Ano Ang Pambansang Prutas Ng Pilipinas?

PAMBANSANG PRUTAS NG PILIPINAS – Alam niyo ba kung ano ang pambansang prutas ng Pilipinas? O kung bakit nga ba ito hinirang na pambansang prutas? Kung hindi pa ay patuloy na basahin ang artikulong ito upang inyong masagot ang mga katanungang ito.

Nawa’y sa inyong patuloy na pagbabasa ng artikulong ito ay inyong makuha ang mga mahahalagang impormasyon tungkol rito. At, sana’y mas maging malawak ang inyong kaalaman patungkol sa pambansang prutas ng Pilipinas.

Ano Ang Pambansang Prutas Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Prutas ng Pilipinas?

Pambansang Prutas ng Pilipinas

Ang pambansang prutas ng Pilipinas ay ang Mangga, na mango naman sa Ingles. Ito ay isang uri ng edible stone fruit na mayroong buto sa loob. Ang mangga ay pinaniniwalaang nagmula sa mga bansa ng Northwestern Myanmar, Bangladesh at Northeastern India.

Dati nang pinaniniwalaan na ang mangga ay nagmula sa iisang domestication event sa South Asia bago paman ito kumalat sa Southeast Asia. Ngunit, sa isang pag-aaral noong 2019 ay walang nakitang ebidensya ng isang sentro ng pagkakaiba-iba sa bansa ng India.

Sa buong mundo, marami ang mga nagtatanim na magsasaka at nagnenegosyo ng mga mangga. Mayroong iba na bumibili lamang ng malaking lupa upang gawing isang mango farm o isang taniman na para lamang sa pagtatanim ng mga mangga.

Dagdag pa riyan, sa buong mundo ay mayroong ilang daang cultivars ng mangga. Depende sa pagtanim, iba-iba ang laki, hugis, tamis, kulay ng balat, at kulay ng laman ng mangga. Ito ay maaaring maputlang dilaw, ginto, berde, o orange.

Lingid sa kaalaman ng iba, ang mangga ay ang pambansang prutas ng India, Pakistan, at Pilipinas. Habang ang puno ng mangga ay ang pambansang puno naman ng bansang Bangladesh.

Ang mga puno ng mangga ay maaring lumalaki hanggang 30–40 metro (98–131 talampakan) ang taas. At ang mga puno nito ay mayroong mahahaba na buhay, dahil ang ilang mga ispesimen ay namumunga pa rin pagkatapos o pagkadaan ng tatlong daang taon.

Sa Pilipinas, ang mangga ay isa sa mga pinakamamahal na prutas ng mga Pilipino. Sapagkat, taglay nito ang napakatamis at napakasarap na lasa na gustong-gusto ng mga Pilipino mapa bata man o matanda. At ito ay maaring malagay sa napakaraming mga dessert foods. Kung kaya’t hindi natin maikakaila na nararapat lamang dito ang titulo bilang isang pambansang prutas.

Kagamitan ng Pambansang Prutas

Ang mga mangga ay karaniwang matamis, bagaman ang lasa at pagkakayari ng laman ay nag-iiba sa iba’t-ibang uri. Tulad na lamang ng manggang Alphonso. Ito ay may malambot, mataba at makatas na texture na mayroong pagkakahalintulad sa isang overripe na plum. Habang ang iba naman, tulad ng Tommy Atkins, ito ay mas matibay, tulad ng cantaloupe o avocado, na mayroong fibrous texture.

Pero sa bansang Pilipinas, ang matamis na mangga ay kadalasang ginagamit bilang isang pangunahing sangkap sa paggawa ng samo’t-saring mga panghimagas. Ang pangunahing ginagamitan ng mangga ng mga Pilipino ay ang panghimagas na mango float.

Sapagkat, isa ito sa mga paboritong kinakain na hindi nawawala sa kahit anumang okasyon. Ang mangga ay ginawa rin bilang mango shake o mango juice sa mga restaurant upang ibenta sa mga customers.

Ito ang ilan sa mga halimbawa na panghimagas na ginagawa ng mga pinoy gamit ang matamis na mangga:

  • Mango Ice-cream
  • Mango Grahams
  • Mango with Yogurt and Almond Praline
  • Mango Macadamia Ice-cream Cake
  • Mango and Raspberry Swirl Slushie
  • Mango, Coconut, and Mint Popsicles

Base sa nasa itaas, ating makikita na madami tayong pwede na magawa gamit ang ating pambansang prutas. Ang kailangan lamang natin ay ang ating tiyaga at imahinasyon.

Konklusyon

Sa pangakalahatan, ay ating masasabi na marami ang pwede nating magawa sa mangga. At sa kultura ng mga Pilipino, ating makikita ang labis na pagmamahal ng mga ito sa paggamit ng mangga sa kanilang mga panghimagas.

Kilala ang mga pinoy sa kanilang matalas na imahinasyon sa paggamit ng mangga upang gumawa ng samo’t-saring masasarap na panghimagas gamit ang mangga. Kaya’t ating mapupuna na nararapat lamang dito ang titulo bilang isang pambansang prutas ng Pilipinas.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay may panibagong aral kayo na natutunan tungkol sa pambansang prutas ng Pilipinas. At sana ay mas napalawak ko ang inyong kaalaman patungkol rito.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Inyo ring basahin ang ilan sa mga simbolo ng Pilipinas na inyong makikita sa ibaba.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment