Ano Ang Pambansang Sayaw Ng Pilipinas?

PAMBANSANG SAYAW NG PILIPINAS – Sa artikulong ito ay ating alamin kung ano nga ba ang tinaguriang pambansang sayaw sa Pilipinas. At, kung paano nga ba ito isinasayaw ng mga Pilipino sa bansang Pilipinas.

Nawa’y sa patuloy ninyong pagbasa sa mga artikulong kagaya nito ay may mga bago kayong kaalaman na makuha patungkol sa mga pambansang sagisag ng Pilipinas.

Ano Ang Pambansang Sayaw Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Sayaw ng Pilipinas?

Pambansang Sayaw ng Pilipinas

Ang sayaw na cariñosa ay ang itinuring na pambansang sayaw ng Pilipinas. Ito ay nagmula pa sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa at nagmula sa lugar ng Panay Island. Ang salitang cariñosa ay nangangahulugang pagmamahal o mapagmahal.

Ito ay isinasayaw ng dalawang tao, lalaki at babae na kung saan ang dalawang mananayaw na ito ay nagpapakita ng isang magkasintahan sa isang senaryo ng pag-iibigan.

Ang babae sa sayaw na ito ay humahawak ng isang pamaypay at isang panyo, sapagkat ang sayaw na ito ay nakaayon sa babae na si Maria Clara. At dahil ito ay hango kay Maria Clara, ang orihinal na kasuotan ng sayaw na ito ay ang Maria Clara gown at Barong Tagalog.

Samantala, sa kasalukuyan, ang isinusuot ay ang Patadyong Kimona at Camisa De Chino upang ipakita ang nasyonalismo ng pagiging isang Pilipino.

Ang sayaw na cariñosa ay itinuturing na isang opisyal na pambansang sayaw sa bansa ng Pilipinas, ngunit walang batas ang nagtalaga sa kanila bilang ganoon. At noong 2014, ipinakilala ni House Representative Rene Relampagos ang isang panukalang batas sa Kapulungan ng mga Kinatawan upang bigyan ang cariñosa ng ganoong katayuan.

Kahit na walang batas na nagsasabi bilang isang pambansang sayaw ang cariñosa ay wala pa rin itong problema. Sapagkat, ang sayaw na ito ay tinatangkilik na ng bawat Pilipino sa bansang Pilipinas.

Pagsayaw ng Pambansang Sayaw ng Pilipinas

Ang pambansang sayaw na cariñosa ay nagpapakita ng matinding emosyon o damdamin para sa taong kinahuhumalingan ng isang tao. Sa pagsayaw nito ay kailangan ng dalawang tao, isang babae at isang lalaki.

Dagdag pa riyan, sa sayaw na ito, ating makikita na ang babaeng mananayaw na nakahawak sa kanyang panyo at pamaypay na nakatabon sa kanyang mukha na para bang siya ay naglalaro ng tagu-taguan sa binata habang sumasayaw gamit ang kanyang pamaypay.

At ang lalaking mananayaw naman ay sumasayaw at unti-unting lumalapit sa dalaga habang nakatingin sa mga mata nito. At base sa mga galaw na ito, ating masasabi na ang pambansang sayaw na cariñosa ay naglalaman ng matinding emosyong pag-ibig ng dalawang tao. Ito ay kung saan ating makikita na ang parehong mananayaw ay nagpapakita ng pasinta sa isa’t-isa.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ay ating masasabi ng ang cariñosa ay parte na ng kultura ng mga Pilipino. Sapagkat, ito ay nagmula pa sa panahon ng mga Espanyol. At sa sayaw na ito, ating makikita kung paano nga ba mag-ibigan ng dahan-dahan ang mga ninunong Pilipino sa kanilang panahon noon.

Kaya’t bilang Pilipino ay pangalagaan natin ang ating pambansang sayaw upang ito ay hindi tuluyang mawala o lamunin ng panahon.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment