Halimbawa Ng Dula, Kahulugan, Elemento, At Mga Uri Nito

HALIMBAWA NG DULA – Sa paksang ito, ating matutunghayan ang mga dula halimbawa, kahulugan, elemento, sangkap, at ang mga uri ng dula. Sa larangan ng panitikan isa ito sa kilala at ginagawa o tinatanghal.

Bahagi na ito ng ating kultura at kailangan magkaroon tayo ng malawak na kaalaman tungkol sa dula. Kaya, halina’t ating tunghayan sa ibaba ang halimbawa ng dula, kahulugan, elemento, at ang mga uri nito.

Halimbawa Ng Dula, Kahulugan, Elemento, At Mga Uri Nito
Halimbawa Ng Dula, Kahulugan, Elemento, At Mga Uri Nito

Alam ko marami pa rin sa inyo ang walang kaalam-alam tungkol sa dula. Bilang isang mamamayang Pilipino, dapat malaman natin ang kahalagahan nito.

Ngayon, atin ng talakayin kung ano ang isang dula, kahulugan, halimbawa, elemento, narito rin ang mga uri ng dula at ang mga sangkap. Kung maari ay basahin ang unawin ninyong mabuti ang mga detalyeng aming inilagay.

Ano ang Dula?

Ang dula ay isang uri ng panitikan, na tinatawag ding “drama” o “play” sa Ingles. Ito ay isang paglalarawan na ginaganap sa isang teatro. Ito ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.

Ang bawat yugto nito ay mayroong maraming eksena na tinatawag sa Ingles na “Stage Play,” dahil ang isang dula ay itinatanghal sa isang entablado. Ang dula ay maaaring hinango sa totoong buhay o kathang-isip lamang ng isang manunulat.

Dagdag pa rito, ang pinaka layunin ng dula ay upang mapanood sa entablado, hindi lamang basahin sa harap ng maraming tao. Ito ay upang ipakita ang nilalaman ng buong kwento sa isang manunuri ng dula upang maunawaan at maintindihan ang nilalaman ng kwento.

Sangkap ng Dula

Tunghayan ang ibat-ibang sangkap ng dula at ang kahulugan nito.

Tagpuan

Ang tagpuan ay ang panahon at pook kung saan naganap ang mga mahahalagang pangyayari na isinaad sa isang dula.

Tauhan

Ang tauhan ay ang mga taong gumaganap sa isang dula at sila rin ang nagbibigay buhay sa kwento. Sa mga tauhan umiikot ang mga panyayari.

Kakalasan 

Ang kakalasan ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga problema at pagsasaayos ng mga suliranin at tunggalian.

Kasukdulan 

Ang kasukdulan o tinatawag na “climax” sa Ingles, bahagi ito ng dula na nagbibigay pagsubok sa mga tauhan. Dito mararamdaman ang bugso at matinding damdamin at pinakasukdulan ang tunggalian.

Tunggalian 

Ang tunggalian ay ang paglalaban ng mga tauhan sa dula. Ito ang nagbibigay daan sa mga tagpo upang lalong maging kapana-panabik ang mga pangyayari.

Sulyap sa suliranin

Ito ang mga suliranin na kailangan solusyonan sa dula. Ito ay maaring makita sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari.

Saglit na kasiglahan

Ang pangyayaring ito ay ang mga sandaling nakatakas ang mga tauhan sa suliraning nararanasan ngunit panandalian lamang.

Ano ang mga uri ng Dula?

Narito ang mga uri ng dula na naayon sa paksa o nilalaman, kanilang kahulugan, at mga halimbawa nito.

Trahedya 

Ang trahedya o kalunos-lunos ay ang mga dulang tumutukoy sa pagkasawi o pagkamatay at hahantung sa kabiguan ng mga pangunahing tauhan sa dula. Ang tema nito ay mabibigat at nakakasama ng loob, nakakaiyak, at nagwawakas na malungkot ang dula ngunit makabuluhan.

Mga halimbawa:

  • Moses, Moses
  • Kahapon, Ngayon, Bukas(sarswela)
  • Sinag Ng Karimlan
  • Anghel ni Noel De Leon
  • Jaguar
  • Ang Trahedya Sa balay ni kadil na isinulat ni Don Pagurasa

Komedya

Ang komedya o katatawanan ay mga dulang tumutukoy sa masasayang kaganapan at nagbibigay kasiyahan o katatawanan sa mga manonood. Hinggil ito sa mga pagpapatawa ng mga tauhan at sa mga linyang binibitaniwan ng mga ito.

Ang mga tauhan sa ganitong uri ng dula ay palaging nagtatagumpay. Ito ay mayroong magaan na tema.

Mga halimbawa:

  • Sa pula, sa puti
  • Bakit Ang Babae Ang Naghuhugas ng Pinggan
  • “Plop! Click” ni Dobu Kacchiri

Melodrama

Ang melodrama ay mga dulang tumutukoy sa nga kwento na pawang laging may problemang kinakaharap ang mga pangunahing tauhan sa dula. Subalit, mayroon naman itong kasiya-siyang wakas.

Tinatawag din itong “soap opera” na nagpapalabas ng luha ng mga manonood dahil sa mga kahabag-habag na mga pangyayari. Kadalasan, malulungkot ang mga inilalapat na mga pananalita at damdaming ipinapahayag ng mga tauhan at minsan namamatay ang pangunahing tauhan sa dula.

Mga Halimbawa:

  • Sarin Manok ni Patrick c. Fernandez
  • Maria Clara

Parsa

Ang parsa o synete ay tumutukoy sa mga dulang nagpapatawa sa pamamagitan ng mga salitang nakakatawa. Pangkaraniwang ugali ang pinag-uusapan dito at layunin ay ang magpapatawa lamang.

Halimbawa:

  •  Karaniwang Tao by: Joey Ayala

Tragikomedya 

Ang tragikomedya ay tumutukoy sa mga dulang pinaghalong katatawanan at kasawian o kalunos-lunos.

  • The Merchant of Venice (ni William Shakespeare)
  • The Cherry Orchard (ni Anton Chekhov)
  • Waiting for Godot (ni Samuel Beckett)

Ano ang mga elemento ng Dula?

Narito ang elemento ng dula at ang kanilang mga kahulugan

Aktor

Ang aktor ay tumutukoy sa mga tauhan na gumanap sa dula at nagsasabuhay ng iskrip. Sila ang mga taong bumibigkas at nagsasalita ng mga linya sa ibat-ibang damdamin na napapanood sa mga tanglahan.

Sa maikling salita, sila ang mga taong nagbibigay buhay sa isang dula.

Ang dayalogo ay tumutukoy sa mga linyang binibitawan ng mga tauhan sa dula. Ito ay mga indibidwal na pangungusap na kailangang sabihin ng aktor kasama ang emosyon at kilos na kailangan gampanan o angkop dito.

Iskrip 

Ang iskrip ay tumutukoy sa mga nakasulat na dula, tinatawag itong kaluluwa ng isang dula dahil walang dula kapag wala ito. Lahat ng dula ay nakasalalay sa iskrip, dito makikita ang mga dayalogo ng bawat aktor.

Direktor o tagadirehe

Ang direktor o tagadirehe ay ang taong nagpapakahulugan sa iskrip ng dula. Siya ang taong nangangasiwa sa mga aktor, tagpuan, kasuotan, hanggang sa paraan ng pagganap, at pagbigkas ng mga tauhan, at iba pang kawani para sa isang dula.

Tanghalan

Ang tanghalan ay tumutukoy sa anumang pook na ginaganapan ng mga dula o lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang dula. Maaring ito ay isang kalsada, silid, o isang tahanan na napili sa kaganapan.

Tema

Ang tema ay ang paksa ng isang dula, dito maiintindihan ng mga manonood ang istorya ng dula sa tulong ng mga pinagsama-samang mga pangyayari at pagkasunod-sunod nito. Ipinahahayag ng mga aktor ang tunay na emosyon sa tulong ng tema ng isang dula.

Manonood

Ang manonood ay ang mga taong dumadalo sa tanghalan upang makita o mapanuod ang isang dula. Hindi magiging epektibo ang dula kapag walang mga taga panood, sila rin ang nagbibigay halaga sa dula.

Halimbawa ng Dula

Narito na ang mga halimbawa ng dula:

Sa Pula sa Puti

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.

Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.

Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?

Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.

Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.

(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).

Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.

Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.

Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?

Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga’y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema….

Pindutin ang download sa ibaba, upang mabasa ang buong dula offline.

Moses, Moses

ANA : (habang nagpupunas) Kumusta ang hiningi mong bakasyon, Regina?

REGINA: (ibig magmalaki, nguni’t walang sigla) Binigyan ako, puwede ba nila akong hindi bigyan.

ANA : Dapat naman. Sa buong pagtuturo mo’y ngayon ka pa lang magbabakasyon, ano?

REGINA: Ikalawa na ito. Noong mamatay ang ama nina Aida, saka ngayon. Pupuwede akong hindi pumasok kahit ilang buwan pa suguro, kahit isang taon. Marami akong naiipong bakasyon.

ANA : Biro mo namang mahigit na dalawampung taon ka na yatang nagtuturo. Noong dalaga ka pa, hindi ba? Pwede ka nang magretiro.

REGINA: (sasandal) Sayang naman kung hindi ko matatapos ang aking serbisyo. Pero hindi ako papasok hangga’t hindi gumagaling si Aida.

ANA : Kung sabagay, kaya ko naman siyang alagaan. (Aayusin ang salansan ng kutsara). Ano nga pala ang sabi-sabihan sa eskwela? Siguro’y alam nila ang nangyayari?

REGINA: (pauyam) Alam. Pero ano ba ang maaasahan mo sa mga walang prinsipyong tao?

ANA : Sinabi mong tuloy rin ang demanda?

REGINA: (tatayo, lalakad sa repriheradora upang kumuha ng inumin) Oo. Bakit hindi ko itutuloy? Kahit ano pa nga ang kanilang sabihin. Dapat nga raw magdemanda, sobra naman daw talaga ang ginawa kay Aida, pero…

ANA : Nakapag-aral si Aida doon. Kilala siguro nila…

Ang dulang ito ay sinulat ni: Ni Rogelio R. Sikat

Pindutin ang download sa ibaba, upang mabasa ang buong dula offline.

Konklusyon

Ngayon ay alam mo na ang halimbawa ng dula, mga uri, elemento, at ang kahulugan nito, nariyan din ang ang mga sangkap ng dula. Ang paksang ito ay nakakasiguradong isang malaking tulong sa mga mag-aaral sa kanilang aralin sa Filipino.

Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Halimbawa Ng Dula, Kahulugan, Elemento, At Mga Uri Nito,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment