ANADIPLOSIS HALIMBAWA – Ano nga ba ang tinatawag na anadiplosis, kahulugan, at mga halimbawa nito. Sasagutin natin ang lahat ng yan sa tulong ng artikulong ito.
Ang paksang ito ay siguradong makakatulong sa inyung aralin sa Filipino. Gusto mo na bang tuklasin kung ano ang mga ito? Tara na’t sabay-sabay nating alamin ang anadiplosis halimbawa.

Bago tayo tumungo sa halimbawa ng anapdilosis, atin munang balikan kung ano ang pag-uulit. Sapagkat, ang ating tatalakayin ngayon ay isa sa mga uri ng pag-uulit. Ang pag-uulit naman ay isa sa mga uri ng tayutay.
Ang pag-uulit ay tumutukoy sa mga pahayag na ginagamitan ng magkakatulad na pantig o titik sa isang salita. Ito ay tinatawag ding reduplikasyon na maaring may kaunting pagbabago o wala.
Ngayon, atin ng alamin kung ano ang kahulugan at halimbawa ng anadiplosis. Basahin lamang at unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang ito.
Ano ang Anapdilosis?
Ang “anadiplosis” ay ang pag-uulit ng huling bahagi ng sugnay o pahayag at ginagamit ito bilang panimula ng kasunod na pangungusap.
Dagdag pa rito, ang mga manunulat ay gumagamit ng anadiplosis para sa estilong may kapangyarihan upang manghimok at pagandahin ang mga salita sa pamamagitan ng ritmo at indayog.

Mga halimbawa ng Anadiplosis
Ang mga sumusunod ay ang mga anadiplosis halimbawa sa pangungusap.
1. Mahiya ka naman dahil siya ay nasaktan. Nasaktan siya sa mga sinabi mong walang katutuhanan.
2. Ang pangako mong laging napapako. Napapako palagi ang kanyang mga pangako sa kanyang mga anak.
3. Hindi ka naman bulag pero bakit wala kang nakikita. Nakikita mo naman siguro dahil sa sobrang laki mga mata mo at hindi ka naman bulag.
4. Walang katapusang trabaho sa araw na ito. Ito ay walang katapusang trabaho.
5. Maging isang mabuting ihemplo. Ihemplo ka sa mga kabataan dito sa baranggay.
6. Lakas sa pamamagitan ng kadalisayan, kadalisayan sa pamamagitan ng pananampalataya.
7. Ang takot ay humahantong sa galit. Ang galit ay humahantong sa poot, at ang poot ay humahantong sa pagdurusa.
8. Ang lahat ng aking ginagawa ay para sa kabutihan. Kabutihan ng ating pamilya at wala ng iba pa.
9. Pasensiya na po, paumanhin. Paumanhin nakikiusap ako sa inyo.
10. Ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat kung gaano kayo katagal. Katagal kong hinintay ang tunay na pagmamahal.
11. Kapag magmahal ka, magmahal ka ng buong puso.
12. Iwanan mo na lahat huwag lang ang Diyos, Dahil ang Diyos ang kasagutan sa lahat ng iyong mga katanungan.
13. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Sasabihin ng iba na wala akong kwenta tao, hindi na ako naaapektuhan.
14. Maawa ka sa sarili mo, dahil sarili mo lang ang makakatulong sa’yo.
15. Wala ka na ngang ginawang tama at nagdulot ka pa ng sakit sa ulo. Ulo mong napakalaki ngunit wala namang laman.
Konklusyon
Ating tinalakay sa paksang ito, ang tungkol sa anadiplosis at amin ding inilakip ang mga halimbawa ng anadiplosis upang mas madali ninyung maintindihan.
Tiyak na makakatulong ang paksang ito sa inyung aralin sa Filipino. Sapagkat nais namin na kayo ay matulungan sa inyung ibat-ibang aralin sa Filipino.
Sana ay marami kayong natutunan sa artikulong ito. Sapagkat, tinitiyak namin na kayo po ay aming mabigyan ng wastong kasagutan sa inyung mga katanungan sa ibat-ibang aralin sa Filipino.
Kung maari po sana ay inyung ibahagi ang artikulong ito sa iba upang kanila ring matuklasan at mapag-aralan kung ano ang inyung mga nalaman at natutunan sa paksang ito.
Maraming salamat po ❤❤❤ sa patuloy ninyung pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Kung sakali man na kayo ay marami pang mga katanungan inyu lamang bisitahin ang aming website para sa inyung mga karagdang kaalaman.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Anadiplosis Halimbawa At Ang Kahulugan Nito,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang Aralin sa Filipino
- Pangitain Kahulugan – Halimbawa Ng Tayutay na Pangitain
- Ano Ang Pagtatambis o Oksimoron At Ang Halimbawa Nito?
- Halimbawa Ng Salantunay O Paradox At Kahulugan
- Ano Ang Aliterasyon, Halimbawa, Mga Uri, At Layunin Nito?
- Epipora Halimbawa At Kahulugan Nito
We are Proud Pinoy.