Ano Ang Pambansang Sasakyan Ng Pilipinas?

PAMBANSANG SASAKYAN NG PILIPINAS – Sa artikulong ito, ay ating malalaman kung ano ang pambansang sasakyan ng Pilipinas na sinasakyan ng mga ninuno ng mga Pilipino. Atin ring alamin kung ano ang dahilan kung bakit ito tinawag na isang pambansang sasakyan.

Nawa’y sa inyong pagbabasa ng artikulong ito ay mayroon kayong panibagong aral na makuha patungkol sa pambansang sasakyan ng Pilipinas na ito. Nawa’y inyo ring magamit ang mga kaalaman na makukuha ninyo dito sa pang araw-araw ninyong buhay.

Ano Ang Pambansang Sasakyan Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Sasakyan ng Pilipinas?

Pambansang Sasakyan ng Pilipinas

Noong unang panahon ay hindi pa naiimbento ang mga sasakyan tulad ng jeepney o bus. Ang sinasakyan ng mga ninuno ng mga Pilipino noon ay ang tinatawag na kalesa, na kasalukuyang binansagan bilang isang pambansang sasakyan ng Pilipinas.

Ang kalesa ay isang historical na sasakyan lalo na sa buhay ng isang Pilipino. Mula pa ito sa panahon na nasa ilalim pa ang Pilipinas sa pamumuno ng mga Espanyol. At, ito ay ang pangunahing sasakyang transportasyon sa panahon ng mga ninuno ng mga Pilipino.

Ang kalesa ay isang dalawang gulong na karwaheng hinihila ng kabayo para maging isang sasakyan sa panahon ng mga Espanyol. Ayon sa kaugalian, mayroon itong isang bench na nakaharap sa harap na maaaring tumanggap ng dalawang pasahero. Ang kalesa driver na karaniwang tinatawag bilang kutsero ay nakaupo sa driver’s seat sa harapan.

Ito ay unang ipinakilala sa Pilipinas noong 1700s ng mga Espanyol. At ito ay ang naging pangunahing sasakyan ng mga Pilipino hanggang sa pagdating ng 20th century. Ngunit, kalaunan ito ay hindi na masyadong ginamit ng mga Pilipino sapagkat naimbento na ang mga modernong sasakyan tulad ng jeepney at trysikel.

Sa kasalukuyan, makikita ang mga tradisyonal na kalesa sa probinsya ng Ilocos lalo na sa lugar na Vigan, na kung saan ang mga kalesa rito ay mayroong samo’t-saring magagandang palamuti at disenyo tulad na lamang ng mga bulaklak.

Ito ay naging dahilan upang dayuhin ng mga turista ang Vigan. Isa ring dahilan ng mga turista ay upang masubukan nila ang tradisyonal na transportasyon ng mga Pilipino noon.

Kaya’t bilang Pilipino, ay pahalagahan natin ang ating pambansang sasakyan kahit na marami na ang mga modernong sasakyan sa ating paligid. Sapagkat, ito ay parte na ng ating kasaysayan at kultura na nagpapakita ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ay ating masasabi na ang kalesa ay mayroong malaking parte sa ating kasaysayan at buhay bilang isang Pilipino. Sapagkat, ang kalesa ay saksi kung paano nga ba mamuhay ang ating mga ninuno noong unang panahon.

Pinapakita rin ng kalesa ang simple at payapang pamumuhay ng ating mga ninuno na kung saan ginagamit nila ang kalesa sa tuwing sila ay mayroong pupuntahan. Pahalagahan natin ang ating pambansang sasakyan, sapagkat ito ay parte na ng ating kultura at kasaysayan.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay napalawak namin ang inyong mga kaalaman patungkol sa pambansang sasakyan ng Pilipinas.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Inyo ring basahin ang ilan sa mga simbolo ng Pilipinas na inyong makikita sa ibaba.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment