PAMBANSANG LARO NG PILIPINAS – Ano nga ba ang pambansang laro ng Pilipinas? Ang Pilipinas ay mayroong iba’t-ibang uri ng mga laro. Sa bansang ito ay ating makikita ang mga samo’t saring laro na pawang bahagi na ng ating tradisyon at kultura.
Nawa’y sa artikulong ito ay ating matutunan ang mga iba’t-ibang laro sa bansang Pilipinas at kung ano ang pinagkaiba nito noon sa ngayon.

Pambansang Laro ng Pilipinas
Marami ang mga larong naimbento sa bansang Pilipinas. Halimbawa ng mga ito ay ang mga karaniwang nilalaro ng mga kabataan sa mga kalsada at kalye noon. Ito ay ang patintero, piko, luksong tinik, sarangola, at holen. Iilan lamang ito sa mga napakaraming laro sa bansa na halos lahat ng mga batang 90’s ay alam itong laruin.
Bago natin alamin ang pinagkaiba ng pambansang laro noon at ngayon, ay ito muna ang munting kaalaman para sa inyong lahat.
Alam ba ninyo na ang arnis ay ang idineklarang pambansang laro sa bansang Pilipinas noong Disyembre 11, 2009? Ito ay naging posible sa pamamagitan ng Republic Act 9850 na nilagdaan ni former President Gloria Macapagal Arroyo.
Ngayon ay atin nang ikumpara kung ano nga ba ang pinagkaiba ng pambansang laro noon at ngayon sa bansang Pilipinas.
Pambansang Laro Noon at Ngayon
Pambansang Laro Noon | Pambansang Laro Ngayon |
Patintero at Piko | Video Games (ex. Minecraft and animal crossing) |
Luksong Tinik at Sarangola | Mobile Games (ex. angry Birds, Cityville, Mobile legends etc.) |
Piko at Holen | Computer games (ex. Dota 1 and Dota 2) |
Base sa mga impormasyong inyong makikita na napapaloob sa kahon ay ating masasabi na malaki ang pinagbago ng mga laro noon kumpara sa panahon ngayon.
Ating mapupuna na ang mga laro noon ng mga kabataan ay pawang mga pisikal na laro sa labas ng kanilang mga tahanan. Ang mga larong ito ay nagdudulot sa kanila ng malakas na katawan at nagbibigay ng masasayang alaala kasama ang kanilang mga kaibigan.
Sa panahon naman ngayon, ating makikita na ang mga kabataan ay hindi na katulad ng dati, sapagkat hindi na ang mga ito lumalabas. Sila ay nakamukmok na lamang sa loob ng kanilang mga silid at naglalaro gamit ang kanilang gadgets.
Bilang isang bata ay hindi ito maganda sa kanilang mga kalusugan dahil ito ay maaring magdulot ng iba’t-ibang komplikasyon sa kanilang katawan. Katulad na lamang ng pagkakasira ng kanilang mga mata dulot ng buong araw na pagtutok sa kanilang mga gadgets at hindi man lang naiinitan.
Konklusyon
Base sa ating nabasa sa itaas, ating masasabi na napakalaki talaga ng pinagkaiba ng larangan ng laro mula sa henerasyon noon kumpara sa ngayon.
Ang mga kabataan sa panahon ngayon ay nakatutok na lamang sa kanilang mga gadgets. Hindi katulad ng mga kabataan noon na halos sa kalye na tumira upang maglaro lamang.
Kaya’t sa pangkalahatan na mensahe na tinataglay ng artikulong ito, kailangan na nating gawan ng paraan ang mga panibagong henerasyon ngayon. Dahil hindi makabubuti sa mga kabataan ngayon ang hindi paglabas sa kanilang mga tahanan at ang hindi pakikipaghalubilo sa ibang tao.
Ito ay maaring magdulot sa kanila ng maraming kundisyon tulad na lamang ng pagkakaroon ng mahinang resistansya dahil hindi man lang sila na aarawan. At ang isa sa pinakamalaking epekto ng pagkukulong nila sa kanilang mga silid kasama ang kanilang mga gadgets ay ang pagkakaroon ng depression at anxiety.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay may panibago kayong aral na nakuha na nagpapatungkol sa pambansang laro ng pilipinas.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Sagisag ng Pilipinas
- Ano Ang Pambansang Awit Ng Pilipinas?
- Ano Ang Pambansang Dahon Ng Pilipinas?
- Ano Ang Pambansang Hayop Ng Pilipinas?
- Ano Ang Pambansang Gulay Ng Pilipinas?
- Ano Ang Pambansang Wika Ng Pilipinas?
We are proud Pinoy!