KATANGIAN NG WIKA – Sa araling ito, ang ating pagtutuunan ng pansin ay kung ano ano ang mga katangian ng gamit ng wika. Bilang isang mag-aaral at mamamayang Pilipino mahalagang malaman natin ang mga katangian ng sarili nating wika.
Handa ka bang matutu at linangin ang iyong kaalaman? Sapagkat, ngayong araw may bago na naman tayong matutunan ukol sa kung ano ang mga katangian ng wika. Tiyak na hindi niyo pa alam kaya nandito ka sa artikulong ito. Kung kaya tara na!

Bago tayo dumako sa mga katangin ng wika. Atin munang balikan ang kahulugan ng wika upang inyu munang maunawaang mabuti kung ano ito.
Ano ang kahulugan ng wika?
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon o na ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa araw-araw. Ang wika ay nagbabago sa isang partikular na lugar.
Dagdag pa rito, ito ay isang kalipunan ng mga signo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang gustong iparating ng kaisipan.
Ngayon, atin ng simulang alamin ang mga katangian ng wika at ang mga kahuluga nito.
Mga Katangian ng Wika
Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng wika at ang kahulugan. Sa pagsasaliksik ng mga ito, natuklasan na ang wika ay nabuo sa sistematikong pamamaraan.
1. Ang wika ay malikhain.
Ang wika ay malikhain, sapagkat ang anumang wika ay may kakayahang na makabuo ng walang katapusang bilang ng pangungusap. Gayun pa man, ang wika ay may taglay na tuntunin upang makabuo ng mga salita, parirala, at pangungusap.
Heto ang ilan sa mga halimbawa:
- Tapsilog
- Jologs
- Erpat
- Amboy
- Syota
- Bagets
- Yosi
- Na 1-2-3
- Astig
- KSP
- Bakal boy
Iyan ay ilan lamang sa mga nalikhang mga salita na sa kasalukuyan ay ginagamit ng mga Pilipino lalong-lalo na ang mga bagong generasyon na mga kabataan.
2. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon.
Sa simula palang alam na natin na ang wika ay ginagamit sa komunikasyon, sapagkat ginagamit ang wika sa pakikipagtalastasan. Ang wika ay kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao. Sa paraang ito, kanilang naipapahayag ang kanilang mga pangangailangan, saloobin, damdamin, kaisipan ng isang tao sa lahat ng pagkakataon.
Wika ang ang nagbibigkis sa mga tao upang magkaisa at nagsisilbing pandikit sa mga mamamayan upang magsama-sama patungo sa pagkakaisa.
3. Ang wika ay binubuo ng makahulugang tunog.
Ang wika ay makahulugang tunog, sapagkat binubuo ito ng mga magkakasunod-sunod na tunog upang makalikha o makabuo ng isang buong salita. Napakaraming tunog sa ating kapaligiran na makahulugan subalit, hindi lahat ay matatawag na wika.
Katulad na lamang ng alarma ng orasan, kulog sa kalangitan, wang-wang ng ambulansiya, lagaslas ng tubig sa ilog, at marami pang ibang tunog na hindi maituturing na wika.
4. Ang wika ay masistemang balangkas.
Ang wika ay masistemang balangkas, sapagkat nakaayos ang mga tunog nito sa sistematikong pamamaraan upang makabuo ng makabuluhang pangungusap, parirala, at salita.
Sa ganitong pamamaraan ay nagiging mabisa ang pag-uusap at komunikasyon dahil sa pagsasaayos ng mga letra at mga salita. Ito ay may sinusunod na mga hakbang nang sa gayon ay makalikha ng mga salitang na pweding gamitin sa parirala, talata. at mga pangugusap.
Heto ang ilang halimbawa:
1. UJNA SORLAC
Sa halimbawang ito, maaari tayong makabuo ng JUAN CARLOS ayon sa mga titik.
2. Mabait masipag maganda dalaga hinahangaan Danica
Sa ikalawang halimbawa na ito, maari tayong makabuo ng pangungusap na “Mabait, masipag, at maganda ang dalagang si Danica kaya maraming humahanga sa kanya. Maari ring si Danica ay hinahanggaan sapagkat isa siyang mabait, masipag, at magandang dalaga.
5. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
Simula noon hanggang sa ngayon, ang wika ay nakabatay sa kultura, sapagkat taglay ng wika ang kulturang pinagmulan katulad ng panitikan, paniniwala, kaugalian, karunungan, at sining.
Gayunpaman, ginagamit ang wika sa patuloy na paglago ng kultura ng pamayanan at ng isang bansa. Sa kultura makikita ang tradisyon, at pamumuhay ng tao.
Halimbawa, ang mga pista o fiesta, mga pagkain, pananamit, tuno ng pananalita, ay nagsisilbing tanda ng isang lugar. Madaling malaman ang wika ng isang lugar base sa kanilang pagkakakilanlan.
Heto ang ilang halimbawa:
- Ang salitang hiligaynon at cebuano na “gwapa” o maganda sa tagalog ay madaling makikilala na ito ay nagmula sa Bacolod, Negros, Ilo-ilo, at Cebu.
- Ang MASSKARA FESTIVAL ay naging tanyag sa buong Pilipinas kahit hindi naman lahat ay nagsasalita ng wikang Hiligaynon.
- Dahil sa mga pagkain tulad ng adobo, balut, at lechon ang nagiging daan sa mga dayuhang pumupunta sa ating bansa at upang makilala ang Pilipinas sa buong mundo
6. Ang wika ay arbitraryo.
Ang wika ay arbitraryo, sapagkat ang wika ay mula sa pagkakasundo o napagkasunduan ng mga mamamayan sa isang lugar kung ano ang kanilang wikang gagamitin. Halimbawa, ang wikang Hiligaynon ay pinili at isinaayos para gamitin ng mga Ilonggo.
Ang mga tunog na binibigkas ay pinili at isinaayos para sa mga layunin ng mga gumagamit. Gayundin ang Mandarin ng Instik, Hangul ng Korean, Arabic ng Arabyano, at iba pang wika ng sangkalupaan.
7. Ang wika ay pantao.
Ginagamit ito ng tao sa pakikipag-usap o pakikipagkomunikasyon sa ibang tao. Ang wika ay literal na pantao, sapagkat pag-aari ng mga tao ang wika. Marahil ang tao mismo ang lumikha at gumagamit ng wika.
8. Ang wika ay natatangi.
Ang wika ay natatangi, sapagkat ang bawat wika ay may kaibahan at ang bawat wika ay mayroong sariling sistemang sinusunod tulad ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan.
Dagdag pa rito, ang bawat wika ay may sariling set ng tunog, yunit ng gramatika, at sistema ng palaugnayan. Bawat wika ay mayroong katangiang naiiba sa ibang wika.
Maaring sabihin na mayroong wika na magkahawig sapagkat mayroon itong mga sistema ng mga tunog, pagbubuo ng salita, at pag-uugnay ng pangungusap. Subalit, laging pakakatandaan na ang bawat wika ay sadyang katangi-tangi.
9. Ang wika ay ginagamit sa pang-araw-araw.
Ang wika ay ginagamit sa pang-araw-araw, sapagkat ito ay isang instrumento sa komunikasyon sa ibang tao sa pang-araw-araw na pamumuhay.
10. Ang wika ay dinamiko o daynamiko.
Ang wika ay dinamiko o daynamiko, sapagkat ito ay patuloy na nagbabago marahil sa mabilis na pagbabago ng panahon at pamumuhay ng mga tao dulot ng agham at teknolohiya. Sa paglipas ng mga panahon at mga henerasyon, ito ang dahilan kaya ang wika ay patuloy ang pagbabago.
Noon ang mga salita ay mas matatalinghaga at mas kagalang-galang na pakinggan ang makaluma o tradisyonal na uri ng pagsasalita ng mga tao. Samantala, sa makabagong panahon lalong lumawak ang bokabularyo ng mga tao dahil sa mga makabagong ideyang nabubuksan at natutuklasan sa pagbabago ng henerasyon.
Heto ang ilang halimbawa:
Salita | Lumang kahulugan | Makabagong kahuluigan |
---|---|---|
Tablet | Ito ay isang uri ng gamot na tinatawag na tableta. | Ito ay isang kagamitan o device na mas malaki kumpara sa cellphone. |
Windows | Ito ang tawag sa bakod ng bahay o tinatawag na dingding. | Ito ang tawag sa OS o Operating system ng kompyuter. |
Ang wika ay buhay at ang patunay nito ay ang patuloy na paglawak ng wika. May mga salitang nawawala at may mga salitang nalilikha. Kagaya na lamang ng kompyuter, teks, gimik, charot, lafang, epal, at marami pang iba.
11. Ang wika ay makapangyarihan
Makapagyarihan ang wika, sapagkat ito ang ating ginagamit sa pakikipag-usap sa ibat-ibang uri ng tao. Sa paraang pagsasalita o pagsusulat ay kayang tuligsain nag mga masasamang gawi ng isang tao.
Heto ang ilang halimbawa:
- 1. Ang pagsusulat ni Dr. Jose Rizal ng kanyang mga hinaing laban sa pananakop ng mga Kastila sapagkat ang mga kapwa niya Pilipino ay kaawa-awang sitwasyon ang nararanasan. Kung kaya pagsulat ng librong “Noli Me Tangere” at “El Filibusteresmo” ang kanyang naisip na paraan upang maghimagsik.
- 2. Sa makabagong panahon, ang paglabas ng mga hanaing sa social media ay isang halimbawa ng makapangyarihang wika. Sapagkat, mabilis kumalat ang balita at makarating sa kung kanino man patungkol ang iyong mga hinaing.
- 3. Ang ginawang pagprotesta ng mga militanteng grupo na sumisigaw at maraming bitbit o dala-dalang karatula na may kaakibat ng mga salita o mensaha laban sa gobyerno.
12. Ang wika ay kagilas-gilas
Ang wika ay kagilas-gilas, sapagkat may mga salitang mahirap ipaliwanag. Katulad na lamang ng eggplant – may itlog nga ba sa gulay na ito? Ang dahilan kung bakit ito tinawag na eggplant ay dahil ang bunga raw ng tanim na ito ay kagaya ng hugis itlog.
Konklusyon
Sa araling ito, inyung natunghayan at napag-aralan ang tungkol sa kung ano ang mga katangian ng wika. Mayroon din kaming inilakap na halimbawa upang mas mabilis ninyung maunawaan at maiintindihan. Tiyak na makakatulong ang paksang ito sa iyong aralin sa Filipino at sa paglinang ng iyong kaalaman.
Sana ay marami kayong natutunan sa ating talakayan ngayong araw. Sinisigurado namin na kayo ay aming mabigyan ng kasagutan sa bawat tanong ukol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.
Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.
Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyung pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ano Ang Katangian Ng Wika At Kahulugan Nito?,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang Aralin sa Filipino
- Anadiplosis Halimbawa At Ang Kahulugan Nito
- Empanodos Kahulugan At Mga Halimbawa Nito
- Ano Ang Anapora At Katapora Halimbawa At Pagkakaiba?
- Kahulugan Ng Wika, Antas, Katangian, At Kahalagahan
- Ano Ang Mga Antas Ng Wika At Halimbawa?
We are Proud Pinoy.