkasya sayo ang mga damit mo.

  20. Sobrang lambot ng katawan ni Dana kung sumayaw kaya palagi siyang bida sa mga patimpalak sa paaralan.

  21. Makunat ang turon ni binibenta ni Aling Fe sa tindahan nila.

  22. Kulay asul ang nakuhang bisikleta ni Jude para sa kanyang kaaraawan na bigay ng kanyang Lolo Dado.

  23. Mamula-mula ang mga pisngi ni Jane nang makita namin siya kasama ang kanyang bagong nobyo doon sa parke.

  24. Nagbigay ako ng anim na halimbawa ng mga salitang ginagamit na panturing sa katangian ng tao o bagay.

  25. Tatlumpu ang naibigay kong halimbawa ng mga pangngalan at panghalip na mga salita.

  26. Nakakuha ako ng bente porsentong bawas sa lahat ng aking mga bilihin dahil may pa-promo ngayon ang grocery store sa bayan.

  27. Kupas na ang damit na suot ko, siguro kailangan ko ng bumili ng bago para naman maging presentable akong tingnan.

  28. Ang dinalang kayawan ni Kuya Carl at Kuya Drew ay magsinglaki na tamang-tama naman sa gagawin naming bangko sa labas ng aming bahay.

  29. Ang kotse nina Sophia May ay di-hamak na mas magara kaysa sa mga kotse ng mga kaibigan ko sa paaralan.

  30. Sa aming lahat, si Ann Marie ang pinakamalakas kumain kapag ang ulam ay tuyo at laswa na luto ng Ilonggo naming kaibigan.

  31. Ang naani naming palay sa bukid ay di-masyadong marami kumpara sa naani namin noong isang taon dahil sa malupit na bagyong Narding.

  32. Sadyang kaakit-akit ang mga tanawin sa aming probinsya na talaga namang dinarayu ng mga turista mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

  33. Maaga akong gumigising araw-araw upang pumasok sa aking trabaho at maging produktibo sa aking mga gawain na makatutulong sa aming kompanya.

  34. Ang pakwan na dala ni Ted at George ay magkasingtamis kaya naman napasarap ang kain naming lahat at nabusog ng bongga.

  35. Ang dami-daming dahilan para manatili ka sa amin ngunit bakit pinilit mo paring umalis at sumama sa iba? Hindi ka ba naaawa sa amin?

  36. Kapwa matalino ang mga anak nina Tiyo Marco At Tiya Jessa kaya naman palagi silang nakakatanggap ng mga parangal mula sa aming paaralan sa bayan at sa munisipyu.

  37. Binigyan ako ni Tita Sally Grace Bautista ng sandaan upang ibili ko daw ng aking mga damit sa ukay-ukay doon sa kabilang bayan kasama ang aking mga matatalik kaibigan.

  38. Limang dosena ng malalaking itlog ang ipinabili sa akin ng aking Mama Helen para gamitin sa paggawa ng keyk dahil marami ang umorder sa kanya kahapon para sa nalalapit na fiesta sa aming barangay.

  39. Nagbigay ako ng limampung halimbawa ng mga pangungusap na may pangngalan para sa aming takdang aralin sa asignaturang Filipino.

  40. Si Marta ang matalik kaibigan kong parang balat-sibuyas dahil kahit sa maliit lang na bagay lang na aming pinag-aawayan ay umiiyak na kaagad at nagtatampu sa akin.

  41. Pumupunta kami gabi-gabi sa plaza para manood ng Basketball Tournament na palaro ni mayor at panuurin ang hinahangaan naming magaling at gwapong manlalaro na si Hans Andrew De La Paz mula sa kupunan ng kabilang baranggay.

  42. Talaga nga namang ang puti-puti ng ngipin ng mga anak ni Aling Karla na sina May Ann at Ann Cally dahil palagi niya silang dinadala sa dentista upang mapangalagaan ang mga ngipin nila.

  43. Nanguha kami ng mga hinog na papaya sa aming bukid para ibenta sa merkado dahil marami na ang naghahanap na mga suki ng aking mama.

  44. Sadyang tunay na makulay ang buhay kung ang lahat ay nagkaka-intindihan at nagmamahalan sa isang pamilya kagaya ng sa amin.

  45. Lalong pumapangit ang mga taong may masamang ugali at palaging nagmamaliit sda kanyang kapwa at ito ang isang bagay na hindi ikinalulugod ng Diyos sa kanyang mga anak.

  46. Ang binili kong meryenda na banana cue ay dadalawa dahil ibibgay ko ang isa sa nobyo kong si Jake Paul na nag-iinsayo ng basketball kasama ng buong team nila sa basketball court.

  47. Sabi ni Nanay Paula ay isa-isa lang kukunin nating ulam na isda para naman daw magkasya sa ating pitong magkakapatid dahil kulang na kulang ang binigay na pera sa kanya ni papa para sa pang-araw-araw nating bilihin dito sa loob ng bahay ngayong buwan.

  48. Kalahating kilo ng malagkit na bigas ang bilhin mo sa tindahan at dagdagan mo na rin ng asukal at gata ng niyog dahil magluluto ng ako ng biko para sa ating meyenda mamayang hapon dahil may darating akong bisita mula sa kabilang bayan.

  49. Tatlong libung piso lang ang binigay na allowance sa akin ni papa ngayong buwan dahil kinapos sila ngayon ng pera dahil nagkasakit ang aking bunsong kapatid at kinailangan pang dalhin sa ospital para ipatingin sa doktor.

  50. Matamis ang nabiling mangga ni mama.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa araling ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary ng Halimbawa ng Pang-uri

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan, mga halimbawa (example) ng pang uri sa pangungusap. Tandaan, ang pang-uri ang naglalarawan o nagbibigay turing sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay maaring sa isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi na maging bagay man, tao, pangyayari at iba pa.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng higit na inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Hangad naming makatulong sa inyong pag-aaral upang makamit ninyo ang inyong mga pangarap sa buhay. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment