Ano Ang Bionote, Bahagi, Katangian, At Halimbawa Nito

ANO ANG BIONOTE – Ating tatalakayin sa paksang ito kung ano ang kahulugan ng bionate, bahagi, katangian, at halimbawa nito. Bilang isang mag-aaral mahalagang inyung matutunan ang tulad nito.

Sapagkat, makakatulong ito sa paglinang ng inyung pagsusulat. Handa ka na bang tuklasin kung ano ang bionate? Halina’t inyung tunghayan sa ibaba ang mga kasagutan na kailangan ninyung malaman.

Ano Ang Bionote, Bahagi, Katangian, At Halimbawa Nito
Ano Ang Bionote, Bahagi, Katangian, At Halimbawa Nito

Ngayon, atin ng talakayin kung ano ang kahulugan ng bionote, halimbawa, at iba pa. Basahing mabuti ang mga detalyeng aming kinalap dahil makakatulong ito sa tulad mong mag-aaral.

Ano ang kahulugan ng Bionote?

Ang bionote ay isang maikling impormatibong sulatin o paglalarawan na gumagamit ng pangatlong panauhan na pananaw. Upang ipakilala ang katauhan ng isang tao, awtor o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan sa mga tagapakinig o mambabasa.

Ito ay binubuo ng maikling paglalarawan na binubuo ng dalawa hanggang tatlong pangungusap. Kadalasang nakikita ito sa likurang bahagi ng aklat na may kasamang litrato ng may-akda o awtor.

Dagdag pa rito, ang bionote ay maituturing na isang marketing tool. Ginagamit ito para itanghal o ipakilala ang natamo ng isang indibidwal sa ibang tao o sa mga mambabasa.

Nagtataglay ito ng pinakamaikling buod ng mga pag-aaral, pagsasanay, at tagumpay o tinatawag na kredibilad bilang isang may akda.

Ano ang layunin ng Bionote?

Ang layunin ng bionote ay upang bigyan ng isang “personal profile” ang isang tao, may-akda o awtor. Ito ay nagpapakita kung ano ang kanyang mga nagawa, kredibilidad, akademikong achievements, mga parangal, at iba pa.

Dagdag pa rito, ito ay isinusulat upang malaman ng mga mambabasa ang karakter at kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Isa ito sa pamamaraan upang maipakilala ng manunulat ang kanyang sarili sa mga mambabasa.

Ano ang nilalaman ng Bionote?

Ang mga sumusunod ay ang mga nilalaman ng bionote:

  • Pangalan ng panauhin, may-akda o awtor.
  • Pangunahing Trabaho.
  • Edukasyong natanggap.
  • Akademikong parangal.
  • Kasalukuyang Trabaho.
  • Organisasyon na kinabibilangan.
  • Tungkulin sa Komunidad.
  • Mga proyekto na kanyang ginagawa o nagawa.
  • Listahan ng mga parangal.

Bahagi Bionote

Narito ang tatlong bahagi ng bionote:

  • Personal na impormasyon ng isang tao, may-akda o awtor tungkol sa kanyang pinagmulan, edad, buhay kabataan at sa kasalukuyan.
  • Kaligirang pang-edukasyon mga paaralan na kanyang pinasukan, digri na tinapos, at mga karangalan.
  • Mga ambag sa larangang kinabibilangan ito ay mga kontribusyon at mga adbokasiya.    

Katangian ng Bionote

Narito ang mga katangian ng maayos na Bionote

  • Maikli ang nilalaman
  • Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw.
  • Kinikilala ang mambabasa.
  • Gumagamit ng baligtad na tatsulok, simula sa pinakamahalagang impormasyon hanggang sa di gaanong mahalaga.
  • Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian.
  • Binabanggit ang degree kung kailangan.
  • Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.

Dalawang Katangian ng Bionote

Maikling tala ng may-akda – ito ay ginagamit para sa journal at antolohiya. Maikli lamang ito subalit punong sa impormasyon.

Mahabang tala ng may-akda – ito ay may mahabang prosa ng isang Curriculum vitae at karaniwang naka dobleng espasyo.

Ginagamit ito sa mga sumusunod:

  • Aklat
  • Curriculum Vitae
  • Encylopedia
  • Tala sa aklat ng pangunahing Manunulat
  • Tala sa hurado ng mga lifetime awards
  • Tala sa administrador ng paaralan

Nilalaman ng isang mahabang tala ng may akda

  • Pamagat ng mga nasulat
  • Kasalukuyang posisyon     
  • Edukasyong Natamo
  • Listahan ng parangal
  • Karanasan sa propisyon o trabaho
  • Pagsasanay na sinalihan
  • Gawain sa pamayanan
  • Gawain sa organisasyon

Halimbawa

halimbawa ng bionote

Si Dr. Karla Denice Smith ay isang tagapangasiwa ng kayaman sa Bacolod City. Siya rin ay isang Professor sa isang malaking paaralan sa Bacolod.

Siya ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Commerce major in Accounting sa De La Salle University, Bacolod. Bilang isang summa cum laude.

Isa siyang ganap na Certified Public Accountant pagkatapos niyang makapasa sa Board of Accountancy at myembro ng magaling na Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA), Association of Certified Public Accountants in Education at PICPA Foundation.

Tinapos niya ang kanyang Master’s Degree sa Unibersidad ng Cebu noong 2000. Natapos rin niya ang kanyang Doctor’s Degree sa parehong pamantasan. Siya ay nagtrabaho bilang isang accounting clerk sa isang malaking Banko sa loob ng sampung taon at naproklama bilang Chief accountant.

Naging tagapagsalita rin siya ng maraming organisasyon at ahensiya. Si Dr. Smith ay bihasa sa maraming larangan gaya ng kompyuter, kooperatiba, edukasyon, at pakikipagkomunikasyon.

Paano gumawa ng Bionote?  

Ito ang mga dapat tandaan sa paggawa ng bionote.

Kailangan mong tandaan na magkaiba ang bionote sa talambuhay o autobiography. Dahil malaki ang pinagkaiba ng dalawa:

  • Ang bionote ay kailangang maikli ang nilalaman ngunit siksik sa mahahalagang impormasyon.  Samantalang ang talambuhay naman ay dapat ay mas detalyado at mas mahaba ang uri ng pagsusulat.
  • Kailangan mo ring malaman na iba ang bionote sa resume, curriculum vitae, at  biodata. Ang mga personal na impormasyon kagaya ng pangalan, edad, tangkad, kapanganakan, lugar ng kapanganakan, at kasarian ay karaniwan ng hinihingi sa mga resume, cv at biodata.
  • Kailangan ding tandaan na kailangan maging tapat sa paglalahad ng mga impormasyon.

Konklusyon

Ating tinalakay sa araling ito ang tungkol sa kung ano ang bionote, kasama ang mga bahagi, katangian, at ang halimbawa ng bionote. Tiyak na makakatulong ito sa tulad mong mag-aaral.

Ang artikulong ito ay magbibigay sa inyu ng mga kasagutan sa inyung aralin sa Filipino. At, ikinagagalak namin na kayo ay mabigyan ng wastong kaalaman hindi lamang tungkol sa bionote kundi sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan.

Nawa ay marami kayong kayong natutunan sa ating tinalakay. Kaya, hinihikayat ko kayong patuloy na magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Bionote, Bahagi, Katangian, At Halimbawa Nito,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment