Elemento Ng Sanaysay, Kahulugan, At Halimbawa Nito

ELEMENTO NG SANAYSAY – Ano ang sanaysay at ang mga elemento nito? Sa araling ito, ating tatalakayin ang mga elemento ng sanaysay, kahulugan, at halimbawa nito.

Marami kang katanungan tungkol sa sanaynay? Kung kaya basahin ng mabuti ang nilalaman ng artikulong ito. Matutunghayan ninyu sa ibaba ang mga kasagutan sa inyung mga katanungan kung ano ang sanaysay at mga elemento nito.

Elemento Ng Sanaysay, Kahulugan, At Halimbawa Nito
Elemento Ng Sanaysay, Kahulugan, At Halimbawa Nito

Sa pagkakataong ito, inyu ng matutuhayan kung ano ang mga elemento ng sanaysay at ang kahulugan nito. Narito rin ang elemento ng sanaysay halimbawa.

Ano ang Sanaysay?

Ang sanaysay o tinatawag na “essay” sa wikang Ingles, ito ay isang uri ng sulatin na may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang isang sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga ng personal na kuru-kuro, pananaw o opinyon ng isang awtor o may-akda.

Dagdag pa rito, naipapahayag ng may akda ang kanyang sariling impormasyon, nararamdaman, opinyon at manghikayat ng ibang tao. Gamit ang malawak na pag-iisip maaaring tumalakay ng iba’t ibang paksa gaya ng pag-ibig, kapaligiran, pamilya, lipunan, mundo, at iba pa.

Uri ng Sanaysay

Ang mga sumusunod ay ang (2) dalawang uri ng sanaysay at ang deskripsyon nito.

❶ Pormal na Sanaysay

Ito ay isang uri ng sulatin na may maayos at seryosong paksa at nilalaman. Mahahalagang impormasyon ang nililikha dito upang mapukaw ang isip at damdamin ng mambabasa.

Hindi ito nakabatay sa opinyon ng awtor sapagkat dumaan ito sa proseso nang maingat na pananaliksik at pagsusuri ng mga datos. Karaniwang paksa nito ang mga importanteng tao, pangyayari, mga isyu sa lipunan at kung paano ito masusulusyunan. Ang halimbawa nito ay ang pahayagang editoryal.

❷ Di – Pormal na Sanaysay

Ang di-pormal na sanaysay ay isang sulatin na mas malaya at naipapakita ng awtor ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap sa isang kaibigan. Karaniwang paksa ng manunulat ang kanyang mga karanasan at pananaw sa mga bagay at pangyayari sa paligid. Nagtataglay din ito ng nakaka-aliw at nakaka-akit na nilalaman sapagkat ang awtor ay hindi na kailangang magbase sa iba.

Mga Elemento ng Sanaysay

Pagkatapos ninyung matunghayan ang kahulugan ng sanaysay at ang uri nito. Alamin naman natin ang mga elemento ng sanaysay.

1. Tema at Nilalaman

Ang tema at nilalaman ay tumutukoy sa kung anuman ang nilalaman ng sanaysay o tinatawag na paksa ng komposisyon.

2. Anyo at Istruktura

Ang anyo at istruktura ay tumutukoy sa maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o mga pangyayari sa sanaysay. Isa ito sa importante at mahalagang sangkap marahil, makakatutulong ito sa pag-unawa ng mga mambabasa.

3. Kaisipan

Ang kaisipan ay tumutukoy sa mga ideyang nabanggit na may kaugnayan sa paglilinaw ng tema.

4. Wika at Istilo

Ang wika at istilo ay tumutukoy sa kung paano ipinahahayag ang paksa sa paraang simple, natural, at matapat na pagpapahayag. Dahil nakakaapekto rin ang paggamit ng mga simple at natural na pahayag sa pang-unawa ng mga mambabasa.

5. Larawan ng Buhay 

Ang larawan ng buhay ay tumutukoy sa paglalahad ng may-akda sa isang masining at makatotohanang sanaysay. Ang may-akda ay gumagamit ng sariling himig sa paglalahad.

6. Damdamin

Ang damdamin ay tumutukoy sa kung paano ipinahahayag ng may-akda ang kanyang sanaysay ng may damdamdamin sa wastong pamamaraan at naaangkop.

7. Himig

Ang himig ay tumutukoy sa uri ng damdamin sa kung paano ipinahahayag ng may-akda ang sanaysay. Ito ay maaring masaya, mapanudyo, at malungkot.

Halimbawa ng Sanaysay

Narito ang isang halimbawa ng sanaysay.

Sino Ako?

Ang aking ina, ama, kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay aking nakasama sa luob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ng aking pamilya, ganuon din naman ang aking mga kaibigan.

Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kinakain. Ganuon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino talaga ako, bilang ako?

Ako, isang simpleng tao. Gaya ng iba mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na walang katapusan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng paksa na “Sino Ako?” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Konklusyon

Sa araling ito, ating tinalakay ang tungkol sa mga elemento ng sanaysay. Inyu ring natunghayan ang kahulugan, uri, at elemento ng sanaysay halimbawa. Natitiyak naming makakatulong ang paksang ito sa tulad mong mag-aaral.

Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito.

Nawa ay mayroon kayong natutunan sa ating tinalakay. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Elemento Ng Sanaysay, Kahulugan, At Halimbawa Nito,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment