Ano Ang Pambansang Puno Ng Pilipinas?

PAMBANSANG PUNO NG PILIPINAS – Sa artikulong ito ay ating talakayin at tukuyin kung ano nga ba ang tinuturing na pambansang puno sa bansang Pilipinas. At, atin ring alamin kung bakit nga ba ito ang binansagan bilang pambansang puno ng bansa.

Nawa’y sa inyong pagbasa sa artikulong ito ay may mga panibagong aral kayo na makuha patungkol sa pambansang puno ng Pilipinas.

Ano Ang Pambansang Puno Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Puno ng Pilipinas?

Pambansang Puno ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay mayroong pambasang puno na napakalaki at napakatibay. Ito ay ang puno ng narra na kung tawagin ay pterocarpus indicus sa lenggwaheng ingles. Ang puno ng narra ay matatagpuan sa mga Asian countries, hindi lamang Pilipinas.

Ito ay idineklarang pambansang puno ng Pilipinas sa taong 1934 ng isang Goberenador-Heneral na si Frank Murphy. Ang narra ay isang mataas na puno na umaabot sa taas na 25 to 35 meters. Ito ay namumulaklak mula sa buwan ng Pebrero hanggang sa buwan ng Mayo. At base sa pag-aaral ng agham, ang mga bulaklak nito ay pwedeng makain ng tao.

Sa Pilipinas, ang narra ay parte na ng kultura ng mga Pilipino mula noon hanggang sa ngayon. Dahil sa taglay na tibay nito, ito ay ginagamit sa paggawa ng mga kagamitan o furniture ng mga Pilipino sa kanilang mga tahanan mula pa noon.

Maliban diyan, atin ring makikita na marami pang kagamitan ang pambansang puno ng Pilipinas, tulad na lamang ng paggawa ng bangka at barko o paggawa ng mga bahay.

Ang puno ng narra ay marami ng naitulong sa buhay ng bawat Pilipino. Sapagkat, ito rin ay napagkakakitaan tulad na lamang ng pagbebenta ng mga kagamitan na gawa sa narra. At dahil ito ay kilala bilang isang matibay na puno, malaki ang benta ng mga nagtitinda nito na nagdudulot sa kanila ng kaginhawaan sa buhay.

Kaya’t ating masasabi na binansagan ito bilang isang pambansang puno ay dahil sa katibayan nito. At dahil na rin sa napakarami nitong kagamitan na nakakatulong sa mga mamamayang Pilipino.

Konklusyon

Sa artikulong ito, ating maiintindihan na maraming kagamitan ang pambansang puno ng Pilipinas. Ngunit, atin ring tandaan na sa tuwing tayo ay pumuputol nito ay agad rin tayong magtanim ng bago.

Ito ay upang hindi tuluyang masira ang ating kalikasan. Sapagkat kapag ito’y hindi natin ginawa, maari lamang ito magdulot ng matinding pagkasira sa ating kalikasan na makaka apekto ng labis sa mga Pilipino.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito, “Pambansang Puno ng Pilipinas.” Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment