ANO ANG PARABULA – Sa araling ito ay ipinapahayag kung ano ang kahulugan ng PARABULA at mga halimbawa nito sa Tagalog. Ang pahayag na ito ay binuo upang mabigyan ng angkop na paliwanag ang tungkol sa mga Parabula.
Ang paksang ito ay ginawa nang matuklasan ang tunay na kaisipan tungkol sa mga parabula na nagmula sa Bibliya. Sa pagbasa ng nilalaman ng araling ito ay inyo ring matutuklasan ang mga halimbawa ng mga Parabula mula sa kasulatan nga Diyos.
Ano ang Kahulugan ng Parabula?
Ang salitang parabula o “parable” sa Ingles ay paghahambing. Ito ay mga kwento na makalupang pagsulat ngunit may makalangit na kahulugan. Ang mga nilalaman ng mga parabola ay nagmula sa sulat ng Diyo na pumupuna sa mga masamang katangian ng tao. Ito ay hindi lamang kwento ngunit nagbibigay aral din at maatagpuan sa bibliya na nakakapagturo ng mga magagandang asal at ispiritwal.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “parabole” na ang ibig sabihin ay pagkukumpara. Ang mga kwentong parabula ay galing sa Panginoon at nagbibigay pangaral sa sangkatauhan.

Halimbawa ng Parabula
Time needed: 3 minutes.
Narito ang mga Halimbawa ng Parabula na nagmula sa Bibliya.
- Ang Alibughang Anak
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang ama na may dalawang anak. Ito ay kapupulutan ng mga magagandang aral na malalim na kahulugan at magagamit natin sa ating pamumuhay. Magiging pangaral ang kwentong ito para sa anak at mga magulang.
- Parabula ng Sampung Dalaga
Ito ay tungkol sa sampung dalaga na ikakasal at kailangan nilang maghanda para sa paparating na mapapangasawa nila. Nang dumating ang kanilang mapapangasawa ay ang limang dalaga lamang ang nakahanda at ang iba ay hindi. Ang kwentong ito ay pangaral sa atin na kailangan huwag pabayaan ang ating mga obligasyon sa ating Panginoon. Hindi lamang ito para sa pangaral ngunit ito rin ay paalala sa atin na maging handa sa maaring dumating na mga pangyayari sa ating buhay.
- Ang Mabuting Samaritano
Ang mabuting Samaritano ay kwento tungkol sa isang tao na may busilak na puso para isang sugatang tao sa daan. Tinulungan nya ito at ginamot, pinatuloy sa isang tahanan para makakain at magpagaling. Siya din ang nagbigay nga para sa pampagamot ng taong sugatan.
Ang kwentong ito ay pangaral para sa lahat na tumulong sa ating kapwa na ngangailangan. Pagtulong na bukas sa puso at walang pag-iimbot. - Parabula ng Nawawalang Tupa
Isa itong parabula na tungkol sa isang pastol na may isang-daan tupa at nawala yung isa. Nang nawala ang isang tupa ay agad na hinanap ng pastol ang kanyang nawawalang tupa.
Ang kwentong ito ay paalala sa atin bilang mga binabantayan nga Panginoon. Ito rin ay pangaral sa bawat isa na tayo ay may mahalaga sa panginoon at maging sa mga taong nasa paligid. Kayat kaingalangan na pahalagahan rin natin ang ating kapwa at higit na ang Diyos.
Konklusyon
At yan po ang bumubuo ng ating talakayan. Sana ay nakatulong ang araling tungkol sa kung ano ang Parabula at mga halimbawa sa inyu. Para po sa karagdagang kaalaman ninyo sa ating topiko ay maaring ma i-download ang PDF tungkol sa Parabula Kahulugan at Mga Halimbawa.
Karagdagang Topiko at Aralin:
- Anu ang Maikling Kwento Halimbawa at Kahulugan
- Salitang- ugat At Panlapi | Halimbawa at Kahulugan
- Pandiwa Halimbawa at Kahulugan
- Tula Halimbawa at Kahulugan
- Pang-abay Halimbawa at Kahulugan
Pagtatanong
Kung kayo ay may katanungan o suhestyon tungkol sa topiko tungkol sa kun ano ang kahulugan ng Parabula sa Tagalog at mga halimbawa, maari po ninyong itala sa komento.
We are Proud Pinoy!