MALAYANG TALUDTURAN – Sa araling ito, ating tatalakayin kung ano ang kahulugan ng malayang taludturan at mga halimbawa ng tula. Mahalagang marami tayong nalalaman tungkol sa ating sariling wika.
Ating palawakin ang inyong kaalaman tungkol sa wikang Filipino sa pamamagitan ng artikulong ito. Basahin at intindihing mabuti ang bawat detalye na aming inilagay. Halina’t tunghayan sa ibaba ang malayang taludturan kahulugan at ang mga tulang halimbawa nito.

Bago ang lahat, ang malayang taludturan ay isa sa mga uri ng taludturan, kasama rito ang tradisyunal at blangko verso. Ang tradisyunal ay isang halimbawa ng taludturan na may sukat at tugma. Ito ay tinawag na tradisyunal sapagkat nakasanayan ito ng mga makata at maganda pakinggan ang mga tugma.
Samantala, ang blangko verso ay isang halimbawa ng taludturan na may sukat ngunit walang tugma. Ang blangko verso ay berson ng tula na basehan ng mga pantig sa bawat taludtod.
Ngayon, atin ng talakayin ang tungkol sa malayang taludturan kahulugan at mga halimbawa nito. Mahalagang mayroon tayong malawak na kaaalam sa ating sariling wika.
Ano ang Malayang Taludturan?
Ang malayang taludturan ay isa sa mga uri ng taludturan. Ito ay walang sinusunod na sukat o bilang ng pantig. Bukod rito, wala rin itong tugma o sintunog. Ibig sabihin, malayang maipahayag ng makata ang kanyang masidhing damdamin, kaisipan at mga saloobin.
Ito ang madalas ginagamit ng mga makata sa kanilang mga tula. Dagdag pa rito, ito ay tinatawag na “free verse poetry,” ito rin ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla.
Tinatawag itong malayang taludturan dahil malaya ang makata sa pagpapahayag ng kanyang kaisipan at anumang saloobin.
Ngunit, hindi ibig sabihin na dahil sa walang tugma at sukat ang taludturang ito ay hindi na magandang basahin o pakinggan. Ang bawat ideya ng mga tula ay nabibigyan pa din kulay depende sa kaisipan ng isang makata.
Malayang Taludturan Halimbawa
Narito ang ilang mga halimbawa ng malayang taludturan sa tula
“Lupa”
Lupa, narito ang lupa!
ikaw ay dumakot sa nakalahad mong palad
na makapal ay iyong timbangin at madarama
mo ang buong sinukob. diyan nakatanim ang
ugat ng buhay; umusbong sa patak ng masinsing
ulan. batis ay dumaloy na tulad ng ahas
na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok. ang
halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang
sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw
sa maraming mata ang magandang tampok.
nag-iwan ng sugat ang maraming daan.
dunong ay nanaig, nabuksan ang dibdib,
gaputok mang daing ay di mo naringgan.
ang pasalubong pa’y malugod na bating —
“tuloy, kabihasnan!”
lupa, narito ang lupa!
ang buhay mong hiram ay diyan nagmulang
bigay-bawi lamang. sa mayamang dibdib:
diyan napahasik ang punla ng buhay na
kusang susupling sa pitak ng iyong hirap
at paggawa. katawang-lupa ka. narito
ang lupang karugtong ng iyong buhay at
pag-asa. dibdib. puso. bait. ang katauhan
mo’y lupa ang nagbigay. ang kasiyahan mo,
tamis ng pag-ibig at kadakilaan.
sapagka’t lupa ka, katawang-lupa ka —
ganito ring lupa. diyan ang wakas
mong galing —
sa simula!
Isinulat ni Manuel Principe Bautista
Bukas ko Isa-isang Itatapon
Bukas ko isa-isang itatapon
Ang mga multo ng kahapon,
Isasapi ko sa mga alon,
Ang luha kong bumabalong.Harinawang magtagumpay
Sa pag-iiba nitong lakbay,
Kasihan sana ang saysay,
Nang mawala itong lumbay!Ang dumi kong kalooban,
Ilalaglag ko sa daan,
Pagbalik ko sa hangganan,
Iba na akong nilalang!At sa puti ng alapaap,
Isinulat ni: Avon Adarna
Harinawang tumalab,
At makita ang kislap,
Nitong Poong maliyag!
Ano ang Malayang Tula?
Ang malayang tula ay tumutukoy sa isang tula na walang sinusunod na sukat at tugma o isinusulat ng walang patakaran. Malayang maipahayag ng makata ang kanyang damdamin at saloobin.
Dagdag pa rito, ito ay hindi ginagamitan ng mga malalalim na mga salita at kadalasan mga salitang di pormal ang maririnig sa mga tulang ito.
Halimbawa ng tula na may malayang taludturan:
“Pandesal sa Umaga”
Tuwing umaga si Nena ay nagtitinda,
“Pandesal kayo diyan, pandesal sa umaga”.
Pagkatapos magtinda, siya ay nagpapaligo pa,
Ng kaniyang kapatid na may diperensiya.
Habang papasok sa eskwela,
Tindahan ng sapatos ay dinudungaw niya,
Ang presyo nito ay hindi niya kaya,
“Isang araw mabibili din kita” sambit niya.
Kinabukasan, “pandesal kayo diyan, pandesal sa umaga”
Ang bungad ni Nena, na may ngiting hindi maipinta.
Pagkatapos magtinda, siya ay nagpapaligo pa,
Ng kaniyang kapatid na may diperensiya.
Pagpasok sa eskwela, suot suot na
Ang sapatos na dinudungaw niya,
Salamat kay Ma’am, na nagbigay sa kanya,
Ng bagong sapatos na noon pa lamang, pinangarap na niya.
Ang tulang ito ay nagmula sa brainly
Konklusyon
Ngayon ay alam mo na ang ibig sabihin o kahulugan ng malayang taludturan at mga halimbawa nito. Ito ay walang sinusunod na sukat o bilang ng pantig. Bukod rito, wala rin itong tugma o sintunog. Ibig sabihin, malayang maipahayag ng makata ang kanyang masidhing damdamin, kaisipan at mga saloobin.
Ang paksang ito ay nakakasiguradong isang malaking tulong sa mga mag-aaral sa kanilang aralin sa Filipino. Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Malayang Taludturan Halimbawa,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang Aralin sa Filipino
- Karunungang Bayan Halimbawa
- Ano Ang Pasuksol
- Ang Kuba Ng Notre Dame
- Ponemang Suprasegmental
- Ano Ang Taludturan, Uri, At Mga Halimbawa Nito
We are Proud Pinoy.