Ano Ang (8) Walong Elemento Ng Tula

ELEMENTO NG TULA – Sa artikulong ito, ating tatalakayin kung ano ang (8) walong mga elemento ng tula sa Filipino. Mangyaring intindihin ng mabuti ang ating paksa at gamitin sa ating pagsulat ng mga tula.

Napakahalagang maging pamilyar tayo sa paksang ito upang mas mainitihan natin kung paano basahin at intindihin ang isang tula. Isa rin itong magandang paraan upang mas yumabong ang ating kaalaman sa asignaturang Filipino at mga topikong kagaya din nito.

Ngayon, kung handa ka na, ating alamin kung ano ang walong elemento ng tulang Filipino.

Ano ang (8) Walong Elemento Ng Tula
Ano ang (8) Walong Elemento Ng Tula

Ano Ang Tula?

Ang Tula o “poem” sa wikang Ingles ay isang anyo ng panitikan nag nagpapahayag ng ideya o kaisipan ng manunulat gamit ang matalinhagang salita. Ito ay binubuo ng mga saknong at taludtod.

Mga Elemento Ng Tula

Mga Elemento ng Tula
Mga Elemento ng Tula

Ang tula ay may (8) walong elemento. Ang mga ito ay ang anyo, kariktan, persona, saknong, sukat, talinhaga, tono o indayog, at tugma. Ngayon, ating talakayin ang bawat isa upang mas lalo natin itong maintindihan.

1. Anyo

Ang anyo ay tumutukoy sa kunbg paano isinulat ang isang tula. Ang tula ay nagtataglay ng apat na anyo.

A. Malayang Taludturan

Ang malayang taludturan ay walang sinusunod na tugma, sukat, o anyo. Nakabase ito sa karaniwang nais ng isang manunulat. Karaniwang nasa anyong malayang taludturan ang mga tulang isinulat ni Alejandro Abadilla.

B. Tradisyunal

Ang tradisyunal na anyo ng isang tula ay may sukat, tugma, at mga matatalinhagang salita. Nasa anyong tradisyunal ang ilan sa mga halimbawa ng tula na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Isa sa mga ito ay ang tula na pinamagatang, “Isang Alaala ng Aking Bayan.”

C. May Sukat Na Walang Tugma

Ang anyo ng tula na may sukat na walang tugma ay tumutukoy sa mga tulang may tiyak na bilang ng pantig, subalit, ang mga huling pantig ay hindi magkakatugma o hindi magkakasintunog.

D. Walang Sukat Na May Tugma

Ang anyo ng tula na walang sukat na may tugma ay tumutukoy sa mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod, subalit, ang mga huling pantig ay magkakatugma o magkakasintunog.

2. Kariktan

Ang kariktan ay tumutukoy sa hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa. Ang elemento ng tula na ito ay nagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga mambabasa.

Sa pagsulat ng gitong elemento ng tula, kailangang masiyahan ang mga mambabasa gayon din ang mapukaw ang kanilang damdamin at kawilihan sa pamamagitan ng paggamit ng mga maririkit na salita.

3. Persona

Ang elemento ng tula na persona ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kadalasan, iisa lang ang persona at ang makata. Pwede rin namang magkaiba ang kasarian ng makata at persona. Kung minsan ang persona ay maaaring isang bata, pusa, matanda, o iba pang nilalang.

4. Saknong

Ang saknong ay siyang tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Maaari itong magsimula sa dalawa o higit pang taludtod sa isang tula.

Sa madaling salita, ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod o linya. Tinatawag ang saknong na:
2 linya – couplet
3 linya – tercet
4 linya – quatrain
5 linya – quintet
6 linya – sestet
7 linya – septet
8 linya – octave

Ang mga grupo ng saknong kagaya ng couplets, tercets at quatrains ay karaniwang ginagamit sa mga tula.

5. Sukat

Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod. Karaniwan itong may sukat na waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.

Sa madaling salita, ang sukat ay bilang ng pantig ng bwat taludtod na bumubuo ng isang saknong sa tula. Tumutukoy naman ang pantig sa paraan ng pagbabasa.
Halimbawa:
nagugunita – na gu gu ni ta – ito ay may limang pantig
nagugunita ko ang nagdaang araw – ito ay may 12 na pantig

Mga Uri Ng Sukat

  1. Wawaluhin – may 8 na pantig
  2. Labindalawahin – may 12 na pantig
  3. Lalabing-animin – may 16 na pantig
  4. Lalabing-waluhin – may 18 na pantig

6. Talinhaga

Ang talinhaga na elemento ng tula ay tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagag salita at tayutay.

Dagdag pa rito, kinakailangan gummamit ng maga matatalinhagang mga pahayag o tayutay upang pukawin ang damdamin ng bawat mambabasa.

Ang tayutay ang ang paggamit ng simile, pagwawangis, pagtutulad, pagtatao, at iba pa upang ilantad ang talinhaga ng tula.

7. Tono o Indayog

Ang tono o indayog ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Karaniwan itong pataas o pababa.

8. Tugma

Ang tugma ay tumutukoy sa pagbigkas o pagkakasintunog ng mga huling pantig ng mga salita sa bawat taludtod ng tula. Nakatutulong ito sa magandang pagbasa ng tula. Karaniwan din itong nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Ang elemento ng tula na tugma ay ay isa katangian na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Kadalasan, masasabi nating may tugma ang isang tula kung ang huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ay magkakasintunog.

Mga Uri Ng Tugma

A. Tugmang Ganap

Ang tugmang ganap ay paraan ng pagtutugma ng huling pantig ng salita sa bawat taludtod na nagtatapos sa patinig.

B. Tugmang Di-ganap

Ang tugmang di-ganap ay paraan ng pagtutugma ng huling pantig ng salita sa bawat taludtod na nagtatapos sa katinig.

Konklusyon

At ngayon ay nalaman mo na kung ano ang walong mga elemento ng tula na ating aralin. Sana ay nakatulong sa inyong pag-aaral ang toipkong ito. Napakahalaga talagang malaman ang ganitong paksa upang mas yumabong pa ang ating karunungan sa wikang Filipino.

Isang malaking bagay ang pag-aaral nito lalo na kung kayo ang masugit na tagabasa ng mga tula o magaling sumulat nito. Isang paraan ang pag-aaral nito upang malinang ang inyong kasanayan sa paggawa ng mga tula.

Kung mayroon kayong tanong o suhestyon tungkol sa topikong ito, maaari kayong magsulat ng komento sa ibaba. Ngunit, kung mayroon naman kayong hinahap na iba pang aralin sa Filipino ay bumisita lamang sa aming websyt. Maraming salamat.

Iba Pang Aralin Para Sa Inyo

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment