Cupid At Psyche Tagalog (Buod Ng Cupid At Psyche)

CUPID AT PSYCHE TAGALOG – Sa paksang ito, inyung matutunghayan ang buod ng Cupid at Psyche story, mga tauhan, aral, at kung sino ang may-akda, at atin ding ilarawan si Cupid at Psyche. Isa itong kwentong pag-ibig na kapupulutan ng aral ng mga mambabasa.

Naisinulat ito noong ikadalawang siglo. Ang kwentong ito ay nagmula sa panitikan ng Mediterranean tungkol sa mga pagsubok na pinagdaan nina Cupid at Psyche sa kanilang pag-iibigan.

Tunghayan sa ibaba ang kwento nina Cupid at Psyche story upang lalo ninyong maintindihan ang storya ng kwento.

Cupid At Psyche Tagalog (Buod Ng Cupid At Psyche)
Cupid At Psyche Tagalog (Buod Ng Cupid At Psyche)

Sa pagkakataong ito, ay atin ng talakayin at ilarawan si Cupid at Psyche story Tagalog. Inyu ring matutunghayan kung anong katangian meron ang mga tauhan sa kuwentong ito.

Buod ng Cupid at Psyche

Basahing mabuti ang kwentong ito dahil siguradong magugustuhan ninyu ang kwento. Narito na ang maikling buod ng Cupid at Psyche:

Cupid at Psyche

Ang kwento ay nagsimula sa isang hari na mayroong tatlong magagandang anak. Sa tatlong magkakapatid, ang bunsong anak ng hari na si Psyche ang labis na sinasamba at hinahangaan ng mga kalalakihan.

Si Venus ang sinasabing “Dyosa ng kagandahan” na walang makakapantay sa taglay nitong kagandahan. Ngunit, ang mga kalalakihan na magbigay papuri sa Diyosa ay nawala na,  dahil kay Psyche. Ang mga templo ay naging marumi, unti-unti nang nasisira, at wala ng alay.

Ang lahat na mga karangalan at papuri na dapat ay sa kanya ay napunta na kay Psyche. Labis na galit ang naramdaman ni Venus, kaya inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Pysche.

Sa isang nilalang na lubhang nakakatakot. Agad namang hinanap ni Cupid ang dalaga. Dahil sa labis na kagandahan ng dalaga ay napaibig si Cupid, na para bang napana niya ang sariling puso. At, hindi manlang ito naisip ng kanyang ina.

Umuwi si Cupid at inilihim ang mga pangyayari sa kanyang ina. Dahil sa labis na tiwala ng kanyang ina ay hindi na ito nang usisa pa.

Ang Diyosa ay nananabik sa mga mangyayari sa buhay ni Psyche. Samantala ang kanyang inaasahan ay hindi nangyari. Si Psyche ay hindi umiibig sa isang nilalang na nakakatakot o kahit kanino man. At, tila walang umiibig sa kanya.

Ang mga lalaki ay nakontento lamang na siya ay sambahin at pagmasdan ngunit hindi siya iniibig o minamahal ng mga ito. Ang kanyang mga kapatid na malayo sa kanyang taglay na kagandahan ay may kanya-kanya ng asawa at hari pa ang mga ito at sila ay namumuhay ng masaya sa kani-kanilang mga palasyo.

Si Psyche ay naging malungkot sa kanyang pag-iisa, dahil walang nangahas na mahalin siya. Ang kanyang mga magulang ay nabahala. Isang araw ay naglakbay ang kanyang ama upang humingi ng tulong sa taong nagngangalang Apollo.

Humiling siya rito na hanapan siya ng lalaking iibig sa kanyang anak na babae. Subalit, nauna ng humingi ng payo si Cupid dito. Ikinuwento ni Cupid ang kanyang sitwasyon at nagmakaawa upang tulungan siya.

Sinabe ni Apollo sa hari na ang kanyang anak ay makakapag-asawa ng isang nilalang na nakakatakot. Kaya binigyan niya ng payo ang hari na kailangang magbihis ni Psyche ng pamburol, at dalhin niya ito sa tuktok ng isang bundok at iwanang mag-isa. Sa pagkakataong iyon ay susunduin siya ng kanyang mapapangasawa.

Labis na lamang ang hinagpis ng hari sa kanyang pagbabalik sa palasyo ngunit sinunod niya ito. Pinagbihis niya si Psyche ng pinakamaganda nitong damit.Pagkatapos mag-ayos ay pinabuhat na  niya ang kanyang anak upang ihatid sa tuktok ng bundok.

Habang sila ay naglalakbay nalulungkot ang lahat para kay Psyche. Ang dalaga ay buong tapang na hinarap ang kanyang kapalaran. Habang siya ay naghihintay labis na takot ang kanyang nadarama. Nanginginig at tumatangis siya sa takot ngunit bigla na lamang may dumating ang malambing na ihip ng hangin ito pala si si Zephyr.

Ang susundo sa kanya patungo sa kanyang mapapangasawa. Siya ay inilipad at inilapag sa damuhang kasing lambot ng higaan at mababangong bulaklak. Nakatulog siya dahil sa kapayapaan ng gabe.

Pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng ilog at kanyang natatanaw ang isang mansyon. Labis ang kanyang pagkamangha sa kagandahan nito. Ang mansiyon ay gawa sa pilak at ginto, ang sahig ay napalamutian ng mga hiyas.

Hindi siya pumasok dahil nagaalinlangan siya, ngunit para bang may nagsasabi sa kanya na.. “Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong ito.” Maligo ka, magbihis, at ihahanda namin ang piging para sa iyo. Kami ang iyong mga alipin,” wika ng mga tinig.

Si Psyche ay nalibang sa mansiyon, kumakain siya ng masasarap na pagkain. Buong araw siyang inaaliw ng mga musika at lira. Narinig niya ang boses ng kanyang mapapangasawa at nawala ang lahat ng kanyang takot. Ang kanyang mapapangasawa ay hindi niya nakikita, ang tinig nito ay kanya lamang naririnig.

Si Cupid at Psyche ay nag-uusap isang gabe upang patuluyin sa kanilang tahanan ang kanyang mga kapatid. Sapagkat, ang mga kapatid ni Psyche ay nagluluksa sa kanya.

Dahil sa kanyang labis na awa, nakiusap ito kay Cupid na makita ang kanyang mga kapatid. Labag man ito sa desisyon ni Cupid ay pinayagan niya ito. Ngunit nariyan parin ang babala dahil ang mga kapatid nito ang magdadala sa kanya sa peligro.

Nakarating sa palasyo ang kanyang dalawang kapatid sa tulong ni Zephyr. Ang magkakapatid ay sobrang namangha sa palasyo sapagkat ito ay ginto. Nakaramdam ng inggit ang magkapatid kung kaya nag-isip sila ng plano laban kay Psyche.

Upang mabasa ang buong buod ng Cupid at Psyche ay pindutin lamang ang download sa ibaba.

Mga tauhan sa Cupid at Psyche

Ang mga sumusunod ay ang mga tauhan at kanilang mga katangian sa kwentong Cupid at Pysche story Tagalog.

Time needed: 3 minutes.

Andito na ang Cupid at Psyche Tagalog mga tauhan.

  1. Cupid

    Si Cupid ay isang diyos ng pag-ibig na anak ni Venus, na may kapangyarihang magpaibig ng sino man.
    Inilihim niya ang kanyang tunay itsura at katauhan sa kanyang asawa ngunit, siya ay magpamahal na asawa kay Pysche.
    Handang siyang magsakripisyo para sa pinakamamahal na asawa.

  2. Psyche

    Si Pysche isang mortal at ang pinakamaganda sa tatlong magkakapatid.
    Ang lahat ng kalalakihan ay sinasamba at nahuhumaling sa kanya.
    Siya ay naging immortal din sa huli.
    Siya ay matapang at hindi siya sumusuko sa anumang mga pagsubok na ibinigay sa kanya ni Venus.

  3. Venus

    Si Venus ang ina ni Cupid na isang Dyosa ng kagandahan.
    Siya ay naninibugho, nagseselos, at naiinggit siya sa kagandahan at papuring natatamo ni Psyche.

  4. Apollo

    Si Apollo ang mensahero ng mga diyos.
    Ang ama ni Psyche ay sa kanya humingi ng tulong.
    Siya ang tumulong kay Cupid at sa ama ni Psyche.

  5. Zephyr 

    Si Zephyr ang naghatid kay Psyche sa palasyo at sa mga kapatid nito sa palasyo ni Cupid.
    Siya rin ang tinanyagang hari ng hangin.

  6. Jupiter

    Si Jupiter ay isang hari ng mga diyos at siya rin ang nagbasbas sa kasal nina Cupid at Psyche.
    Siya ang nagpatawag ng pagpupulong sa lahat ng mga diyos.

  7. Dalawang kapatid ni Psyche

    Ang dalawang kapatid ni Psyche na inggit kay Psyche kaya gumawa sila ng plano laban kay Psyche.

  8. Proserpine

    Sa kanya kailangang humingi ni Pysche ng kahon ng kagandahan na utos naman ni Venus.

  9. Amang hari ni Psyche 

    Siya ang ama ni Psyche na pumunta kay Apollo upang humingi ng payo para sa kanyang anak.

Sino ang may akda ng Cupid at Psyche?

Narito ang pagkilala sa may akda ng cupid at psyche

Ang “Cupid at Psyche” ay isang kuwento na orihinal na mula sa Metamorphoses. Isinulat ito ni Lucius Apuleius Madaurensis noong ikalawang siglo. Isinalin ito ni Edith Hamilton sa wikang Ingles at isinalin naman ni Vilma C. Ambat sa wikang Filipino.

Ang kwento nina Cupid at Psyche ay nagmula sa Roma, ito ay isang uri ng panitikan na kwentong mitolohikal.

Mga aral sa Cupid at Psyche

Narito ang mga aral sa kwentong Cupid at Psyche story.

  • Ang pagkakaroon ng tiwala sa isat-isa ang pinaka importanteng parte ng pagmamahalan at sa isang relasyon.
  • Palaging tatandaan na ang tagumpay o kasiyahan ay nagmula sa paghihirap, hindi mo ito makukuha ng agad-agad.
  • Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang magsakripisyo makita lamang ang kaligayahan niya. Katulad na lamang ng ginawa ni Cupid kay Psyche, pinayagan niya itong makita ang kanyang mga kapatid kahit labag ito sa kanyang kalooban.
  • Maging matatag sa hamon ng buhay at huwag sumuko kaagad. Kagaya nina Cupid at Psyche, marami man silang pagsubok na pinagdaanan. Hindi sila natinag hanggang sa nakamit nila ang ninanais na pag-ibig.
  • Panatilihin ang tunay na pag-ibig at huwag maglihim sa iyong karelasyon. Dahil kapag nalaman ang katotohanan tiyak na may masisirang relasyon.
  • Huwag mainggit sa kagandahang mayroon ang ibang tao.
  • Matutung makuntento sa buhay, huwag maghangad ng sobra.
  • Pag-isipan munang mabuti bago magdesisyon.

Konklusyon

Sa paksang ito, ating tinalakay ang tungkol sa pagiibigan nina Cupid at Psyche story Tagalog. Ito ay tungkol sa kanilang pinagdaanan bago nila nakamit ang pag-iibigan na kanilang ninanais.

Ang kwentong ito ay hindi lang tungkol sa pag-ibig, tungkol rin ito sa pagiging matatag at hindi sumusuko sa anumang mga pagsubok sa buhay. At, higit sa lahat ang kwentong ito ay kapupulutan ng mga aral.

Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Cupid At Psyche Tagalog (Buod Ng Cupid At Psyche),” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment