Ano Ang Pambansang Bulaklak Ng Pilipinas?

PAMBANSANG BULAKLAK NG PILIPINAS – Sa artikulong ito, ay ating matututunan kung ano nga ba ang napakabangong pambansang bulaklak ng Pilipinas. Atin ding alamin kung ano ang dahilan sa likod ng pagiging pambansang bulaklak nito.

Nawa’y sa inyong patuloy na pagbabasa ng mga artikulong kagaya nito ay madagdagan ang inyong kaalaman patungkol sa mga pambansang sagisag sa Pilipinas.

Ano Ang Pambansang Bulaklak Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Bulaklak ng Pilipinas?

Pambansang Bulaklak Ng Pilipinas

Ang bansang Pilipinas ay mayroong natatanging pambansang bulaklak. Ang mahalimuyak nitong bango na halos kumakalat sa buong paligid ay kilala na ng mga Pilipino. Ito ay ang sampaguita o jasminum sambac naman sa ingles.

Ang bulaklak na ito ay isang species ng jasmine native. Ito ay kadalasang makikita sa mga tropical asia tulad ng Pilipinas. Ito rin ay makikita sa iba’t-ibang bansa. Katulad na lamang ng Mauritius, Madagascar, the Maldives, Christmas Island, Chiapas, Central America, southern Florida, the Bahamas, Cuba, at Hispaniola.

Dagdag pa riyan, ang sampaguita o jasminum ay isang maliit na halaman na karaniwang makikita sa gilid ng kalsada lalo na sa mga probinsya. Ito ay umaabot sa 0.5 to 3m na taas.

Ang bulaklak ng halamang ito ay ang naglalabas ng mahalimuyak na amoy. Kaya’t ang mga bulaklak nito ay ginagamit bila sangkap upang gumawa ng samo’t-saring pabango at tsaa tulad ng jasmine tea.

Ang mga bulaklak nito ay nasa ilalim ng kategorya na edible flowers. Ngunit, kahit na ganito ay hindi pa rin ito ganun kadalas na ginagamit sa Pilipinas upang ilagay sa mga putahe. Ito ay patuloy na namumulaklak sa buong taon at gumagawa ng kumpol na umaabot sa 3-12 na kumpol hanggang sa pinakahuling sanga.

Bilang Pilipino, ang bulaklak na sampaguita ay parte na ng ating kultura mula noon hanggang ngayon. Mula noon, ito ay isa sa ating pinagkakakitaan sa pamamagitan ng paggawa nito bilang isang garland na nilalagay sa leeg ng mga bisita tulad ng mga politiko at artista.

Ito ay kadalasan ring makikita na binebenta sa labas ng mga simbahan sa Pilipinas. Kaya’t bilang isang Pilipino ay ipagmalaki natin ang ating pambansang bulaklak. Hindi lamang dahil sa ito ay isang katangi-tanging bulaklak na mayroong mahalimuyak na bango, kundi dahil napagkakakitaan rin ito ng mga mamamayang Pilipino sa bansa.

Impormasyon ukol sa Pambansang Bulaklak

Klasipikasyon Sa AghamBinomial Name
Kingdom: Plantae
Clade: Tracheophytes
Order: Lamiales
Family: Oleaceae
Genus: Jasminum
Species: J. sambac
Jasminum sambac

Ang impormasyon sa itaas ay ang mga klasipikong kinabibilangan ng ating pambasang bulaklak ayon sa agham. Atin ding makikita na ang sampaguita ay mula sa pamilya ng “Oleaceae.” Ito ay isang uri ng pamilya ng halaman na namumulaklak ng palumpong, puno. Sa kasalukuyan ay binubuo ito ng 28 genera, at isa sa mga ito ay kamakailan lang nawala o naubos na sa buong mundo.

Atin ring makikita na ang sampaguita ay isang “Tracheophytes” o “vascular plant” na kung saan ito ay isang uri ng halaman na mayroong isang dalubhasang sistema na para sa pagdadala ng mga likido sa buong halaman na kinabibilangan ng xylem at phloem.

Ang mga impormasyon sa taas ay mga mahahalagang impormasyon ayon sa agham ukol sa ating pambansang bulaklak. At ang mga impormasyon na ito ay mas magpapalawak sa ating mga kaisipan tungkol sa ating nalalaman sa pambansang bulaklak na sampaguita.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ay ating masasabi na ang sampaguita ay isang katangi-tanging bulaklak. Lalo na sa taglay nitong bango na halos lahat ay napapatingin rito. Taglay nito ang mga bulaklak na mayroong maraming kagamitan tulad na lamang ng pagiging sangkap sa paggawa ng pabango at mga tsaa.

Hindi lamang iyan, dahil ito rin ay isa sa mga hanap-buhay ng mga pinoy. Sapagkat ito ay ibinebenta bilang isang garland sa bansa.

Kaya’t bilang pilipino ay mahalin at tangkilikin natin ang ating pambasang bulaklak na sampaguita, sapagkat ito ay parte na ng ating kultura bilang isang pinoy mula paman noon hanggang sa ngayon.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay mas napalawak at nadagdagan namin ang inyong kaalaman tungkol sa pambansang bulaklak ng Pilipinas na ito.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment