Ano Ang Pambansang Isda Ng Pilipinas?

PAMBANSANG ISDA NG PILIPINAS – Alam niyo ba kung ano ang pambansang isda ng Pilipinas? Kung hindi pa ay patuloy na basahin ang artikulong ito upang inyong malaman kung ano nga ba ito. At, kung bakit ito ang tinaguriang pambansang isda sa Pilipinas.

Nawa’y sa inyong patuloy na pagbasa ng artikulong ito ay inyong matutunan ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa pambansang isda ng Pilipinas.

Ano Ang Pambansang Isda Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Isda ng Pilipinas?

Pambansang Isda ng Pilipinas

Ang Bangus o milk fish (chanos chanos) naman sa ingles ay ang itinuring na pambansang isda sa Pilipinas. Ang bangus sa bansang Pilipinas ay madali lamang palakihin. Ito ay isang isda na mayroong kakayahan na mabuhay sa mga nakakulong na espasyo.

Naging dahilan ito upang ang mga bangus ay regular na pinapalaki sa mga fish farm o palaisdaan, na siyang dahilan kung bakit ito ay malawak na magagamit sa buong bansa ng Pilipinas. Ito ay nagresulta ng hindi pagkawala ng panindang bangus sa mga palengke araw-araw sa buong taon.

Lingid sa kaalaman ng iba, ang bangus ay hindi pa opisyal na pambansang isda ng Pilipinas. Bagama’t sinabi ng National Commission for Culture and the Arts na hindi ito ang kaso dahil wala itong batayan sa batas ng Pilipinas.

Ngunit, ito na ang itinuring na pambansang isda ng mga Pilipino, sapagkat ang bangus ay ang pangunahing paboritong ulamin ng mga pinoy dahil sa taglay nitong linamnam. At, ang Pilipinas ay sagana sa pangunahing isda na ito.

Dagdag pa riyan, ang bangus ay isang beloved delicacy dahil sa taglay nitong sarap kapag naluluto. Ito ay isang uri ng isda na pwede mong maluto sa kahit anong paraan. Maari itong prituhin, sabawan, ihawin o gawin bilang isang sarsyadong isda, at sa huli ito ay nagiging malinamnam pa rin.

Ito ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit ito ay mahal ng bawat Pilipino sa bansang Pilipinas. Sapagkat, kilala ang bawat Pilipino bilang mahilig magluto ng mga masasarap na putahe.

Kaya’t ating masasabi na kahit walang opisyal na kasulatan na nagpapahayag bilang isang pambansang isda ang bangus ay itinuturing pa rin itong pambansang isda ng mga tao. Ito ay dahil sa isa itong klase ng isda tinatangkilik ng karamihan sa mga tao sa buong bansang Pilipinas.

Impormasyon ukol sa Pambansang Isda ng Pilipinas

Scientific ClassificationBinomial Name
Kingdom: Animalia
Phylum: Chordata
Class: Actinopterygii
Order: Gonorynchiformes
Family: Chanidae
Genus: Chanos
Lacépède, 1803
Species: C. chanos
Chanos chanos
(Forsskål, 1775)

Ang mga impormasyong nasa itaas ay ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa pambansang isda ng Pilipinas ayon sa Agham.

Una nating makikita sa impormasyon sa itaas na ang bangus ay nabibilang sa kaharian na animalia, na kung saan ito ay binubuo ng samo’t-saring hayop na humihinga ng oxygen at nakakagalaw ng malaya at mayroong kakayahan upang magparami ng kanilang lahi.

Ating makikita na ang bangus ay pamilya ng Chanidae. Ito ay ang pamilya ng mga isda na mayroong maraming fossil genera at isang monotypic. At, ang isang pangunahing halimbawa nito ay ang ating pambansang isda sa Pilipinas na bangus.

Sa impormasyon sa itaas ay atin ring makikita na ang bangus ay nabibilang sa klase ng Actinopterygii. Ito ay grupo ng mga isda na kilala sa titulo na ray-finned fishes, na kung saan ito ay mga klase ng isda na maraming tinik na tinataglay sa kanilang katawan.

Ayon naman sa ating Agham, ating makikita na ang ating pambansang isda ay mayroong binomial name na kung tawagin ay chanos chanos.

Nawa’y sa mga impormasyong naitala sa loob ng kahon ay mas lumawak ang inyong kaisipan patungkol sa pambansang isda ng Pilipinas ayon sa larangan ng Agham.

Konklusyon

Sa pangkalahatan ating masasabi na ang bangus ay isang katangi-tanging isda. Dahil sa madali lamang magpalaki nito sa mga fish farms sa bansa, nagdudulot ito ng patuloy na supply ng bangus sa mga palengke. At, ito ay maaring malagay o gawin bilang isang sari-saring putahe na tiyak ay magugustuhan ng bawat tao.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay inyong natutunan kung ano nga ba ang pambansang isda ng Pilipinas, at kung ano nga ba ang mahahalagang impormasyon ukol sa isdang ito.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Inyo ring basahin ang ilan sa mga simbolo ng Pilipinas na inyong makikita sa ibaba.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment