Ano Ang Mga Antas Ng Wika At Halimbawa?

ANTAS NG WIKA – Ngayong araw, ang ating tatalakayin ay kung ano ang mga antas ng wika at ang mga halimbawa nito. Andito na naman tayo sa panibagong aralin sa Filipino na ating tutuklasin.

Sa araling ito inyung matutuklasan ang pinakamababang antas ng wika. Handa ka na bang malaman ang kung ano ang antas na wika. Tara na’t ating linangin ang iyong kaalaman ukol sa antas ng wika halimbawa.

Ano Ang Mga Antas Ng Wika At Halimbawa
Ano Ang Mga Antas Ng Wika At Halimbawa

Simulan na nating alamin ang antas ng wika, pero bago iyon atin munang balikan ang kahulugan ng wika upang inyo munang maintindihan kung ano nga ba ito.

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon o na ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa araw-araw. Ang wika ay nagbabago sa isang partikular na lugar.

Dagdag pa rito, ito ay isang kalipunan ng mga signo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang gustong iparating ng kaisipan.

Ngayon, atin ng alamin kung ano ang tinatawag na antas ng wika at ang mga halimbawa nito.

Ano ang Antas ng Wika?

Ang antas ng wika ay tumutukoy sa kung anong uri ng pamumuhay o kung nasaang antas ng lipunan nabibilang ang isang taong gumagamit ng mga salita o wika. Ang bawat tao sa lipunan ay nabibilang sa iba’t-ibang uri ng antas sa lipunan na kanyang ginagalawan.

Dagdag pa rito, ating isaisip na walang magkatulad na indibidwal ang nagtataglay ng parehong uri o istilo ng pananalita.

Ang mga sumusunod ay ang mga aspeto ng pagkakaiba ng antas ng wika:

  • Edad
  • Kasarian
  • Antas ng natapos
  • Pagiging dayuhan o lokal
  • Estado sa buhay
  • Kasalukuyang propesyon
  • Pangkat o grupo na kinabibilangan

Dalawang kategorya ng Antas ng Wika

Heto ang dalawang (2) antas na wika ang kanilang kahulugan at uri.

1. Pormal 

Ito ang antas ng wika na tumutukoy sa mga salitang pamantayan sapagkat tinatanggap, kilakilala, at ginagamit ng mga nakararami lalong-lalo na ang mga nakapag-aral ng wika.

Narito ang mga uri nito:

  • Pambansa
  • Pampanitikan

2. Impormal

Ang impormal naman ay tumutukoy sa mga salitang karaniwan, pang-araw-araw na madalas nating ginagamit sa anumang anyo ng pakikipag-usap.

Ito ang mga wika na kadalasang naririnig at ginagamit sa loob ng bawat tahanan. Tinawag itong impormal sapagkat hindi na kailangag pumunta sa paaralan upang mag-aral ng wika marahil ay kaya lamang itong matutunan kahit hindi pumapasok sa paaralan.

Narito ang mga uri nito:

  • Balbal na salita
  • Lalawiganin
  • Kolokyal

Mga Antas ng Wika at Halimbawa

Ang mga sumusunod ay mga antas na wika at ang kanilang depinisyon at mga halimbawa.

1. Pambansa

Ang pambansa ay ang wikang ginagamit ng buong bansa, sa mga babasahin, paaralan, pamahalaan, sirkulasypong pangmadla at iba pang sentro ng kalakalan o sibilisasyon. Ito ay tumutukoy sa wikang Filipino.

Narito ang ilang halimbawa:

  1. Ama
  2. Ina
  3. Aklat
  4. Kaibigan
  5. Katunggali
  6. Kasintahan
  7. Magnanakaw
  8. Baliw
  9. Masaya
  10. Pera
Kahulugan at halimbawa ng antas ng wika na pambansa
Kahulugan at halimbawa ng “pambansa”

2. Pampanitikan 

Ang pampanitikan ay ginagamit ng mga manunulat sa pangkatha ng dula at iba pang likhang pampanitikan. Ito ay ang pinakamayamang antas na wika, wikang sumusunod sa batas na balarila at retorika.

Samakatwid, ang mga salitang ito ay kadalasang malalalim, talinhaga, masining at makulay. Upang magbigay buhay sa mga akda ng mga manunulat, makata, tagapag-ulat, at mga mamamayahag.

Narito ang ilang halimbawa:

  1. Haligi ng tahanan
  2. Ilaw ng tahanan
  3. Babasahin
  4. Katoto
  5. Kadigma
  6. Iniibig
  7. Malikot ang kamay
  8. Nasiraan ng bait
  9. Ngiting-langit
  10. Pilak o Salapi

Narito ang iba pang halimbawa:

  • Mababaw ang luha o Balat-sibuyas – ang ibig sabihin ng mababaw ang luha ay madaling umiyak.
  • Bukas palad – ang ibig sabihin ng bukas palad ay maluwag sa pusong pagtulong.
Kahulugan at halimbawa ng antas ng wika na pampanitikan
Kahulugan at halimbawa ng antas ng wika na pampanitikan

3. Pabalbal o Balbal na salita

Ang pabalbal o balbal na salita o slang sa wikang Ingles, at tinatawag ding itong salitang kalye. Ito ay itinuturing na may pinakamababang antas ng pakikipagkomunikasyon at uri ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.

Ang wikang ito ay ginagamit ng mga taong kalye. Dagdag pa rito, ito ay maaring nabuo sa pamamagitan ng pagbalik-tad ng mga salitang  kolokyal/pambansa.

Narito ang ilang halimbawa:

Balbal na salitaKahulugan
TsismisUsap-usapan
OlatsTalo
ErpatAma
ErmatIna
PuritaMahirap
SyotaKasintahan
MuztahKamusta
ChibogPagkain
EpalMapapel
ParakPulis
Kahulugan at halimbawa ng antas ng wika na pabalbal o balbal na salita
Kahulugan at halimbawa ng antas ng wika na pabalbal o balbal na salita

4. Panlalawigan o lalawiganin

Ang panlalawigan o lalawiganin ay tumutukoy sa salita o grupo ng mga salita o dayalik na ginagamit sa isang lalawigan lamang. Ito ay makilala sa ibat-ibang tono at pananalita.

Narito ang ilang halimbawa:

TagalogCebuanoHiligaynon
PangitBatiLaw-ay
LakadLakawLakat
PeraKwarta o salapiKwarta
DamitSininaBayo
Bigas o kaninBugas o humayBugas o kan-on
Bading o BaklaBayotAgi
IbonLanggamPispis
LanggamHulmigasSubay
HalikHalokHalok
KapatidIgsuonUtod
Kahulugan at halimbawa ng antas ng wika na panlalawigan o lalawiganin
Kahulugan at halimbawa ng panlalawigan o lalawiganin

5. Kolokyal

Ang kolokyal ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit natin sa pang araw-araw na salita ngunit ito may kagaspangan at may pagkabulgar.

Narito ang ilang halimbawa:

Pormal na salitaKolokyal
NaroonNaron
Hindi ba?Diba?
IpinangakoPinangako
DalawampuDalwampu
KauntiKonti
KailanKelan
At sakaTsaka
PuwedePwede
KaibiganAmigo o amiga
KasintahanNobya o nobyo
Kahulugan at halimbawa ng antas ng wika na kolokyal
Kahulugan at halimbawa ng kolokyal

Halimbawa ng Antas ng Wika

Inyung matutunghayan sa ibaba ang ibat-ibang halimbawa ng antas na wika.

PambansaPampanitikanBalbal na salitaPanlalawigan o lalawiganinKolokyal
KatunggaliKadigmaKontrabida o kontrabidoKalaban – (Tagalog)
Kontra – (Hiligaynon)
Kaaway
KaibiganKatoto“tol,” “pare,” “mare,” “ghorl,” “chong”Mega o mego – (Hiligaynon)
Abyan – (Cebuano)
Amigo o Amiga
KasintahanIniibig
o kabiyak
Jowa
Uyab (Cebuano)
Nobya o nobyo
MasayaNgiting-langitSayaMalipayon (Cebuano)
Sadya (Hiligaynom)
Hapi
AklatBabasahinLibrolibro (hiligaynon)Libro
PulisAlagad ng batasParakPulisLespu
PeraPilakDatungKwarta (Hiligaynon, Cebuano)Salapi

Konklusyon

Ating tinalakay sa araling ito ang tungkol sa kung ano ang antas ng wika at ang mga halimbawa nito. Tiyak na makakatulong ito sa paglinang ng inyong mga kaalaman sa ating wikang Filipino.

Sana ay marami kayong natutunan sa ating talakayan ngayong araw. Sinisigurado namin na kayo ay aming mabigyan ng kasagutan sa bawat tanong ukol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.

Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyung pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Mga Antas Ng Wika At Halimbawa?,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment