Ano Ang Pambansang Awit Ng Pilipinas?

PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS – Sa artikulong ito ay ating matututunan kung ano nga ba ang kasaysayan ng awiting “Lupang Hinirang.”

Atin ring malalaman kung sino ang gumawa ng awiting ito at kung kailan ito ginawa. Nawa’y sa artikulong ito ay ating matutunan ang mga mahahalagang bagay na nagpapatungkol sa pambansang awit ng bansa.

Ano Ang Pambansang Awit Ng Pilipinas?
Ano ang Pambansang Awit ng Pilipinas?

Ang Pambansang Awit Ng Pilipinas

Ang bansang pilipinas ay mayroong pambansang awit na pinamagatang “Lupang Hinirang” noong 1956 sa ilalim ng pamumuno ni Ramon Magsaysay. Mayroong mahabang kasaysayan sa likod nito. Marami itong inabot na rebisyon bago nito naabot ang kasalukayan nitong anyo at bersyon.

Ngayon ay atin ng ikumpara kung ano ang pinagkaiba ng pambansang kanta noon at ngayon sa bansang Pilipinas.

Ang Pambansang Awit Noon at Ngayon

Pambansang Awit NoonPambansang Awit Ngayon
Marcha Filipina Magdalo – Ipinagawa ni Emilio Aguinaldo sa kompositor na si Julian Felipe noong 1898 na may pamagat na “Marcha Filipina Magdalo” o (‘Martsang Pilipinong Magdalo’) at kalaunan naging “Marcha Nacional Filipina” o (‘Pambansang Martsa ng Pilipinas’).Lupang Hinirang – Isinalin sa wikang filipino ang bersyon nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo noong dekada 1940s at ang kanilang gawa ay ang naging pambansang awit noong 1948. Ito ay naging “Lupang Hinirang” noong 1956.

Base sa mga impormasyong napapaloob sa kahon ay ating masasabi na dumaan muna sa maraming rebisyon ang pambansang kanta ng Pilipinas bago nito naabot ang kasalukuyang anyo na mayroong pamagat na “Lupang Hinirang.”

Ating makikita na ang orihinal na bersyon nito ay ginawa pa ni Julian Felipe noong 1898. Ito ay kanyang pinamagatan na “Marcha Filipina Magdalo.”

Sa kasalukuyang bersyon naman ay ginamit ang bersyon nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo noong dekada 1940s at isinalin sa wikang filipino at ginawang pambansang awit. At pagdating ng taong 1956, ito ay naging “Lupang Hinirang” sa ilalim ng pamumuno ni Ramon Magsaysay.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment