ALITERASYON – Sa araling ito, ang ating tatalakayin ay kung ano nga ba ang tinatawag na aliterasyon, mga halimbawa, at ang layunin nito. Isa na namang aralin ang ating bubuksan ngayong araw na makakatulong sa mga mag-aaral.
Lalo na sa gustong matuto ng ibat-ibang aralin sa Filipino. Sa paksang ito mabibigyang linaw ang mga bumabagag sa iyong mga isipan tungkol sa aliterasyon. Halina’t ating sabay-sabay nating tuklasin kung ano nga ba ang aliterasyon?

Bago tayo magpatuloy ay aalamin muna natin kung ano ang pag-uulit. Sapagkat, ang ating tatalakayin ngayon ay isa sa mga uri ng pag-uulit. Ang pag-uulit naman ay isa sa mga uri ng tayutay.
Ang pag-uulit ay tumutukoy sa mga pahayag na ginagamitan ng magkakatulad na pantig o titik sa isang salita. Ito ay tinatawag ding reduplikasyon na maaring may kaunting pagbabago o wala.
Ngayon atin ng alamin ang kahulugan ng aliterasyon, bago ang halimbawa at ang layunin upang mabilis ninyung maunawaan.
Ano ang Aliterasyon?
Ang aliterasyon ay ang paggamit ng magkakatulad o pag-uulit ng unang titiik, tunog o unang pantig ng inisyal na bahagi ng salita o pahayag. Sa kadahilanang makapagbigay ng kakaibang punto o istilo.
Ito ay kadalasang makikita sa mga awit, tula, balagtasan, pagsusulat ng talambuhay, at mga kwento.
Dagdag pa rito, ang pag-uulit nito ay lantad sa pagkakaroon ng parehong inisyal na mga tunog ng katinig o patinig na magkasunod-sunod sa loob ng isang pahayag o salita.
Gayunman, ang aliterasyon ay hindi lamang magkakapareho sa tunog ang iba naman ay mayroon lamang ugnayan ang kanilang kahulugan sa mga salitang hindi magkapareho ng pagkabaybay.

Mga uri ng Aliterasyon
Ang aliterasyon ay mayroong dalawang uri, ito ang konsonans o kaayunan at asonansiya.
✔ Konsonans o kaayunan
Ang konsonans o tinatawag na kaayunan ay ang uri ng aliterasyon na inuulit ang mga pantig na tunog katinig. Huwag kalimutan na hindi titik ang inuulit, ngunit ang tunog lamang na halos magkatulad.
Heto ang ilang halimbawa ng konsonans:
- Magaling siyang makata kaya nakuha niya ang magandang dalaga.
- Walang nagawa ang walong taong gulang na bata sa binatang si Walter
- Ako ay nagdarasal ng taimtim hanggang umabot na ng takip-silim.
- Agad naming hinikayat ang pangkat ng mga mandaragat sa aming pook.
- Ang aking pagmahahal ay kay Rizal lalong lumalalim habang tumatagal.
✔ Asonansiya
Ang asonansiya ay ang uri ng aliterasyon na kung saan ang tunog lamang na patinig ang inuulit mula sa pahayag o bahagi ng salita.
Heto ang ilang halimbawa:
- Sising-sisi si Silvia sa kanyang mga sinabe.
- Sobrang lakas na ipu-ipo ang dumapo sa aming bahay-kubo.
- Ako’y hilong-hilo sa daanang liko-liko.
- Hindi mo iniintindi si Abi kaya ganun nalang katindi ang galit niya sayo.
- Buong buhay ko kayo ang iniisip at inintindi ko.

Layunin ng Aliterasyon
Ang mga sumusunod ay mga layunin ng aliterasyon, ito ginagamit sa mga awit, kwento, tula, at marami pang iba.
- Nagbibigay ito ng mas madiin na kahulugan ng mga salita.
- Mas mabilis na maintindihan ng mga mambabasa ang kabuuan at kahulugan ng isang panitikan.
- Nagbibigay ito ng kakaibang aliw at katatawanan sa mga mambabasa sa paggamit ng magkatulad na bigkas at tunog.
- Nagiging kapansin-pansin ang mga salitang ginagamit.
- Ginagamit ito upang makagawa ng magandang tunog ng musika o ritmo, at sa pagsusulat ng panitikan.
- Ito rin ang ginagamit o nagiging gabay upang mas lalong mahikayat ang mga mambabasa na tangkilin kung ano ang sariling panitikan.
- Sa tulong nito nailalabas ng may-akda ang kanyang pagiging mahusay na makata at malikhain.
Halimbawa ng Aliterasyon
Ang mga sumusunod ay ang iba pang halimbawa ng aliterasyon.
- Ang daanang liko-liko ay talaga namang nakahihilo.
- Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
- Ang lalaking nasanay sa loob ng bahay ay hindi naghahanap ng makakaaway.
- Walang respito ang pagsagot ng taong barumbado at basagulero.
- Masakit sa tenga ang boses na manipis at matinis.
- Ang maggang dala ni Maria ay masarap, matamis, at malaman.
- Sadyang kay bilis umalis ng ipis.
- Ang Pilipina ay isang babaeng morena, mabait, at maganda.
- Ang tunay na kagandahan ay ang kakayahang makagawa ng kabutihan sa kapwa.
- Ninakaw na naman ni Nadia ang aking pitaka.
Konklusyon
Ating tinalakay sa araling ito, ang tungkol sa kung ano ang aliterasyon. Narito rin ang mga uri at ilang halimbawa ng aliterasyon kasama ang mga layunin nito. Ang paksang ating pinag-aralan ay tiyak na makakatulong sa inyung mga aralin sa Filipino
Sana ay marami kayong natutunan sa artikulong ito. Sapagkat, tinitiyak namin na kayo po ay aming mabigyan ng wastong kasagutan sa inyung mga katanungan sa ibat-ibang aralin sa Filipino.
Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.
Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyung pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Aliterasyon, Halimbawa, Mga Uri, At Layunin?,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang Aralin sa Filipino
- Paralelismo Kahulugan At Mga Halimbawa
- Ano Ang Retorika o Retorikal Na Tanong At Halimbawa Nito?
- Pangitain Kahulugan – Halimbawa Ng Tayutay na Pangitain
- Ano Ang Pagtatambis o Oksimoron At Ang Halimbawa Nito?
- Halimbawa Ng Salantunay O Paradox At Kahulugan
We are Proud Pinoy.