Ano Ang Pambansang Bahay Ng Pilipinas?

PAMBANSANG BAHAY NG PILIPINAS – Sa artikulong ito, ay ating tukuyin kung ano nga ba ang natatanging pambansang bahay sa Pilipinas. At, kung ano nga ba ang dahilan upang ito ay mabigyan ng titulo bilang isang pambansang bahay.

Nawa’y sa inyong pagpapatuloy na pagbabasa ng artikulong ito ay inyong matutunan ang mga mahahalagang bagay patungkol sa pambansang bahay ng Pilipinas.

Ano Ang Pambansang Bahay Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Bahay ng Pilipinas?

Ang Pambansang Bahay ng Pilipinas

Ang bahay kubo o nipa hut naman sa ingles ay ang itinuturing na pambansang bahay sa bansa ng Pilipinas. Ito ay isang katutubong bahay na ginagamit ng mga Pilipino noong unang panahon. At, ito ay ang pinakaunang bahay ng mga katutubo noon bago paman dumating ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Ang bahay kubo ay angkop na bilang laban o masilungan laban sa ulan at hangin. Ngunit ito ay madali lamang masira kapag hinagupit ng isang malakas na bagyo, pero ito ay madali lamang mapalitan agad.

Ito ay gawa lamang sa mga magagaan na materyales. Gawa ito sa mga kawayan na itinatali at ang mga bubong nito ay karaniwang gawa sa nipa o ang ating pambansang dahon na anahaw. Ito ay isang hugis parisukat na bahay na mayroong apat na haligi. At ang mga dingding nito ay gawa sa makapal na kahoy at ang mga poste nito ay nakabaon ng malalim sa lupa.

Ang bahay na ito ay pangunahing tirahan ng ating mga ninuno noong unang panahon bago paman ang panahon ng Espanyol. Sapagkat, madali lamang itong magawa at ang mga pangunahing materyales nito ay madali lamang mahagilap o makita sa paligid.

Kaya’t ating masasabi na ang dahilan kung bakit ito tinawag na pambansang bahay ay dahil ito ang kauna-unahang bahay noon. Na kung saan hinaharap nito ang malalakas na bagyo noong unang panahon. Noong hindi pa naiimbento ang paggawa ng bahay na gawa sa konkreto.

Sa panahon ngayon, ay ating makikita na ang pambansang bahay ay patuloy pa ring ginagamit sapagkat ito ay mainam na gawin bilang isang tambayan ng mga magkakaibigan o magkapamilya. At, dahil ito ay isang maaliwas na instruktura na kung saan ang daloy ng hangin ay maayos.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ay ating masasabi na malaki ang pinagbago ng pamumuhay ng mga Pilipino mula noon at ngayon. Ating makikita na mula sa bahay na gawa sa mga kawayan at nipa ay naging gawa na sa mga konkretong materyales tulad ng semento ang mga bahay ngayon. Atin ring makikita ang mga simpleng pamumuhay ng ating mga ninuo noong unang panahon.

Kaya’t pahalagahan natin ang ang ating pambansang bahay at wag itong tuluyan na kalimutan. Sapagkat, ito ay isang instrumento na nagpapasilip sa atin sa pamumuhay noong unang panahon.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay mas napalawak namin ang inyong kaisipan patungkol sa pambansang bahay ng Pilipinas.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Inyo ring basahin ang ilan sa mga simbolo ng Pilipinas na inyong makikita sa ibaba.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment