Ano Ang Pambansang Dahon Ng Pilipinas?

PAMBANSANG DAHON NG PILIPINAS – Sa artikulong ito ay ating matututunan kung ano nga ba ang itinuturing na dahong pambansa sa Pilipinas. At kung bakit nga ba ito ang hinirang na pambansang dahon sa bansa.

Nawa’y sa pagbabasa ng artikulong ito ay magkaroon kayo ng panibagong aral na matututunan sa inyong mga buhay.

Ano Ang Pambansang Dahon Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Dahon ng Pilipinas?

Ang Pambansang Dahon Ng Pilipinas

Sa bansang Pilipinas, sila ay mayroong isang pambansang dahon na kung tawagin ay “anahaw” o “Livistona rotundifolia” naman sa lenggwaheng ingles. Ito ay isang pabilog na dahon na palma at matatagpuan lamang sa timog-silangang asya.

Ang halaman na ito ay kasapi ng genus Livitona na tinatawag na palm sa lenggwaheng ingles. Ito ay naging pambansang dahon sa Pilipinas sapagkat ang halaman na ito ay ginagamit ng mga magsasaka bilang isang sombrero noong unang panahon lalo na kapag sila ay nasa kabukiran.

Ang halaman na anahaw sa bansang Pilipinas ay karaniwang hindi pinapansin ng mga tao. Ito ay tumutubo sa mga lugar na mayroong sub-tropikal na klima tulad ng Pilipinas.

Karaniwang ginagamit ang mga dahon ng halaman na anahaw sa kugon at pambalot ng mga pagkain. Ginagamit naman ang mga kahoy ng halaman na ito sa paggawa ng mga tungkod at mga balang pantira ng mga pana.

Marami pang ibang gamit ang halamang anahaw lalong lao na ang punong kahoy nito na hindi alam ng iba. Ang kahoy nito ay mayroong mataas na demand para sa mga poste at haligi, sahig, pana, tungkod, at sibat. Sa mga ilang taon na nagdaan, napatunayan sa pananaliksik na ito ay mayroong posibilidad bilang isang mahusay na materyales sa paggawa ng mga tile sa sahig para sa mga bahay.

Kaya’t bilang isang pilipino, dapat wag nating ikahiya ang ating pambansang dahon. Sa halip ay ipagmalaki natin ito sapagkat ang ating pambansang dahon ay maraming kagamitan na pwedeng mapakinabangan ng bawat Pilipino.

Anahaw Pambansang Dahon Ng Pilipinas

Klasipikasyong pang-aghamPangalang binomialKasingkahulugan
Kaharian: Plantae
Klado: Angiosperms
Orden: Arecales
Pamilya: Arecaceae
Sari: Saribus
Espesye: S. rotundifolius

Saribus rotundifolius

Corypha rotundifolia
Livistona rotundifolia

Base sa mga nakalagay na impormasyon sa itaas ay ating mas makikilala ang halamang anahaw sa larangan ng agham. Ayun sa mga nakapaloob sa kahon, ang halamang anahaw ay isang miyembro sa pamilya ng punong kahoy na “arecaceae” o mas kilala bilang “palm tree” sa ingles.

Tinatawag na palaspas ang mga dahon ng palmang pinalamutian at binendisyunan tuwing Linggo ng Palaspas.

Sana sa pagtatapos ng artikulong ito ay marami kayong natutunan patungkol sa pambansang dahon ng Pilipinas.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment