PAMBANSANG HAYOP NG PILIPINAS – Sa artikulong ito ay ating tatalakayin at susuriin kung ano nga ba ang pambansang hayop ng Pilipinas. At kung ano nga ba ang mga katangi-tanging katangian ng hayop na ito na naging dahilan upang ito ay hirangin na pambansang hayop.
Nawa’y sa pasusuri na ito ay mayroon kayong mga panibagong aral na matutunan na nagpapatungkol sa pambansang hayop sa bansang Pilipinas.

Pambansang Hayop Ng Pilipinas
Ang bansang Pilipinas ay mayroong katangi-tanging pambansang hayop dahil sa taglay nitong lakas at kasipagan. Ito ay ang “Kalabaw” o (Bubalus bubalis carabanesis o minsan Bubalus carabanesis). Ang hayop na ito ay isang water buffalo.
Ito ay kadalasang makikita sa mga bansang katulad ng Pilipinas at Guam, pati na rin sa mga ibang bahagi pa ng Timog-silangang Asya.
Ang hayop na ito ay kadalasang nauugnay sa mga magsasaka. Sapagkat ito ang pangunahing hayop na tumutulong sa kanila tuwing sila ay nagtatrabaho sa kanilang bukirin upang mag-araro at magbuhat ng kanilang mga ani.
Sa Pilipinas, ang kalabaw ay isang katangi-tanging hayop. Ito ay karaniwang ginagawa na alaga lalo na ng mga taong nakatira sa bukid. Sapagkat ang hayop na ito ay malaki ang naitutulong sa kanila lalo na sa kanilang trabaho sa bukid.
Dagdag pa riyan, ang kalabaw ay mayroong malaki at malakas na katawan na nakakatulong sa kanila na magtulak ng mabibigat na kariton.
Sinasama rin ang mga ito ng mga magsasaka sa pag-aararo at pag-aani sa kanilang mga bukirin dahil sa taglay nitong kasipagan na walang kapantay. Madalas ay ipinapatong nila ang kanilang mga ani sa likod ng kalabaw upang dalhin sa palengke ang kanilang mga inani upang ibenta sa mga mamimili.
Kaya’t ating mapupuna ang simpleng eksplenasyon o dahilan kung bakit halos lahat ng magsasaka sa pilipinas ay mayroong kalabaw. Ito ay dahil malaki ang naitutulong ng kalabaw sa kanila lalo na sa kanilang araw-araw na gawain sa kabukiran .
Sa pangkalahatan, ang kalabaw ay itinuring na isang pambansang hayop sa Pilipinas. Ito ay dahil ang mga kalabaw ay may taglay na kasipagan at lakas na walang kapantay na nagbibigay ng malaking tulong sa ating mga mamamayang Pilipino.
Paglalarawan sa Pambansang Hayop Ng Pilipinas
Ang mga kalabaw ay karaniwang nabubuhay ng labing-walo (18) hanggang dalawampung (20) taong gulang. Ang karaniwang kulay ng mga kalabaw ay itim.
Umaabot naman hanggang sa 800 kilo na timbang ang mga ito sa kanilang pagtanda. Sa anyong panlabas naman ng mga ito, mapa babae man o lalaki, magkaparehas lamang ang mga ito na may sungay.
Ito ay kadalasang nakikita sa mga putikan at nagpapalamig sapagkat ang mga kalabaw ay walang tinatawag na sweat glands na kung saan ito sana ang mag kokontrol sa temperatura ng kanilang katawan.
Ang kalabaw ay isang tahimik lamang na hayop. Nag-iingay lamang ito tuwing nabubulabog. Damo at iba pang mga halamang ligaw ang kinakain ng mga ito na isa sa mga naging dahilan kung bakit hindi mahirap mag-alaga ng isang kalabaw.
Kalabaw Pambansang Hayop Ng Pilipinas
Klasipikasyong Pang-agham | Pangalang Trinomial |
Kaharian: Animalia Kalapian: Chordata Hati: Mammalia Orden: Artiodactyla Pamilya: Bovidae Sari: Bubalus Espesye: Bubalus bubalis | Bubalus bubalis carabanesis |
Ang nasa itaas ay ang mga klasipikasyon na kinabibilangan ng pambansang hayop na kalabaw sa larangan ng agham.
Base sa mga impormasyong napapaloob sa kahon ay ating makikita ang mga klasipikasyong pang-agham ng isang kalabaw. Makikita natin na mula sa mga impormasyong nasa itaas na ang kalabaw ay mula sa pamilya ng “Bovidae.”
Ang bovidae ay isang uri ng mga mamalyang hayop na mayroong biyak sa kanilang kuko sa paa. Ang pamilyang ito na kinabibilangan ng kalabaw ay malawakan. Sapagkat ito ay makikita rin sa Timog Amerika, Australya at Antartika.
Ilan sa mga halimbawa na kasama sa pamilyang ito maliban sa kalabaw ay ang kambing, tupa, bison, antelope, gasel at domestikadong baka.
Atin ring makikita na sa larangan ng agham ito ay mayroong pangalang trinomial na “Bubalus bubalis carabanesis” na ang ibig sabihin ay water buffalo. Base rin sa mga napapaloob na impormasyon sa itaas ay ating makikita na ang kalabaw ay isang mammal o mamalya. Na kung saan ito ay mayroong suso na nagbibigay rito ng kakayahan upang makapaglikha ng gatas para sa supling nito.
Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay mayroon kayong natutunan na mga panibagong aral na nagpapatungkol sa pambansang hayop ng pilipinas. Nawa’y mas napalawak namin ang inyong ideya tungkol sa pambansang hayop na kalabaw.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Sagisag ng Pilipinas
- Ano Ang Pambansang Laro Ng Pilipinas?
- Ano Ang Pambansang Awit Ng Pilipinas?
- Ano Ang Pambansang Dahon Ng Pilipinas?
- Ano Ang Pambansang Gulay Ng Pilipinas?
- Ano Ang Pambansang Wika Ng Pilipinas?
We are proud Pinoy!