Ano Ang Taludturan, Uri, At Mga Halimbawa Nito

TALUDTURAN – Sa paksang ito, ating sasagutin ang inyung mga katanungan, kung ano nga ba ang kahulugan ng taludturan. Ano ang uri at ang mga halimbawa nito na kailangan ninyong malaman at matutunan.

Linangin natin ang inyong mga kaalaman sa pamamagitan ng artikulong ito. Basahin at intindihing mabuti ang bawat detalye na aming inilagay. Halina’t tunghayan sa ibaba ang tungkol sa taludturan kahulugan, uri, at ang mga halimbawa nito.

Ano Ang Taludturan, Uri, At Mga Halimbawa Nito
Ano Ang Taludturan, Uri, At Mga Halimbawa Nito

Ngayon, atin ng talakayin ang taludturan kahulugan, uri, at ang mga halimbawa nito. Unawain at intindihin ng mabuti ang mga detalyeng inyung mababasa.

Ano ang Taludturan?

Ang taludturan o tinatawag na “stanza” sa Ingles, ito ay tumutukoy sa saknong na karaniwang makikita sa mga tula, kanta o mga awitin. Ito ang tawag sa mga saknong na nasa pangungusap na may bilang na tatlo hanggang lima.

Samantala, mayroon din namang gumagamit ng (6) anim hanggang (8) walong na taludtod. Ngunit, pakakatandaan na mayroong taludturanng hindi naglilimita o tinatawag na malaya.

Halimbawa

Ang larawang nasa ibaba ay isang halimbawa ng taludturan na isinulat ni Jose Corazon de Jesus.

halimbawa ng taludturan

Uri ng Taludturan

Narito ang (3) tatlong uri ng taludturan at ang kanilang kahulugan.

✔ Tradisyunal

Ang tradisyunal ay isang halimbawa ng taludtod na may suka at tugma. Ito ay tinawag na tradisyunal sapagkat nakasanayan ito ng mga makata at maganda pakinggan ang mga tugma.

Ang huling salita o pantig ng bawat taludtod ay magkasing tunog at may tiyak na bilang. Nagiging mas makulay ang Pangngusap o palaisipan kapag ginagamit ang halimbawang ito.

Halimbawa ng Tradisyunal na Taludturan:
Dahil sa aking pagsisikap
Daling naabot aking pangarap
Kaya ika’y wag nang malumbay
Buhay magiging matiwasay

✔ Malayang Taludturan

Hindi ito katulad sa tradisyunal na halimbawa, Ito ay walang sukat at walang tugma. Tinatawag itong malayang taludturan dahil malaya ang makata sa pagpahayag ng kanyang kaisipan.

Ngunit hindi ibig sabihin na dahil sa walang tugma at sukat ang taludturang ito ay hindi na maganda basahin o pakinggan. Ang bawat ideya ng mga tula ay nabibigyan pa din kulay depende sa kaisipan ng isang makata.

Blangko Verso

Ito ang halimbawa ng taludturan na may sukat ngunit walang tugma. Ang blangko verso ay berson ng tula na basehan ng mga pantig sa bawat taludtod.

Gayunman ay maganda pa rin ang taludturang ito dahil tulad ng malayang taludturan ay nakabase ang tula sa kaisipan ng isang makata. Ang pagiging malikhain ng makata ay nagbibigay kulay sa tula.

Ano ang Malayang Taludturan?

Ang malayang taludturan ay walang sinusunod na sukat o bilang ng pantig. Bukod rito, wala rin itong tugma o sintunog. Ibig sabihin, malayang maipahayag ng makata ang kanyang masidhing damdamin, kaisipan at mga saloobin.

Ito ang madalas ginagamit ng mga makata sa kanilang mga tula. Dagdag pa rito, ito ay tinatawag na “free verse poetry,” ito rin ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla.

Halimbawa ng Malayang Taludturan

“Lupa”

isinulat ni Manuel Principe Bautista

Lupa, narito ang lupa!

ikaw ay dumakot sa nakalahad mong palad

na makapal ay iyong timbangin at madarama

mo ang buong sinukob. diyan nakatanim ang

ugat ng buhay; umusbong sa patak ng masinsing

ulan. batis ay dumaloy na tulad ng ahas

na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok. ang

halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang

sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw

sa maraming mata ang magandang tampok.

nag-iwan ng sugat ang maraming daan.

dunong ay nanaig, nabuksan ang dibdib,

gaputok mang daing ay di mo naringgan.

ang pasalubong pa’y malugod na bating —

“tuloy, kabihasnan!”

lupa, narito ang lupa!

Konklusyon

Ngayon ay alam mo na ang ibig sabihin o kahulugan ng taludturan, uri, at ang mga halimbawa nito. Ito ay tumutukoy sa saknong na karaniwang makikita sa mga tula, kanta o mga awitin.

Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Taludturan, Uri, At Mga Halimbawa Nito,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment