Ano Ang Pambansang Hiyas Ng Pilipinas?

PAMBANSANG HIYAS NG PILIPINAS – Sa artikulong ito ay ating talakayin at suriin kung ano nga ba ang itinuturing na pambansang hiyas ng Pilipinas. Atin ring alamin kung bakit nga ba ito ang ibinansagan ng ganitong titulo.

Nawa’y habang patuloy ninyong binabasa ang artikulong ito ay mas mapalawak pa namin ang inyong kaalaman tungkol sa pambansang sagisag na ito.

Ano Ang Pambansang Hiyas Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Hiyas ng Pilipinas?

Pambansang Hiyas ng Pilipinas

Ang bansang Pilipinas ay mayroong itinuturing na pambansang hiyas at ito ay ang perlas. Ito ay isang uri ng hiyas na nagmula o naani sa mga ilang uri ng talaba, partikular na mula sa binga.

Ang perlas, na kilala rin bilang pambansang hiyas ng Pilipinas, ay mayroong mga iba’t-ibang kulay. Ngunit, ang mas pinipili o gusto ng karamihan ay ang perlas na puti.

Nakukuha ang mga perlas na ito sa loob ng mga kabibe sa karagatan. Ito ay kadalasang sinisisid ng ating mga mangingisda upang mapagkitaan. Dagdag pa riyan, ang mga perlas na ito ay mga karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga mamahaling alahas.

Sa taong 1996, sa ilalim ng pamumuno ni pangulong Fidel V. Ramos, ay itinalaga niya ang perlas bilang isang pambansang kayamanan. At, sa taong 1934 naman ay sa Pilipinas natagpuan ng isang manlalangoy sa rehiyon ng Palawan ang pinakamalaking perlas sa buong mundo.

Likas ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng mga samo’t-saring mga pamahiin. At tayo rin ay mayroong pamahiin o paniniwala patungkol sa mga perlas.

Kapag daw tayo ay nagsuot ng perlas sa araw ng ating kasal ay makakaranas daw tayo ng maraming malulungkot na karanasan sa ating buhay may asawa. Ito daw ay dahil ang mga perlas ay nagsisimbolo ng luha.

Bilang isang Pilipino ay hindi natin maikakaila na malaki ang importansya ng mga ito at parte na ito ng ating kultura. Dahil, ang mga hiyas ay mayroong sinisimbolo. Ito ay nagsisimbolo ng kayamanan, pagkababae, kadalisayan, karunungan, pasensya, at kapayapaan sa buhay ng mga Pilipino.

Pagpreserba sa Pambansang Hiyas ng Pilipinas

Sa kasalukuyan, hindi natin maitatanggi na marami ng pagbabago sa ating kalikasan. Noon ay maayos at masagana pa ang ating mga yamang dagat tulad ng pagkakaroon ng maraming perlas. Ngunit sa paglipas ng maraming taon ay naging makasarili ang mga tao.

Ito ay nagdulot ng unti-unting pagkasira sa ating kalikasan lalo na sa ating karagatan. Halimbawa na lamang ng pagkasira ng lahat ng coral reefs na maaring magresulta sa pagkaubos o pagkawala ng ating pambansang hiyas na perlas.

Kaya’t bilang mga Pilipino, ay mayroon tayong responsibilidad na pangalagaan o epreserba ang ating kalikasan lalo na ang ating karagatan. Maaari natin itong magawa sa pamamagitan ng maliit na hakbang tulad ng pag-iwas sa pagtapon ng basura at kemikal sa karagatan. Ito ay sa kadahilanang maari itong makasira o makapatay ng ating mga coral reefs.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ating masasabi na malaki ang importansya ng pambansang hiyas sa ating mga Pilipino at sa ating kultura. Ito ay sa kadahilanang ang mga perlas ay naging parte na ng kultura nating mga Pilipino simula paman noon.

Isa ring rason ay dahil isa ito sa mga pinagkakakitaan ng mga Pilipino na nakatira malapit sa karagatan. Atin ring maipagmamalaki sa buong mundo na dito mismo sa bansang Pilipinas nadiskubre ang pinakamalaking perlas sa buong mundo.

Kaya’t pangalagaan natin ang ating karagatan ng maayos, sapagkat nakatago sa ilalim ng ating malawak na karagatan ang ating tinatagong yaman.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay napalawak namin ang inyong kaisipan patungkol sa ipinagmamalaking pambansang hiyas ng Pilipinas.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment