Ano Ang Pambansang Gulay Ng Pilipinas?

PAMBANSANG GULAY – Sa artikulong ito ay ating tatalakayin at suriin kung ano nga ba ang pambansang gulay ng Pilipinas. Atin ding alamin kung ano ang naging dahilan upang ito ay tawagin na pambansang gulay sa bansa.

Nawa’y sa artikulong ito ay mayroon kayong matutunan na mga panibagong aral na nagpapatungkol sa pambansang sagisag ng Pilipinas.

Ano Ang Pambansang Gulay Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Gulay ng Pilipinas?

Pambansang Gulay Ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay mayroong pambansang gulay na kung tawagin ay “Malunggay” o “Moringa” naman kung sa ingles. Ito ay naging posible sa taong 2014 noong inaprobahan ng kongreso ang House Bill No. 2072 o ang pagiging pambansang gulay ng malunggay sa bansang Pilipinas.

Dagdag pa riyan, sa bawat taon, ang buwan ng Nobyembre ay ang naging “The National Malunggay Month.”

Ang malunggay ay isa sa mga pinakamasustansyang gulay na makikita sa Pilipinas. Isa rin ito sa mga paboritong gulay ng mga tao sa Pilipinas. Ito ay kadalasang isinasahog ng mga Pilipino sa kanilang mga putahe.

Karaniwang ginagamit ang mga dahon nito sa mga putahe katulad ng tinola at malunggay omellette dahil sa taglay nitong sustansya. At dahil sa mga taglay nitong sustansya at bitamina, ito ay hinirang na “Miracle tree” ng mga siyentipiko. Ito ay dahil mabisa rin itong panlunas sa maraming uri ng sakit.

Para sa dagdag pang kaalaman, ang halamang malunggay ay walang tapon, sapagkat bawat parte ng halaman na ito ay nagagamit. Maging ang mga buto ng halaman na ito ay nagagawang langis. Ang mga dahon naman nito ay nagagamit sa mga putahe at pati na rin bilang gamot.

Sa pangkalahatan, ay ating mapupuna ang dahilan kung bakit hinirang na pambansang gulay ang malunggay. Ito ay dahil ang halamang malunggay ay punong-puno ng mga sustansya at bitamina. At ito ay makikita lamang sa bawat sulok ng bansang Pilipinas.

Benepisyo Ng Pambansang Gulay Na Malunggay

Ang halamang malunggay ay naglalaman ng napakaraming benepisyo at sustansiya para sa ating mga katawan mapa bata man o matanda. Naglalaman ito ng mga sustansya tulad ng iron, calcium, vitamins A, B, C, at phosphorus. Ito ay nagbibigay ng magagandang epekto sa ating katawan kagaya ng pagpapalakas nito sa ating katawan laban sa mga sakit.

Ito ang ilan sa mga halimbawa ng benepisyo na binibigay ng halamang malunggay:

  • Pampalinaw ng mata
  • Nakakatulong sa pagkontrol ng diabetes
  • Makakatulong sa pagpaparami ng gatas sa nagpapasusong ina
  • Makakaiwas sa sakit sa puso
  • Masisiguro ang kalusugan ng atay at bato

Maliban sa mga nabanggit sa itaas, ang pambansang gulay na malunggay ay isa ring mabisa na panghilom sa sugat. Ito ay mayroong katangian na nagpapabawas ng blood clotting na mas nagpapabilis sa paghilom ng isang sugat.

Ang mulunggay ay nakakatulong din upang mapalusog ang utak ng isang tao, sapagkat ito ay nagtataglay ng mga bitaminang E at C na mas nagpapalakas sa utak ng isang tao.

Kaya’t habang bata pa ay simulan na ang pagkain ng mga samo’t-saring gulay. Dahil ang pagkain ng gulay ay nakakatulong na mapalaking malusog at malakas ang ating mga katawan. Ang mga ito ay nakakatulong din upang tayo ay makaiwas sa mga malulubhang sakit na nasa paligid.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay may panibago kayong mga aral na natutunan tungkol sa pambansang gulay ng pilipinas na tinatawag na “malunggay.”

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment