BUGTONG BUGTONG NA MAY SAGOT TAGALOG – Maaliw at tumawa sa kahulugan ng BUGTONG-BUGTONG NA MAY SAGOT at larawan ng mga halimbawa nito. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan kayo ng angkop na paliwanag tungkol sa mga Bugtong Bugtong.

Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa mga halimbawa ng Bugtong Bugtong at mga sagot nito. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa ng mga Bugtong Bugtong na may sagot sa Tagalog.

Bugtong Bugton na may sagot - Bugtong Tagalog
Bugtong Bugton na may sagot – Bugtong Tagalog

Ano ang kahulugan ng Bugtong Bugtong?

Ang Bugtong o “riddle” sa salitang Ingles ay kilala din sa salitang pahulaan o patuturan. Ito ay isang parirala o pangungusap na may nakatagong kahulugan na dapat malutas bilang palaisipan.

Ginagamit ang mga bugtong upang mahasa ang kaisipan na aspeto ng isang tao. Ang mga halimbawa at basehan nito ay sumasalamin sa pag-uugali at pamumuhay nga mga katutubong kapaligiran nga mga Pilipino araw araw.

Mga Halimbawa ng Bugtong Bugtong na may Sagot Sa Tagalog

Time needed: 3 minutes.

Narito ang mga halimbawa ng mga Bugtong Bugtong na may sagot Tagalog.

  1. Tumingin ka sa akin, ang makikita mo’y ikaw din.

    Sagot: Salamin o “Mirror”

  2. Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay.

    Sagot: Ilaw o “Lamp”

  3. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo parin makita.

    Sagot: Tainga

  4. May kamay walang paa, may mukha walang mata.

    Sagot: Orasan o “Clock”

  5. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

    Sagot: Kulambo o “Mosquito Net”

  6. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

    Sagot: Basket

  7. Hindi pari, hindi hari, nadadamit ng sari-sari.

    Sagot: Paru-paru o “Butterfly”

  8. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.

    Sagot: Payong o “Umbrella”

  9. Pagkagat ng madiin, naiwan ang ngipin.

    Sagot: Stapler

  10. Narito na si Katot, may dala-dalang Kubo.

    Sagot: Pagong o “Turtle”

  11. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

    Sagot: Damit

  12. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.

    Sagot: Pako o “Nails”

  13. Pinilt na mabili, saka ipinambigti.

    Sagot: Kurbata o “Necktie”

  14. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

    Sagot: Bayabas o “Guava”

  15. Kung kailan ko pinatay, saka pa humaba ang buhay.

    Sagot: Kandila o “Candle”

  16. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.

    Sagot: Sapatos

  17. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

    Sagot: Kubyertos

  18. Bahay ni Mang Kulas, nang magiba’y tumaas.

    Sagot: Payong

  19. May bibig walang panga, may tiyan walang bituka; may suso walang gatas, may puwit walang butas.

    Sagot: Bayong

  20. Urong sulong, lumalamon.

    Sagot: Lagari

Bugtong Bugtong na may sagot at larawan - Ampalaya
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan – Ampalaya

Bugtong Bugtong Na May Sagot Tungkol Sa Gulay

  • Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
    • Sagot: Kalabasa
  • Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
    • Sagot: Ampalaya
  • Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
    • Sagot: Sili
  • Sinampal ko muna bago inalok.
    • Sagot: Sampalok
  • Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
    • Sagot: Sitaw
  • Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
    • Sagot: Talong
  • Munting tampipi, puno ng salapi.
    • Sagot: Sili
  • Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
    • Sagot: Dahon ng gabi
  • Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may bunga.
    • Sagot: Puno ng Kamyas
  • Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
    • Sagot: Sili
  • Paruparo noong maliit pa, bulate nang tumanda na.
    • Sagot: Sitaw
  • Gulay na may arte ang porma, berdeng buhok tinirintas sa umaga.
    • Sagot: Sigarilyas
  • Kangkong, reyna kangkong, matulis ang dahon ang bunga ay dupong.
    • Sagot: Talong
  • Ikaw na humihiwa-hiwa ay siya pang lumuluha.
    • Sagot: Sibuyas
  • Maganda kong senyorita, susun-suson ang saya.
    • Sagot: Puso ng saging
  • Bahay ng anluwagi, Iisa ang haligi.
    • Sagot: Kabute
  •  Habang aking hinihiwa, ako ay pinaluluha.
    • Sagot: Sibuyas
  • Munggo ito na ipinunla sa taniman, naging puno itong walang dahong malalabay.
    • Sagot: Toge
  • Mapait na bahagi ito, sa kamoteng kinakain mo.
    • Sagot: Ulalo
  • Sisidlan ni Mang Bastian, nangingintab sa kabuuan
    Kulay niya ay luntian, sa balag ay nagtatabaan.
    • Sagot: Upo
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan - Aso
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan – Aso

Bugtong Bugtong Na May Sagot Tungkol Sa Prutas

  1. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
    Sagot: Santol
  2. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
    Sagot: Saging
  3. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
    Sagot: Balimbing
  4. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
    Sagot: Kasoy
  5. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
    Sagot: Atis
  6. Isang tabo, laman ay pako.
    Sagot: Suha
  7. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
    Sagot: Dahon ng saging
  8. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
    Sagot: Mais
  9. Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
    Sagot: Papaya
  10. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
    Sagot: Puno ng Siniguelas
  11. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
    Sagot: Niyog
  12. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
    Sagot: Langka
  13. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
    Sagot: Bayabas
  14. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
    Sagot: Duhat
  15. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
    Sagot: Saging
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan - Kubyertos
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan – Kubyertos

Bugtong Bugtong Na may Sagot Tungkol Sa Hayop

  1. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
    Sagot: Kuliglig
  2. Kahoy ko sa Marigundong, sumasanga’y walang dahon.
    Sagot: Sungay ng Usa
  3. Bahay ng aluwagi, iisa ang haligi.
    Sagot: Bahay ng Kalapati
  4. Usbong ng usbong, hindi naman nagdadahon.
    Sagot: Sungay ng Usa
  5. Isang bahay na bato, ang takip ay bilao.
    Sagot: Suso (snail)
  6. Pagmunti’y may buntot, paglaki ay punggok.
    Sagot: Palaka
  7. Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.
    Sagot: Bibe
  8. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
    Sagot: Paruparo
  9. Aling bagay sa mundo, ang inilalakad ay ulo?
    Sagot: Suso (snail)
  10. Matanda na ang nuno di pa naliligo
    Sagot: Pusa
  11. Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay.
    Sagot: Pusa
  12. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
    Sagot: Gamu-gamo
  13. Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
    Sagot: Aso
  14. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore.
    Sagot: Langgam
  15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
    Sagot: Palaka
Bugtong Bugtong na may sagot at larawan - NIYOG
Bugtong Bugtong na may sagot at larawan – NIYOG

Bugtong Bugtong Na may Sagot Tungkol Sa Bagay

  1. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
    Sagot: Gunting
  2. Buto’t-balat, lumilipad.
    Sagot: Saranggola
  3. Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman.
    Sagot: Kabaong
  4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
    Sagot: Ilaw
  5. Sa umaga ay nagtataboy, sa gabi ay nag-aampon.
    Sagot: Bahay
  6. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
    Sagot: Pako
  7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
    Sagot: Zipper
  8. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
    Sagot: Sumbrero
  9. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
    Sagot: Kamiseta
  10. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
    Sagot: Kamiseta
  11. Isang uhay na palay, sikip sa buong bahay.
    Sagot: Lampara
  12. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
    Sagot: Baril
  13. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
    Sagot: Posporo
  14. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
    Sagot: Sandok
  15. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
    Sagot: Batya
Bugtong Bugtong na may sagot at larawan - Palaka
Bugtong Bugtong na may sagot at larawan – Palaka

Bugtong Bugtong Na may Sagot Tungkol Sa Bagay

  1. Munting bundok, hindi madampot.
    Sagot: Tae
  2. Isang bayabas, pito ang butas.
    Sagot: Mukha
  3. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
    Sagot: Ngipin
  4. Dalawang libing, laging may hangin.
    Sagot: Ilong
  5. Mayroon akong gatang, hindi ko matingnan.
    Sagot: Leeg
  6. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
    Sagot: Suso ng Ina
  7. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
    Sagot: Ngipin
  8. Tubig na pinagpala walang makakuha kundi munting bata.
    Sagot: Gatas ng Ina
  9. Limang magkakapatid, iisa and dibdib.
    Sagot: Kamay
    Tatal na munti panggamot sa kati.
    Sagot: Kuko
  10. Dahon ng pindapinda magsinlapad ang dalawa.
    Sagot: Tenga
  11. Isang bundok hindi makita ang tuktok.
    Sagot: Noo
  12. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
    Sagot: Mga mata
  13. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
    Sagot: Mga paa
  14. Nakatago na, nababasa pa.
    Sagot: Dila
  15. Limang magkakapatid, tigi-tig-isa ng silid.
    Sagot: Kuko
Bugtong na may sagot at larawan - Paru-paru
Bugtong na may sagot at larawan – Paru-paru

Bugtong Bugtong Na may Sagot Tungkol Sa Pagkain

  1. Mga isdang nagsisiksikan sa latang kanilang tirahan.
    Sagot: Sardinas
  2. Pritong saging sa kalan, lumutong pagkat dinamitan.
    Sagot: Turon
  3. Maputing parang kanin siya,dahon ng saging idinamit sa kanya.
    Sagot: Suman
  4. Bayabas ko sa tabing bahay, ang bunga’y walang tangkay.
    Sagot: Itlog
  5. Maputing-maputing parang Chinita, pag pinakuluan sa mantika ay namumula.
    Sagot: Tokwa
  6. Malambot na kalamay na may katamisan, malinamnam at gawang Kapampangan.
    Sagot: Tamales
  7. Karaniwang dinikdik itong baka na kapag ipinirito ay katakam-takam na.
    Sagot: Tapa
  8. Pagbali-baliktarin man din, may butas pa rin.
    Sagot: Donat
  9. Sa mantika ay nagpuputukan, balat ay naglulutungan.
    Sagot: Tsitsaron
  10. Gatas na inasukalan, selopeyn ang pinagbalutan.
    Sagot: Yema
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan - saging
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan – saging

Bugtong Bugtong Na may Sagot Tungkol Sa Kalikasan

  1. Kung saan masikip, doon nagsisiksik.
    Sagot: Labong ng Kawayan
  2. Mananayaw na puti ang kasuotan, nagpapabulaklak sa manggahan.
    Sagot: Siga
  3. Nagsabog ako ng binlid, pagka-umaga ay napalis.
    Sagot: Bituin
  4. Buhos ng tubig na umaagos sa kaitaasan, tumatalon sa ilug-ilugan.
    Sagot: Talon
  5. Baka ko sa Maynila, abot dito ang unga.
    Sagot: Kulog
  6. Lupa, tubig at kalawakan, tirahan ng sangkatauhan.
    Sagot: Daigdig
  7. Buhok ng pari, hindi mahawi.
    Sagot: Tubig
  8. Handog ito ng kalikasan, luha raw ng kalangitan.
    Sagot: Tubig
  9. Ito ay napagsasalaminan, huwag lang kayong maggagalawan.
    Sagot: Tubig
  10. Kung pagod ka at pawisan, nanunuyo ang lalamunan, ito ang kinakailangan.
    Sagot: Tubig
  11. Nang hinawakan ko ay namatay, nang iniwan ko ay nabuhay.
    Sagot: Makahiya
  12. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
    Sagot: Buwan
  13. Kakalat-kalat, natisud-tisod, ngunit kapag tinipon, matibay ang muog.
    Sagot: Bato
  14. Hindi hayop, hindi hunghang, lumuluha ang abutan.
    Sagot: Usok
  15. Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
    Sagot: Hagdanan
  16. Problemang pangkalikasan, naghahatid ng maramihang kamatayan sa hayop man o sa halaman.
    Sagot: Salot
  17. Baston ni Adan, hindi mabilang-bilang.
    Sagot: Ulan
  18. Kristal na buhok ni Adan, di mabilang-bilang.
    Sagot: Ulan
  19. Puting baston ni Impo, di masapu-sapo.
    Sagot: Ulan
  20. Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba.
    Sagot: Bahaghari
  21. Hindi akin, hindi iyo, pagmamay-ari ng lahat ng tao.
    Sagot: Mundo
  22. Sangay-sangay na tubig, kung tawiri’y dapat kapit-bisig.
    Sagot: Ilog
  23. Bulak na bibitin-bitin, di pwedeng balutin.
    Sagot: Ulap
  24. Kung sa ilan ay walang kwenta, sa gusali ay mahalaga.
    Sagot: Bato
  25. Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
    Sagot: Hagdanan
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan - SILI
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan – SILI

Mga Bugtong Bugtong Na Mahirap Sagutin

Mga bugtong bugtong na may sagot at larawan - tenga
Mga bugtong bugtong na may sagot at larawan – tenga
  1. Di dapat na kulangin, di rin dapat pasobrahin.
    Sagot: Sapat
  2. Kung may ditche at diko sa sambahayan, kapartner nito ang sanse sa tahanan.
    Sagot: Sangko
  3. Barong itinatapis lamang, maaaring gawing pormal na kasuotan.Thailand ang pinanggalingan.
    Sagot: Sarong
  4. Hindi ka pa gaanong nilalagnat, sakit ay di pa ganap.
    Sagot: Sinat
  5. Maitim na puwit, tangkay ay nakakabit.
    Sagot: Sungot
  6. Nang bata pa ay apat ang paa. Nang lumaki ay dalawa. Nang tumanda ay tatlo na.
    Sagot: Tao
  7. Masakit na pag-iktad ng kumukulong mantika, kapag may pinipiritong isda.
    Sagot: Tilamsik
  8. Kinatog ko ang bangka,, nagsilapit ang mga isda.
    Sagot: Batingaw
  9. Hindi pa natatalupa’y, nanganganinag na ang laman.
    Sagot: Kamatsile
  10. Kung mahiga ay patagilid, kung nakatayo ay patiwarik.
    Sagot: Gulok / Itak
  11. May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. Buhok ng pari, hindi mahawi.
    Sagot: Kumpisalan
  12. Lumalakad nang walang paa, maingay paglapit niya.
    Sagot: Alon
  13. Nang munti pa ay may tapis, nang lumaki ay nabulislis.
    Sagot: Kawayan
  14. Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo.
    Sagot: Pangalan
  15. Maaari mong makita ako sa tubig, ngunit hindi ako basa.
    Sagot: Panganganinag (reflection)
  16. Lupa ni Mang Juan, kung sinu-sino ang dumadaan.
    Sagot: Kalsada
  17. Pitak-pitak, silid-silid, pinto man ay di masilip.
    Sagot: Kawayan
  18. Sundalong Negro, nakatayo sa kanto.
    Sagot: Poste
  19. Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi’t walang kasimbaho; bakit mahal nati’t ipinakatatago.
    Sagot: Salapi o Pera
  20. Nang hinawakan ko ay namatay, nang iniwan ko ay nabuhay.
    Sagot: Makahiya
  21. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
    Sagot: Buwan
  22. Kakalat-kalat, natisud-tisod, ngunit kapag tinipon, matibay ang muog.
    Sagot: Bato
  23. Patung-patong na sisidlan, may takip ay walang laman.
    Sagot: Kawayan
  24. Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis.
    Sagot: Palay
  25. Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba.
    Sagot: Bahaghari
  26. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Wala pa ang giyera, wagayway na ang bandera.
    Sagot: Dahon ng Saging
  27. Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan.
    Sagot: Puno ng saging
  28. Tatlong hukom, kung wala ang isa’y hindi makakahatol.
    Sagot: Apog, ikmo at bunga
  29. Modelo sa katauhan, tinitingala ng kalahatan.
    Sagot: Uliran
  30. Kapag bumabaha sa paliguan, mga liyabi ay kanyang tangan-tangan.
    Sagot: Tubero
  31. Tunog sa lalamunan, inumin ang kailangan.
    Sagot: Sinok
  32. Masakit na pag-iktad ng kumukulong mantika, kapag may pinipiritong isda.
    Sagot: Tilamsik
  33. Kinatog ko ang bangka, nagsilapit ang mga isda.
    Sagot: Batingaw
  34. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
    Sagot: Zipper
  35. Sa umaga ay nagtataboy, sa gabi ay nag-aampon.
    Sagot: Bahay
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan - sumbrero
Mga Bugtong Bugtong na may sagot at larawan – sumbrero

Konklusyon

At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling Bugtong Bugtong na may sagot at larawan ng mga halimbawa Tagalog sa inyu. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko ay maaari kayong bumisita sa aming websyt.

Karagdagang Topiko at Aralin:

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment