KAHALAGAHAN NG WIKA – Sa araling ito, ating tatalakayin kung ano-ano ang mga kahalagahan ng wika sa buhay ng tao, sa lipunan, at sa komunidad. Aalamin natin kung bakit nga ba mahalaga ang wika?
Isa na naman ito sa mga aralin sa Filipino na makakadagdag sa inyung mga kaalaman. Halina’t ating sabay-sabay na alamin ang mga kahalagahan ng wika sa ating buhay at sa lipunan.

Bago natin tuklasin ang mga kahalagahan ng wika. Atin munang balikan ang kahulugan ng wika upang inyu munang maunawaang mabuti kung ano nga ba ang tinatawag na wika.
Ano ang kahulugan ng wika?
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon o na ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa araw-araw. Ang wika ay nagbabago sa isang partikular na lugar.
Dagdag pa rito, ito ay isang kalipunan ng mga signo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang gustong iparating ng kaisipan. Ang bawat bansa ay mayroong ibat-ibang wikang ginagamit samantala, ang pambansang wika sa Pilipinas ay Filipino.
Sa Pilipinas ay mayrong walong (8) pangunahing wika, ito ay ang mga sumusunod:
- Ilokano
- Hiligaynon
- Bikol
- Pangasinan
- Cebuano
- Pampanggo
- Tagalog
- Waray
Sa pagkakataong ito, atin ng simulang alamin ang mga kahalagahan ng wika at kung ito mahalaga sa buhay ng tao, sa lipunan, at sa komunidad.
Mga Kahalagahan Ng Wika
Ang mga sumusunod ay ang mga kahalagahan ng wika sa buhay ng tao, sa lipunan, at sa komunidad.
1. Ang wika ay mahalaga dahil ito ang ating ginagamit sa pakikipagkomunikasyon upang maipahayag ang ating kaisipan. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaintindihan ang bawat isa.
2. Ang wika ay ginagamit ng tao sa partikular na lugar at ang nagiging tulay ng pagkakaisa at pagkakaunawaan na magiging daan sa pagbubuklod ng mga tao tungo sa isang mapayapang lipunan. Tayo ay nagkakaintindihan at nagkakaunawaan sa pamamagitan ng paggamit ng wika.
3. Ito ang dahilan kung nagbubuklod ang bawat tao hindi lamang dito sa ating bansa (Pilipinas), maging sa mga ibang bansa rin.
4. Ang wika ay isang yaman ng bansa at sa pamamagitan ng wika nagkakaroon ng mabilis at madaling komunikasyon.
5. Ang wika ay mahalaga sa ating lipunan sapagkat ating naipapahayag ang ating sariling opinyon, kaisipan, at ideya mga importanteng bagay na makakatulong sa pag-unlad o huminhawa ang komunidad.
6. Ang wika ang nagsisilbing salamin at pagpapahalaga sa ating kultura at kasaysayan. Kung kaya ng dahil sa wika ang kultura ay napapanatili,napapangalagaan, napapayabong, at napapalaganap.
7. Ang wika ay sadyang napakahalaga sa maraming aspeto kagaya na lamang ng edukasyon, media, pamahalaan, at higit sa lahat sa pang-araw-araw na pamumuhay.
8. Mahalaga ang wika sa lipunan, sapagkat naipapahayag ng malinaw ang iba’t ibang adbokasiya at pangangailangan ng bawat tao.
9. Dahil sa wika nabibigyang tinig ang mga simpleng tao sa pamamagitan ng mga medya upang ipalabas ang mga nalalaman, kaisipan at mga saloobin batay sa isang paksa.
10. Ang wika ang ginagamit ng maraming bansa upang palakasin ang relasyon at samahan sa iba pang mga karatigna bansa.
Konklusyon
Sa araling ito, inyong natunghayan ang mga kahalagahan ng wika sa buhay ng tao at sa lipunan. Ang paksang ito ay siguradong makakatulong sa iyong takdang aralin sa Filipino.
Sana ay marami kayong natutunan sa ating tinalakay ngayong araw. Sinisigurado namin na kayo ay aming mabigyan ng kasagutan sa bawat tanong ukol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.
Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.
Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyung pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Kahalagahan Ng Wika Sa Lipunan At Sa Buhay Ng Tao?,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang Aralin sa Filipino
- Ano Ang Anapora At Katapora Halimbawa At Pagkakaiba?
- Kahulugan Ng Wika, Antas, Katangian, At Kahalagahan
- Ano Ang Mga Antas Ng Wika At Halimbawa?
- Ano Ano Ang Katangian Ng Wika At Kahulugan Nito?
- Mga Teorya Ng Pinagmulan Ng Wika
We are Proud Pinoy.