Ano Ang Anapora At Katapora Halimbawa At Pagkakaiba?

ANAPORA AT KATAPORA HALIMBAWA – Sa araling ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan, halimbawa, at pagkakaiba ng anapora at katapora. Isa ito sa mga aralin na kailangan ninyung matutunan bilang isang mag-aaral.

Tara na’t sabay-sabay nating linangin ang ating mga kaalaman at matuto sa panibagong aralin ukol sa anapora at katapora halimbawa.

Ano Ang Anapora At Katapora Halimbawa At Pagkakaiba
Ano Ang Anapora At Katapora Halimbawa At Pagkakaiba

Bago tayo magpatuloy ay tumungo sa pagkakaiba at halimbawa ng anapora at katapora. Atin munang alamin ang kanilang depinisyon o ang kahulugan ng anapora at katapora upang tayo ay maliwanagan.

Anapora kahulugan

Ang kahulugan ng anapora ay mga panghalip na makikita at ginagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap.

Halimbawa ng anapora sa pangungusap:

  1. Ako ay natanggap sa trabaho at lubos na kaligayahan ang nadarama ko.
  2. Hindi lubos maisip ni Karlo na mamanalo siya sa patimpalak.
  3. Ang aking mga magulang ay nagbibigay lakas sa akin. Sila ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap na magtatrabaho.
  4. Si Sarah ay isang sikat na mang-aawit sa bansa. Siya ay hinahangaan ng marami.
  5. Ang Baguio ay magandang bakasyonan tuwing tag-init. Ito ay mayroong magagandang tanawin na nagustuhan ng mga turista.

Katapora kahulugan

Ang katapora ay tumutukoy sa isang salita o parirala na binabanggit sa hulihan at kadalasan ito ay panghalip.

Sa madaling salita, ito ay panghalip na ginagamit sa unahan ng pangungusap bilang kahalili ng pangngalang nasa gitna o hulihan.

Halimbawa ng katapora sa pangungusap:

  1. Ito ang magandang tingnan tuwing gabi ang maliliwanag na mga bituin.
  2. Sila ang aking inspirasyon sa pag-aaral. Ang aking mga magulang ang dahilan ng aking natamo.
  3. Ito ang katas ng aking paghihirap. Pagoonline selling ang nagbigay ng aking mga pangangailangan.
  4. Isinilid niya rito ang lahat ng aming larawan at hangang ngayon ay nakatago pa rin sa baol.
  5. Sila ang kumuha ng aking telepono si Niña at Alex.

Sa pagkakataong ito, atin simulang alamin ang pagkakaiba ng anapora at katapora.

Pagkakaiba ng Anapora at Katapora

Ang anapora at katapora ay tumutukoy sa mga panghalip sa pangungusap at ginagamit ito upang hindi magpaulit-ulit ang pangngalan sa pangungusap. Subalit ano nga ba ang kanilang kaibahan?

Ang kaibahan ng dalawa ay sa posisyon kung saan nakalagay ang panghalip sa pangungusap. Mga dapat tandaan sa anapora at katapora.

  1. Anapora kung ang pangngalang pinalitan ay nasa unahan. (Pangngalan – Panghalip)
  2. Katapora kung ang pangngalang pinalitan ay nasa hulihan. (Panghalip – Pangngalan)

Narito ang kaibahan at halimbawa ng anapora at katapora:

Ang anapora ay mga panghalip na ginagamit o makikita sa hulihan ng pangungusap.Ang mga bata ay nasa bakuran kasama ang kanilang mga kaklase. Sila ay masayang naglalaro.
Ang katapora naman ay mga panghalip na ginagamit at makikita sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng pangungusap.Ito ay ang regalong natanggap ko sa aking kaarawan mula sa aking Magulang.

Konklusyon

Ating napag-aralan sa paksang ito, ang tungkol sa anapora at katapora halimbawa. Ikinagagalak namin na masagot ang inyung mga katanungan batay sa pagkakaiba at halimbawa ng anapora at katapora.

Sana ay marami kayong natutunan sa ating talakayan ngayong araw. Sinisigurado namin na kayo ay aming mabigyan ng kasagutan sa bawat tanong ukol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.

Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyung pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Anapora At Katapora Halimbawa At Pagkakaiba?,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin sa Filipino

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment