Ano Ang Kahulugan Ng Pambansang Watawat Ng Pilipinas?

PAMBANSANG WATAWAT NG PILIPINAS – Sa artikulong ito, ating matututunan kung ano nga ba ang kahulugan ng katangi-tanging watawat ng Pilipinas. Atin ring maiintindihan kung ano nga ba ang kahulugan ng mga symbolismo sa watawat ng Pilipinas.

Nawa’y sa pagbabasa ninyo ng artikulong ito ay inyo na tuluyang maintindihan kung ano nga ba ang kahulugan na pambansang watawat sa Pilipinas. At, kung ano nga ba ang sinisimbolo nito.

Ano Ang Kahulugan Ng Pambansang Watawat Ng Pilipinas?
Ano ang Kahulugan ng Pambansang Watawat ng Pilipinas?

Pambansang Watawat Ng Pilipinas

Ang bansang Pilipinas ay may isang bicolor na watawat na mayroong mga simbolo. Ang watawat na ito ay binubuo ng tatlong kulay, ito ay ang kulay na royal blue, crimson red, at puti. Ito ay may pantay na mga banda ng royal blue at crimson red, na may puting equilateral na tatsulok sa gilid ng watawat.

Ang tatlong kulay na ito ay mayroong mga natatanging kahulugan. Ang puti ay nangangahulugan ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran. At kapag binaliktad ang watawat at nailagay sa itaas ang kulay na pula ito ay mangangahulugan na ang bansa ay nasa ilalim ng state of war.

Sa gitna ng tatsulok ay ating makikita ang isang dilaw na araw na mayroong walong pangunahing sinag. Ito ay nagrerepresenta ng mga probinsya sa bansang Pilipinas.

Makikita rin natin sa gitna ng tatsulok ang tatlong dilaw na bituin. Ang mga ito ay nagrerepresenta naman ng tatlong pangunahing isla sa bansa. Ito ay ang Luzon, Visayas, at Midanao.

Noong Mayo 28, 1898, unang iniladlad ang watawat ng Pilipinas matapos talunin ng Philippine Revolutionary Army ang mga pwersa ng Espanyol sa labanan sa Alapan, Imus, Cavite. Ang pambansang watawat ay hindi pa pormal na inihayag sa araw ng labanang iyon.

June 12, 1898, ay ang taon na kung saan unang ipinakilala o ipinakita sa publiko ang orihinal na bersyon ng pambansang watawat ng Pilipinas. At, ang kasalukuyang bersyon na ginagamit naman ay unang ipinakilala sa taong 1998 February 12.

Konklusyon

Bilang mga pilipino, ang ating watawat ay isang napaka-importanteng simbolo para sa atin. Ito ay ang ating pinaninindigan para sa pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino sa bansa. Ito rin ang sagisag ng ating bansa, kung ano tayo noon, kung ano tayo ngayon, at kung ano ang inaasahan nating maging tayo sa ating hinaharap.

Kaya’t sa pangkalahatan, ating masasabi na ang ating watawat ay ang isa sa mga importanteng bagay sa ating buhay. Sapagkat, hawak nito ang ating kasaysayan mula pa sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol at hanggang sa tayo ay makalaya sa kanilang pamumuno pagkalipas ng 333 years.

Nawa’y sa pagtatapos ng artikulong ito ay mayroon kayong panibagong aral na natutunan patungkol sa pambansang watawat ng Pilipinas.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

We are proud Pinoy!

Leave a Comment