Ano Ang Pambansang Kasuotan Ng Pilipinas?

PAMBANSANG KASUOTAN NG PILIPINAS – Sa artikulong ito, ay ating matututunan at maiintindihan kung ano nga ba pambansang kasuotan sa bansang Pilipinas. At kung bakit nga ba ito binigyan ng ganitong titulo sa bansa.

Nawa’y sa inyong pagbasa ng artikulong ito ay mayroon kayong mga panibagong aral matutunan patungkol sa pambansang sagisag na ito.

Ano Ang Pambansang Kasuotan Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Kasuotan ng Pilipinas?

Ang Pambansang Kasuotan ng Pilipinas

Ang pilipinas ay mayroong dalawang pambasang kasuotan. Isa para sa babae at isa naman para sa lalake. Ang mga kasuotan na ito ay tinatawag na Barong Tagalog at Baro’t Saya.

Barong Tagalog para sa mga lalakeng susuot at Baro’t Saya naman para sa mga babaeng susuot. Ang kasuotan na ito ay nagmula pa noong unang panahon, sa panahon ng ating mga ninuno.

Ito ay ang kanilang tradisyonal na pananamit mula pa noong panahon ng pananakop ng mga kastila sa bansang Pilipinas. At ang Baro’t saya ay mula sa dalawang piraso ng damit na isinusuot ng mga lalaki at babae noong pre-colonial period ng Pilipinas.

Ang pambansang kasuotan ng mga kababaihan at kalalakihan noon ay mayroong mga ipinapahiwatig na mga kahulugan sa mga tao. Ang mga mahahabang baro’t saya ng mga kababaihan noon ay nagpapahiwatig sa mga tao noon ng kanilang pagiging konserbatibo at respeto sa kanilang mga sarili. Sapagkat ang pagpapakita ng balat noon ng mga kababaihan ay itinuturing bilang isang kalaswaan at kahihiyan sa kanilang pagkababae.

At, ang mga pambansang kasuotan naman ng mga kalalakihan noon ay ang barong tagalog. Ito ay nagpapahiwatig ng pagiging maginoo at magalang ng mga kalalakihan noon sa pagtatrato ng mga kababaihan at matatanda.

Dagdag pa riyan, ang mga kalalakihan noon ay mayroong mas malaking oportunidad kaysa sa mga kababaihan. Tulad na lamang na sila ay may kakayahan upang magsuot ng kahit anong damit na kanilang gusto.

Ang mga pambansang kasuotan na ito ay nagpapakita ng kaunting silip mula sa nakaraan. Ating makikita ang pagiging marespeto at ang pagiging konserbatibo ng ating mga ninuno sa kanilang katawan. At atin ring makikita ang kanilang simple o payak na pamumuhay noong unang panahon na walang pinoproblema.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ay ating makikita o masasabi na malaki na talaga ang pinagkaiba ng larangan ng pananamit noon at ngayon. Ating masasabi na noon ay napaka-konserbatibo ng pananamit ng ating mga ninuno lalo na ng mga kababaihan. Sapagkat ang pagpapakita ng balat noon ay isang kalaswaan at kahihiyan.

At sa ngayong panahon naman ay ating makikita na babae man o lalake ay mayroon ng karapatan upang magsuot ng kahit anong damit. Sapagkat sa panahon ngayon, isinusulong na ang pagkakaroon ng pantay na karapatan sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay nadagdagan ko ang inyong kaalaman patungkol sa pambansang kasuotan ng Pilipinas noong unang panahon.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Inyo ring basahin ang ilan sa mga simbolo ng Pilipinas na inyong makikita sa ibaba.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment