Ano Ang Pang-uri At Halimbawa Nito

ANO ANG PANG-URI – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang kahulugan (meaning) o ibig sabihin ng pang-uri at halimbawa nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga kahulugan at halimbawa ng pang-uri hanggang sa ngayon.

Sadyang napakalawak at mayaman ang wikang Filipino. Maraming pamantayan sa paggamit nito kaya dapat na pagtuunana natin ng pansin ang mga ito upang mas gumaling tayo sa paggamit ng ating wika.

Ano Ang Pang-uri - Kahulugan At Halimbawa Ng Pang-uri
Ano Ang Pang-uri – Kahulugan At Halimbawa Ng Pang-uri

Ano Ang Pang-uri? (Meaning)

Ang PANG-URI o adjective sa Ingles. Ito ay nagbibigay linaw sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar kilos, oras, pangyayari at iba pa. Isang bahagi ng pananalita ang pang-uri.

Ang kahulugan (meaning) ng pang-uri ay tumutukoy sa salitang nagbibigay turing o deskripsyon sa isang pangngalan o panghalip.

Mga Halimbawa ng Pang-uri

Narito ang mga halimbawa ng pang-uri.

  • Matangkad
  • Maganda
  • Gabi-gabi
  • Mangitim-ngitim
  • Sinungaling
  • Matipuno
  • Malutong
  • Masipag
  • Payat
  • Bilog
  • Tatlong dosena
  • Makukulit
  • Kapwa nakawiwili
  • Maputi
  • Agaw-pansin
  • Sirang-plaka
  • Kamangha-mangha
  • Init
  • Taba
  • Sobrang lambot
  • Bente porsentong
  • Kupas
  • Magsinglaki
  • Di-hamak na mas magara

Time needed: 1 minute.

Narito naman ang mga halimbawa ng pang-uri sa pangungusap batay sa kung ano ang pang-uri.

  1. Si Paul ay matangkad.

  2. Maganda ang sapatos ni Andrea.

  3. Gabi-gabi lumalabas ang mga alitaptap.

  4. Mangitim-ngitim ang leeg ng bata.

  5. Masyadong sinungaling ang mga chismusa sa amin.

  6. Ang manggang binigay sa akin ni ate ay malutong.

  7. Matipuno ang katawan ni Lito.

  8. Si Delia ay masipag na anak.

  9. Payat ang katawan ng bata.

  10. Bilog ang mundo.

  11. Tatlong dosena ng itlog ang inutang ko sa palengke.

  12. Ang mga kaklase q ay makukulit.

  13. Kapwa nakawiwili ang mga alagang aso nina Jane at Sandra.

  14. Si Linda ay maputi.

  15. Agaw-pansin ang damit na suot ni Lyka.

  16. Ang mama ko talaga, parang sirang-plaka, paulit-ulit.

  17. Kamangha-mangha ang sagot ni JR sa tanong kung ano ang pang-uri.

  18. Ang init ng panahon ngayon.

  19. Ang taba mo na ngayon Gelli.

  20. Sobrang lambot ng katawan ni Dana kung sumayaw.

  21. Nakakuha ako ng bente porsentong bawas sa lahat ng aking mga bilihin dahil may pa-promo ngayon ang grocery store sa bayan.

  22. Kupas na ang damit na suot ko, siguro kailangan ko ng bumili ng bago para naman maging presentable akong tingnan.

  23. Ang dinalang kayawan ni Kuya Carl at Kuya Drew ay magsinglaki na tamang-tama naman sa gagawin naming bangko sa labas ng aming bahay.

  24. Ang kotse nina Sophia May ay di-hamak na mas magara kaysa sa mga kotse ng mga kaibigan ko sa paaralan.

  25. Sa aming lahat, si Ann Marie ang pinakamalakas kumain kapag ang ulam ay tuyo at laswa na luto ng Ilonggo naming kaibigan.

  26. Ang naani naming palay sa bukid ay di-masyadong marami kumpara sa naani namin noong isang taon dahil sa malupit na bagyong Narding.

  27. Sadyang kaakit-akit ang mga tanawin sa aming probinsya na talaga namang dinarayu ng mga turista mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

  28. Maaga akong gumigising araw-araw upang pumasok sa aking trabaho at maging produktibo sa aking mga gawain na makatutulong sa aming kompanya.

  29. Ang pakwan na dala ni Ted at George ay magkasingtamis kaya naman napasarap ang kain naming lahat at nabusog ng bongga.

  30. Ang dami-daming dahilan para manatili ka sa amin ngunit bakit pinilit mo paring umalis at sumama sa iba? Hindi ka ba naaawa sa amin?

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa araling ano ang pang-uri, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan (meaning) o ibig sabihin ng pang-uri at mga halimbawa nito. Tandaan, ang pang uri ang naglalarawan o nagbibigay turing sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay maging bagay man, tao, pangyayari at iba pa.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment