PAGSALAYSAY – Ngayong araw, ating tatalakayin kung ano ang pagsalaysay, uri, at mga halimbawa nito. Inyu ring matutunghayan ang mga uri ng salaysay sa artikulong ito.
Ang inyung mga katanungan ay ating sasagutin sa maikling oras lamang. Basahing mabuti ang mga importanteng impormasyon na aming kinalap at ito ay inyung unawain.
Mahalaga ang pagkakaroon ng maraming kaalaman sa ating wikang Filipino. Tunghayan sa ibaba ang mga uri ng salaysay at kung ano ang pagsalaysay, uri, at halimbawa.

Sa pagkakataong ito, atin ng bigyan kahulugan ang masining na pagsalaysay, mga uri, at halimbawa nito. Nariyan din ang mga uri ng salaysay na magbibigay liwanag at dagdag kaalaman sa ating lahat.
Ano ang Pagsalaysay?
Ang pagsalaysay o pagsasalaysay ang salitang ugat nito ay salaysay o kuwento. Ito ay nagtataglay ng balangkas at naglalahad ito ng tagpo maaring ito ay simple o masalimuot.
Dagdag pa rito, ito ay ang layuning magkuwento ng mga kaganapan o pangyayari sa masining na paraan.
Uri ng Pagsalaysay
Narito ang dalawang uri ng pagsalaysay:
Salaysay na Batay sa Katotohanan | Salaysay na Likhang-isip |
---|---|
Ito ay hango sa katotohanan o totoong pangyayari. | Ito ay hango batay sa imahenasyon at malawak at malikhaing kaisipan ng isang manunulat. Ang mga pangyayari ay kathang-isip lamang |
Anyo ng pagsalaysay
Narito ang dalawang anyo ng pagsalaysay:
❶Pasulat | ❷Pasalita |
---|---|
Higit na madali ang pagpapahayag sa ganitong paraan. Marahil sa pagsusulat mayroong mahabang oras at panahon ang isang manunulat. Dito maipapahayag ng may-akda ang mga mahahalagang pangyayari, impormasyon, at aliw sa mga mambabasa sa maayos na paraan. | Hindi madali ang pagsasalaysay sa ganitong paraan. Marahil, hindi maiiwasan ang kaba at kailangang ng konsentrasyon. Upang maipahayag ng maayos ang importanteng impomasyon at delalye ng pangyayari sa mga tagapakinig. |
Halimbawa ng Pagsalaysay
Narito ang halimbawa ng pagsalaysay na pasulat na maari ninyong gamitin.
Mga uri ng Salaysay
Narito ang mga uri ng salaysay at ang kahulugan nito.
Salaysay na Nagpapabatid (Informative Narrative)
Ang salaysay na nagpapatid ay isang salaysay na may layuning magbigay kaalaman sa mga mambabasa o mga tagapakinig. Kaya kailangan ito ay tiyak o katotohanan.
Ito ang salaysay na walang banghay na sinusunod. At, ang (3) sangkap nito ay:
- Pagiging kawili-wili
- May layunin
- Makatotohanan
Ang tatlong ito ay kailangang taglayin ng isang salaysay na nagpapabatid.
Mga uri ng Salaysay na Nagpapatid:
- Salaysay na Pangyayari
- Salaysay na Nagpapaliwanag
- Salaysay na Pangkasaysayan
- Salaysay ng Nakaraan
- Salaysay ng Paglalakbay
- Salaysay na Pakikipagsapalaran
- Salaysay na Pantalambuhay
- Anekdota
- Kathang Salaysay
Masining na Pagsasalaysay (Artistic Narrative)
Ang masining na pagsasalaysay ay mayroong layuning makapagbigay aliw sa mga mambabasa o mga tagapakinig. Ito ay may sinusunod na banghay sa paghahanap ng lunas sa mga suliranin ng mga pangunahing tauhan.
Ang ilan sa mga ito ay:
- Alamat
- Kwentong bayan
- Maikling kwento
- Pabula
- Parabula
Bahagi ng Masining na Pagsasalaysay
- Simula
- Gitna
- Wakas
Elemento ng Masining na Pagsasalaysay
- Tauhan
- Tagpuan
- Saglit na kasiglahan
- Suliranin
- Kasuksudulan
- Kakalasan
- Wakas
Konklusyon
Ating tinalakay ang tungkol sa pagsalaysay at mga uri ng salaysay. Ito ay makakatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga aralin sa Filipino. Nagbibigay linaw ito kung ano nga ba ang pagsalaysay, mga uri, at anyo nito.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Pagsalaysay, Uri, At Halimbawa,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang Aralin sa Filipino
- Ano Ang Taludturan
- Ano Ang Malayang Taludturan Halimbawa
- Malikhaing Pagsulat Halimbawa
- Halimbawa Ng Dula
- Ano Ang Tulang Patnigan
We are Proud Pinoy.