10 Pambata Maikling Kwento

PAMBATA MAIKLING KWENTO – Ang sarap makinig ng mga kwentong pambata na talaga namang nakakaaliw. Sa paksang ito ating, matutunghayan ang ibat-bang Filipino maikling kwentong pambata.

Tunghayan sa ibaba ang ibat-ibang halimbawa ng maikling kwento pambata Tagalog. Tiyak na maraming kayong magugustuhan at mababasang kwento na inyong magugutuhang basahin.

10 Pambata Maikling Kwento
10 Pambata Maikling Kwento

Ngayong atin ng matutunghayan ang mga Filipino maikling kwentong pambata. Magandang halimbawa ang maikling kwento pambata Tagalog. Dahil, isa ito sa mga paraan ng mabisang pagtuturo ng mabuting asal. Mula sa mga kwentong ito makakakuha ng aral ang mga bata tungkol sa tamang pag-uugali.

Ano ang maikling kwento?

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.

Halimbawa ng Maikling Kwentong Pambata

Narito ang ilang halimbawa ng maikling kwentong pambata na siguradong magugustuhang pakinggan ng mga bata.

1. Ang Pagong at Ang Kuneho

Pambata maikling kwento - Ang Pagong at Ang Kuneho
Ang Pagong at Ang Kuneho

Isang hapon, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si Pagong sa kanyang maliliit

na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad.
Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho. Sa kagustuhan ni Pagong na patunayang mali si Kuneho
sa kanyang mga paratang, hinamon niya si Kuneho at nagsabing, “Kung gusto mong subukin ang
aking kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan.

Maaaring mabilis ka subalit malakas
naman ang aking resistensya,” ang hamon ni Pagong.
“Anong paligsahan ang nais mo?” tanong ni Kuneho.
“Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok,” sagot ni
Pagong…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong maikling kwentong pambata.

2. Si Langgam at Si Tipaklong

Pambata maikling kwento - Si Langgam At Si Tipaklong
Si Langgam At Si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam.
Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil
ng bigas ang nakita niya.

Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
“Magandang umaga kaibigang Langgam,” bati ni Tipaklong. “Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala kanang
ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”


“Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon,” sagot ni Langgam.
“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam,” wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon, tayo ay
magsaya. Halika, tayo ay lumukso…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong maikling kwentong pambata.

3. Si Pagong at Si Matsing

Si Pagong at Si Matsing
Si Pagong at Si Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si
Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit.
“Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.
“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.


“Ang mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang
pagkain,” dagdag pa nito.
“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling
Muning,” sabi ni Pagong.


“Kahit na, ako muna ang kakain,” pagmamatigas ni Matsing.
Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing
ang pansit at walang natira para kay Pagong…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong maikling kwentong pambata.

4. Alamat ng Pinya

Alamat ng Pinya - Buod at Aral ng Alamat ng Pinya (3 Versions)
Alamat ng Pinya

Noong unang panahon sa isang malayong nayon ay may naninirahang mag-ina, sina Aling Marya at ang kaisa-isa niyang anak na si Pina.

Palibhasa nag-iisang anak, si Pina ay hindi pinapagawa ng ina at sa halip siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Ang katwiran ni Aling Marya ay, “maliit at bata pa naman si Pina, matuto rin iyan”. Kaya ang nakasanayang gawin lang ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog.

Ang anak ay lumaki sa layaw dahil na rin sa inang si Aling Marya. Noong dalagita na si Pina ay gusto na sana ni Aling Marya na turuan ang anak ng mga gawaing bahay, ngunit naging ugali na ni Pina ang katamaran…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong maikling kwentong pambata.

5. Alamat ni Maria Makiling

Alamat ni Maria Makiling - Buod at Aral ng Alamat ni Maria Makiling 2021
Alamat ni Maria Makiling

Si Maria ay kaisang-isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon, na para-parang bathala o engkantado kung sa ngayong pakahulugan. Tanging-tanging mutya ang nabanggit na lakambini sa kanilang tahanan pagka’t siyay’y bugtong na aliw ng kanyang ama’t ina.

Siya ang liwanag ng kanilang paningin; siya ang galak ng kanilang puso; anupa’t sa biglang pangungusap, siya ang kayamanang impok ng kanilang buhay. Sa kanilang katandaan, si Maria ang bango at kulay ng mga araw nilang unti-unting nawawalan ng sigla’t lakas.

Si Maria’y hindi taga-lupa, bagama’t siya’y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal. Gaya na nga ng aking nasabi, nang panahong yao’y maaaring makipag-usap ang mga tao sa bathala; maaari silang magkatabi sa lilim ng isang punungkahoy…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong maikling kwentong pambata.

6. Ang Kabayo At Ang Mangangalakal 

Ang Kabayo At Ang Mangangalakal (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Kabayo At Ang Mangangalakal

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig.

Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa.

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at naglulan na naman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. Nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong maikling kwentong pambata.

7. Ang Aso At Ang Anino

Ang Aso At Ang Anino (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Aso At Ang Anino

Isang araw, may isang aso ang naglalakad sa may daan habang kagat-kagat sa bibig ang isang pirasong karne. Tumawid siya sa isang tulay at tumingin sa tubig sa ilalim ng tulay.

Nakita niya ang kanyang repleksiyon sa tubig at inakalang ibang aso ito na mayroon ding dalang karne sa bibig.

Malaki at masarap ang dalang karne ng asong nasa harap ko, sa isip ng aso.

Kapag nakuha ko ang karneng ‘yan, magkakaroon ako ng dalawang karne. Tiyak mas mabubusog ako at siguradong may tira pa para panghapunan. Tatakutin ko siya at kukunin ang karne nito…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong maikling kwentong pambata.

8. Ang Daga at Ang Leon

Ang Daga At Ang Leon (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Daga At Ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang
likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa
buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin.

Natakot at nagmakaawa ang daga.
“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong
masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran.

Huwag mo akong kainin,”
ang sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong maikling kwentong pambata.

9. Si Jupiter At Ang Tsonggo

Si Jupiter At Ang Tsonggo (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Jupiter At Ang Tsonggo

Isang araw ay ipinakalat ni Jupiter ang balitang magkakaroon ng timpalak na magtatampok sa
pinakamagandang anak ng hayop sa kapaligiran.
Nang dumating ang araw ng laban ay nagtipun-tipon ang lahat ng hayop sa paanan ng kabundukan.
Dala-dala ng lahat ng inang hayop ang kani-kanilang anak na ipanlalaban.

Kahit malalayong gubat,
bundok, lambak, ilog at kuweba ang pinanggalingan ay nawala ang pagod nila makasali lang sa
timpalak.


Tuwang-tuwa ang lahat nang ihudyat ng dagundong at malalakas na kulog ang pagbukas ng langit.
Nagbunyi ang lahat nang matanawan nilang pababa sakay ng gintong karwahe niya ang Bathalang
si Jupiter…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong maikling kwentong pambata.

10. Si Dagang Bayan At Si Dagang Bukid

Si Dagang Bayan At Si Dagang Bukid (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Dagang Bayan At Si Dagang Bukid

May dalawang dagang magkaibigan, sina Dagang Bayan at Dagang Bukid. Magkalayo
ang kanilang mga tirahan subalit patuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
Isang araw, dinalaw ni Dagang Bayan si Dagang Bukid.


“Napakalayo ng lugar mo. Nagutom ako sa pagod. Kumain na tayo,” ani Dagang Bayan.
“Wala akong pagkain dito. Halika, maghanap tayo,” sagot ni Dagang Bukid.


“Ano? Maghahanap pa tayo?” di-makapaniwalang tanong ni Dagang Bayan.
“Oo, ganyan talaga rito sa bukid. Hahanapin mo muna ang iyong kakainin,” malumanay
na sagot ni Dagang Bukid.

Konklusyon

Ang paksang ito ay tungkol sa mga maikling kwentong pambata at mga halimbawa nito. Ang mga kwento na ito siguradong kapupulutan ng aral ng mga bata at mga mambabasa nito. Maari ninyo itong maidownload upang mabasa ito offline.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa sa artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan sa araling ito. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang Filipino lesson.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “10 Pambata Maikling Kwento,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Maikling Kwento Pambata

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment